LOML: 22

574 28 2
                                    

Roni's Point of View

Napakabilis ng araw, parang kahapon ay Lunes palang. Ngayong Huwebes namin napagdesisyunan ni Borj na ipaalam sa parents namin na engage na kami.

Inaantay ko nalang na si Borj na sunduin ako dahil may dinaanan siya saglit. Wala pa din pinagbago sa workplace ko, sobrang nakakastress pa rin. Hindi ko pa natatanong kay Borj kung kinausap na ba niya si Ayra. Hanggang ngayon kasi mainit pa din ang dugo saakin, wala naman akong choice kundi patulan siya.

Ayoko kasi talagang inaapi ako, kaya hindi ko alam paano nagagawa nung iba na habaan ang pasensiya nila pag dating sa mga ganitong bagay.

Ilang minuto lang ay dumating na si Borj, kulang nalang mapunit na ang mga labi niya dahil sa laki ng pag ngiti niya.

Ang pogi talaga, naka dark blue polo siya at may suot pang shades.

Humalik siya sa labi ko pagkarating niya sa pwesto ko, inalalayan niya ako papasok sa kotse.

"Sa tingin mo magagalit sila saakin, Babe?" bigla niyang tanong.

"Ewan ko lang Borj, pero kilala mo naman sila Mommy feeling ko naman hindi."

"Sana nga Roni, sila Lola at Lolo wala pa ding alam pero sure ako na matutuwa sila."

"Borj, huwag kang mag-alala kasama mo ako, tsaka nandoon din si Kuya."

"May pagkaloko pa naman si Yuan, baka pagtripan ako, hahaha"

"Ako bahala kay Kuya, Borj" pag a-assure ko sakaniya.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan niya 'to.

Nandito na kami sa restaurant namin, medyo kinakabahan na din ako pero hindi ko pinapahalata kay Borj. Kumapit ako sa braso niya at sabay kaming pumasok.

Sumalubong agad si Mommy saamin, nakipag beso-beso kami ni Borj.

"Ano bang meron mga anak?" tanong ni Mommy.

"Mas mabuti po kung hintayin po muna natin sila Lola" sagot ni Borj.

"Okay, tara maupo na tayo. Naka ready na din ang foods at nandoon na si Yuan at ang Daddy nila." pag-aaya ni Mommy.

Hindi nagtagal ay dumating na din sila Lolo at Lola. Ramdam ko na ang kaba ni Borj, dahil pawis na ang kanang kamay niyang nakawak sa kamay ko.

"Kain muna tayo, tsaka natin pag usapan kung ano mga tumatakbo sa isip niyong dalawa. Mukhang malalim ang iniisip niyo." Sabi ni Mommy kaya napaayos kami ng upo ni Borj.

"Oo nga pareng Borj, pawis ka na oh" panggagatong ni Kuya, kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa naman siya dahil sa inasal ko at nag peace sign pa.

Habang nakain ang mga kasama namin, kami ni Borj ay halos hindi namin mabawasan ang pagkain namin.

"Akala ko madali lang 'to Babe, nakakakaba pala talaga." Bulong niya saakin.

"Kinakabahan din ako, Borj" pag-amin ko sakaniya.

"Ano ba 'yong sasabihin niyo Roni? Borj?" tanong ni Daddy

"Oo nga mga apo, may pa dinner pa kayo. For sure sobrang importante yan." Sabi ni Lola.

"Si Borj po magsasalita" sabi ko sakanila, napatawa naman si Kuya. Kaya pinagalitan siya ni Mommy.

Bakit nung kila Kuya, madali lang para sakaniya sabihin sa parents namin na engaged na sila ni Missy....

"Borj apo" pagkuha ni Lolo sa atensyon ni Borj, dahil napapatulala ito.

Love Of My Life [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon