Roni's Point of View
Ilang oras na din akong nandito lang sa room ko, wala akong balak lumabas, wala akong lakas ng loob para magpakita na ganito 'yong itsura ko. Hindi ko inaasahan na may kakatok, iniisip ko kung bubuksan ko ba nakakahiya baka makita ng kung sino man na mugto mga mata ko.
Naghintay pa ako na may kumatok ulit tsaka ko napag pasiyahan na pagbuksan na dahil baka importante ito.
"B-borj" ano ginagawa niya dito?
"Pwede ba akong pumasok?" tumango lang ako tsaka ako dumeresto sa mini sofa. Hindi ko namamalayan na nagba-bagsakan nanaman ang mga luha ko.
Inabutan niya ako ng panyo at tsaka siya umupo sa tabi ko. "Roni" inantay ko pa na magsalita siya, pero wala na akong narinig ulit maliban sa malalim niyang paghinga.
Ganiyan na ganiyan siya pag may gusto sabihin pero nagda-dalawang isip. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin, nakayap siya saakin mula sa right side ko. Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakaharap ito sa bandang likod namin.
"B-borj" nauutal kong pagtawag sakaniya.
"Five minutes, Roni" hinayaan ko muna siyang yakapin niya ako, naririnig ko din ang mahina niyang pag-iyak.
Parang pinu-pukpok ng paulit-ulit ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, ayokong nakikita na ganito si Borj dahil saakin. Gusto ko siyang yakapin pabalik, pero parang hindi ko deserve.
"Matagal ko 'tong hinintay na mayakap ka ulit, miss na miss kita kung alam mo lang" umiiyak niyang saad.
Walang salitang lumalabas sa bibig ko, panay pag-iyak lang namin ang maririnig. Pumunta siya sa harap ko at pumantay siya saakin.
"Roni, ang sakit-sakit. Pero kahit ganon ikaw pa din laman nito e," sabay turo niya sa kaniyang dibdib.
"Magsalita ka naman, dapat nga galit ako sa'yo e. Pero nawala naman yon agad, nagtatampo ako dahil nagdesisyon ka na wala ako sa plano mo." Saad niya dahil nakatingin lang ako sakaniya.
"S-sorry" yon lang yung nasabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, nasaktan ko siya. Dahil sa sinabi ko napayuko nalang siya at napasandal sa mga tuhod ko habang hawak ang mga kamay ko.
Ilang minuto din kaming ganon hanggang sa umupo ulit siya sa tabi ko at sumandal sa balikat ko. Nakikita ko padin na may luhang nagtutuluan galing sa mga mata niya. Tahimik lang kaming dalawa, hanggang sa siya ulit ang unang nagsalita.
"Hindi kaba nagugutom?" tanong niya saakin, umiling lang ako bilang pagsagot.
"Hindi ka ba talaga magsasalita? Ayaw mo ba akong kausap?" sunod-sunod niyang tanong.
"G-gusto--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Magkalapat lang ang aming mga labi, at agad din naman siyang humiwalay.
"Sorry Roni, nadala lang ako" paghingi niya ng tawad. Hinawakan ko naman ang mukha niya at hinarap ko saakin.
"Sorry ulit Borj, hindi ako magsasawang humingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Bigyan mo ako ng isang pagkakataon, Borj."
"Oo Roni, kung alam mo lang ilang taon akong nagtiis na hindi kita lapitan." Nagtaka naman ako sa sinabi niya, napansin niya din ang pag-iba ng expression ko kaya tinuloy niya ang sinasabi niya.
"Simula nung umalis ka, sobra akong nasaktan. Iniisip ko ano bang mahirap sa pagdi-desisyon na kasama ako na nagawa mong hindi ako isama sa plano mo. Kahit sila Tita at ang barkada binalewala mo din kung ano pwede nilang maramdaman."
"Akala ko ba hindi lang tayo basta mag boyfriend o girlfriend, akala ko bestfriend din tayo... na lahat pwede mong sabihin saakin. Pero bakit ganon pinili mong itago sakin kahit na kapalit non mag-away tayo." Narinig ko ulit ang pag-iyak niya, pero tuloy padin siya sa pagsasalita.
"Nagtext ka saakin non bago ka umalis, sumunod ako hanggang airport kasama ko si Lolo Miyong pero hindi kami lumapit. Gusto ko lang makita ka na safe na makaalis, tuwing birthday mo at birthday ko pumupunta ako sa Italy para makita ka...." lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
"Gusto ko kahit na hindi tayo nakakapag-usap nakikita kita at maramdaman ko na nandiyan ka.."
"Bakit hindi ka lumapit saakin?" pagputol ko sa sinasabi niya.
"Dahil sa pride ko Roni, nakatatak kasi sa isip ko lagi nalang ba ako yung iintindi. Roni sa 4 years wala manlang akong natanggap sayo kahit message manlang...buti nandiyan si pareng Yuan."
"Sorry Borj, ang selfish ko. Pero tuwing natawag ako hinahanap kita, hindi sinasagot ni Kuya mga tanong ko."
"Ako ang nag-utos sa Kuya mo, gusto ko kasi saakin ka mismo tumawag o magtext manlang. Siya lang din nakakaalam na pinupuntahan kita, hindi namin pinaalam sa barkada pati kila Tita Marite."
"Thank you, Borj, sa pag-intindi palagi saakin Akala ko wala na akong babalikan. Hindi naging masaya ang apat na taon ko sa Italy, araw-araw iniisip ko kayo lalo kana. Natatakot nga ako umuwi dito dahil baka wala na akong Borj na babalikan." Pag-amin ko sakaniya.
"Alam ko Roni, ilang beses ko din na witness kung gaano ka nahirapan at kastress doon. Minsan kasi nasasaktuhan yung pagtawag mo kay Yuan na magkasama kami. Nadidinig ko usapan niyo at kung paano ka umiyak. Hindi rin nakakalimutan ni Yuan na mag-update saakin tungkol sayo."
"Borj sabihin mo kung ano ang dapat kung gawin, gusto kong bumawi sayo sa lahat ng pagkukulang ko."
"Wag kana ulit umalis, dito ka nalang sa tabi ko. Hindi ko na talaga kakayanin, pag umalis kapa." Pagma-makaawa niya saakin.
"Hindi na ako aalis, Borj, promise ko sa'yo hindi na ako lalayo ulit sayo."
"Thank you, may isa ka pang kasalanan saakin." napa kunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano 'yon Borj?"
"Kahit monthsary at anniversary natin kinalimutan mo" nagtatampo niyang saad, at binitawan niya ang mga kamay ko.
"Ang ibig mo bang sabihin, hindi ka nakipag hiwalay talaga saakin?" Nakangiti kong tanong sakaniya.
"Alam mo naman Babe na hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, galit lang ako sa'yo kaya ko nasabing wala ka ng babalikan."
Babe..... ang sarap pakinggan.
"So ibig sabihin tayo pa din?" pagkukumpirma ko sakaniya. Hinalikan niya lamang ako bilang pagsagot sa tanong ko.
"I love you Babe, at hindi 'yon magbabago."
"I love you too, Borj."
_______________________________________
To be Continued ~
Please don't forget to vote. Thank you 🖤
BINABASA MO ANG
Love Of My Life [Completed]
FanfictionA sequel of the story entitled "My Crushiecakes" TRUST, RESPECT and UNDERSTANDING is the KEY. "Making you happy makes me happy." ©All Rights Reserved