Roni's Point of View
Simula noong makita ko si Borj sa bahay, ayon na din 'yong last. As in hindi ko na ulit siya nakita, pag tinatanong ko sila Kuya iniiba nila ang usapan. Hindi ko alam kung anong rason, pero nakikiramdam nalang din ako.
Balak ko pumuntang clubhouse ngayon, magja-jogging ako at para maarawan din ako. Halos isang linggo na din kasi akong naka kulong sa bahay, dahil busy ang barkada sa mga trabaho nila.
Nagsuot lang ako ng sports bra, leegings at rubber shoes para komportable ako. Ganito din ang lagi kong suot sa Italy pag nag e-exercise ako. Maaga umalis sila Mommy kanina kaya ako lang ang tao dito, ni lock ko ang pinto dahil ayon lagi ang bilin ni Mommy saamin.
Nandito na ako ngayon sa clubhouse, dito lang ako magja-jogging. Iikutin ko lang ng ilang beses 'tong court, buti nalang at wala pang ibang tao ngayon dito. Bago ko sisimulan mag stretching muna ako, baka kasi mabigla ang katawan ko lalo na ilang araw na ako hindi nakakapag exercise.
Ilang minuto lang ay sinimulan ko na mag-jogging, nag set din ako ng tig 3 minutes sa cellphone ko para kahit papaano ay may pahinga ako. Balak ko kasi na 30 minutes lang ang pag exercise ko ngayon.
Nakatakbo na ako ng tatlong minuto at tumunog na ang cellphone ko na sign na kailangan ko na magpahinga saglit tsaka ko ulit itutuloy, 30 seconds lang ang pahinga ko.
Tatakbo na ulit sana ako nang bigla ako makarinig ng talbog ng bola, ayoko sanang isiping si Borj 'yon pero pagtingin ko siya nga. Balak ko sana siyang lapitan kaso nakita ko kung sino ang kasama niya.
Ayra.... So close na ulit sila?
Bakit pa nga ba ako magtataka? Syempre sa 4 years madami ng nangyari na hindi ko alam. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Bago pa nila ako makita, umalis na ako.
Feeling ko yung energy ko naubos agad dahil sa nakita ko. Uuwi nalang ako kaysa makita ko silang magkasama. Valid pa din naman nararamdaman ko diba? Kahit wala na kami....
Wala na nga ba kami?
Naalala ko 'yong sinabi ni Borj pag umalis ako wala na akong babalikan at maghiwalay nalang daw kami.
"Roni" pagtawag ni Tonsy at lumapit siya saakin.
"Hi Tonsy!"
"Saan ka galing?" Tanong niya saakin.
"Sa clubhouse, nag jogging ako kaso nasira ang plano ko. Kaya umuwi nalang ako, ito nga oh unting kembot nalang makakapasok na ako dito sa gate namin." Sagot ko naman sakaniya.
"Easy ka lang Roni, nagiging dragon ka nanaman e. Pero you know what, namiss ko 'yang pagta-taray mo."
"Hay nako Tonsy, namiss din kayo ng dragon niyo noh."
"Sige Roni aalis na ako, baka may ibang dragon pa na bumuga saakin," hindi pa ako nakakapag salita ay umalis na siya agad, nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Tumingin-tingin ako sa paligid nakita ko si Borj papasok na sa bahay nila.
Dahil wala naman akong magagawa, pumasok nalang din ako sa bahay. Siguro pag dumating yung tamang oras at may lakas na ako ng loob tsaka ko lang siya malalapitan para kausapin.
Hays Roni....
Nag chat ako sa group chat naming magba-barkada kung kailan sila free, para naman makapag bonding ulit kami. Uso na saamin ngayon ang messenger, hindi kagaya dati na text lang talaga.
Akala ko kung sino na 'yong unang nakakita ng chat ko, si Borj pala. Nawala sa isip ko na nasa gc nga pala siya kaya binura ko nalang yung chat ko. Baka kasi ano isipin niya, baka akala niya okay lang ako sa setup namin.
Nag private message nalang ako sakanila maliban kay Kuya at Borj. Kaso hindi pa daw available ang schedule nila, nalungkot naman ako bigla. Siguro kailangan ko na din maghanap ng trabaho para malibang naman ako dito, at para hindi ako palamunin.
Pero sa totoo lang malaki na din 'yong ipon ko. Pero syempre ang pera nauubos, kaya dapat magtrabaho pa din ako. Next month maghahanap na ako ng trabaho, pag hindi pinalad siguro doon nalang muna ako sa resto.
May dalawang linggo pa ako, gusto ko muna mag chill. Naghahanap ako ng resort sa facebook na pwedeng puntahan
May nakita na ako "Boro Resort", wow ang ganda at naka five star ang ratings dito nalang ako pupunta. Na e-excite ako dahil ang tagal na noong last na nakapag resort ako, grabe susulitin ko talaga.
Balak ko na bukas na ako pupunta doon. Sa ngayon kailangan ko muna i-ready ang mga ka-kailanganin ko tulad ng mga damit, sunblock, shade, swimsuit at yung mga personal ko pa na gamit.
Maganda 'tong naisip ko, para kahit papaano makapag isip-isip ako kung ano ba ang dapat kong gawin.
_______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote po. Thank you 🖤
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved