W-18
Roni's Point of View
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid ko, nasa kwarto pala ako ni Borj. At wala akong kahit anong damit na suot, buti nalang naka kumot ako.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Ano nanaman ba pinag gagawa ko, ang tanda ko lang naman unti lang nainom ko. Siguro dahil na din sa pagod kaya tinamaan talaga ako, wala din si Borj dito sa tabi ko.
Lagot hindi ako nakapasok sa trabaho ngayon...
Flashback~
"Tama si Borj sister, na witnessed ko lahat 'yon. And Borj feeling ko hindi man ito yung right moment...ito naman yung right time para sa plano mo, para makampante na din ang sister ko." sabi ni Kuya Yuan.
Nakita ko din ang pagtataka sa mukha ng barkada. Kahit medyo may tama na ako, naiintindihan ko pa din kung anong nangyayari.
"Sige pare, salamat sa hindi pagtutol sa plano ko. Siguro sa susunod ko nalang kakausapin sila Tita Marite." Sagot ni Borj
"Maiintindihan ka nila Mommy, Borj." - Kuya Yuan
"Ano ba kasi yon, Borj?" medyo inis na tanong ko. Tumayo siya at inalalayan niya din akong tumayo. Naka abang din ang barkada sa planong sinasabi ni kuya.
Nang makatayo na kami, biglang siyang lumuhod at binuksan ang maliit na box na hawak niya.
Nagtilian ang barkada dahil sa singsing na hawak ni Borj.
Ito na ba 'yon self?
"Babe, alam ko na hindi ito 'yung dream wedding proposal mo. Parehas tayong gusto natin pag dumating tayo sa point na ganito, kasama ang mahahalagang tao sa buhay natin. Kaso hindi na ako makapag-antay, tama ang Kuya mo hindi ito yung right moment pero ito yung right time--"
Napatingin ako kay Kuya at sa barkada todo pigil sila sa kilig.
"Roni Salcedo, my Ronibabes, my everything... Will you marry me?" tanong niya saakin.
"Yes Borj, hindi na ako makapag-antay na maging Mrs. Jimenez" sagot ko sakaniya, at agad niyang sinuot ang singsing sa daliri ko.
"Thank you Roni, I love you" tumayo siya at hinalikan ako sa labi.
"I love you too, Borj."
"Woooohoo ang Boni namin engage na!" Sigaw ni Junjun.
"Congrats sissy, parehas na tayo omg" - Missy
"Congrats prinsesa namin at pareng Borj." Sabi ni Tonsy.
"Sister at Borj, engage na kayo sapat na din siguro na maging dahilan ito para wala ng doubts." Sabi ni Kuy.
"Oo pare, salamat sainyo." Sagot ni Borj.
"Thank you guys, sobrang saya ko ngayon." Sabi ko sakanila, parang nawala ang tama ko dahil sa pag proposed ni Borj.
"Diba sis, lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo mawawala din 'yan. Always trust Borj, ikaw lang mahal niya. Bata palang tayo patay na patay na sayo yan." Sabi ni Jelai, kaya inasar nila si Borj.
"Bata palang tayo binakuran kana ni Borj, sister. Kaya lagi niyong pairalin ang love na meron kayo." -Kuya Yuan
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved