LOML: 15

461 18 0
                                    

Roni's Point of View

Napakabilis talaga ng oras, Linggo na ngayon at last day ko na dito sa Boro Resort. Sobrang nag enjoy kami kahapon at sinulit namin ang bawat segundo. Napilit din nila akong mag banana boat kahit na takot ako, sinigurado naman ng mga nag-assist saamin na safe kami at hindi nila masyadong binilisan.

Syempre hindi nawala ang camera na dala ni Junjun, ano pang silbi ng talento niya sa pagkuha ng litrato kung hindi naman nagagamit.
Maya't maya kami nagpapakuha ng litrato sakaniya, wala naman kaming nakuhang reklamo dahil nga hilig naman niyo ito.

Sinetup din niya ang camera niya para makapag picture kami ng kompleto ang barkada. Mayroon din 'yong mga solo pics at by partner. Niloloko nga namin si Tonsy, dahil siya lang ang walang partner. Ewan ko ba dito kay Tonsy, wala naman siyang naku-kwento saamin.

Ngayong araw ang gagawin namin ay bibili kami ng mga pwedeng pasalubong sa parents namin. Nakabihis na din kami para pag-uuwi na kami ay naka ready na.

"Guys ito kaya bracelet ang ganda, may nakalagay pang Boro" sabi ni Missy, kaya tinignan naman namin.

"Pwede din love, bilhan mo na sila Mommy at Daddy mo" sagot sakaniya ni Kuya.

"Ako bibili din ako para kay Daddy at Yaya" - Jelai

"Guys bumili nalang tayo ng bente niyan, para lahat mabigyan natin" pag-singit naman ni Borj

"Libre mo ba pare? Hahaha" biro ni Junjun

"Sige go, tutal natutuwa naman ako dahil nakalagay 'yong name ng Resort ko" ngiting-ngiti niyang saad.

"Narinig niyo po Kuya, bente daw po" sabi ni Junjun sa tindero, kaya hindi namin napigilang tumawa dahil sa sinabi at kung paano siya kumilos.

Parang bata....

Next naming binili ay mga damit na may nakatatak ulit na Boro. Black at White lang ang available, kaya black ang pinili ko at kay Borj ay White.

"Mas bagay sa'yo white Babe, saakin 'tong black" sabi ko sakaniya.

"Alam mo kung ano mas bagay, Babe?" tanong niya saakin.

"Ano naman?"

"Tayo ang mas bagay, kaya nga Boro e. Borj and Roni" banat niya saakin.

"Kow ang corny mo pareng Borj." kantyaw ni Kuya.

"Pare panira ka naman e" pagbibiro naman ni Borj sakaniya.

Madami pa kaming binili kagaya nalang ng mga chips at dress para pangpa salubong.

Mabilis lang ang oras, at nabitin kami. Pero okay lang 'yon dahil may next time pa naman, at sisiguraduhin ko na kasama na sila mommy pag bumalik ako dito.

Sa ngayon kailangan na muna naming umuwi at ipaalaam na din sa parents namin ni Borj na okay na kami.

Ilang oras din ang naging byahe namin, para lang makarating sa bahay. Kahit ang barkada ay sa bahay nagsibabaan, mamaya na daw sila uuwi para sulit na sulit ang oras. Bukas kasi ay back to work na sila.

Sa pananatili namin sa Boro Resort nalaman ko ang mga trabaho ng barkada. Maliban kay Kuya na alam ko naman na talaga, siya ay nagma-manage sa restaurant namin, si Missy ay isa na siyang event organizer sa company nila. Si Jelai naman ay tumutulong din sa business nila at minsan ay nagmo-model. Si Junjun naman ay nagpatayo siya ng sarili niyang business at minsan ay suma-sideline din siya sa pagkuha ng mga litrato sa mga events.

At ang aking boyfriend naman ay hindi lang basta chef, may sarili siyang resort at may restaurant pa siya sa Baguio. Sabi nga namin mag resign na siya sa trabaho niya at mag focus na siya sa mga business niya kaso ayaw niya.

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon