2

5.6K 151 10
                                        


"Sigurado ka ba? I mean, family gatherings are a bit private. I'm not sure if I should go?" Hawak ni Dionne ang telepono habang kausap si Marcus sa kabilang linya at nakatayo sa loob ng opisina na napapaligiran ng bintanang salamin.

"I'm asking you as a favor, Dionne. Just for a couple of days. Sasamahan mo lang ako. You're going to meet my mom and my sister, we do this once a year. I just want my mom to stop setting me up on blind dates," pangungumbinsi ni Marcus at sabay narinig ang malalim na buntong-hininga.

Tahimik na pumasok sa opisina ang assistant na may hawak na black folder. Nakasuot siya ng white long sleeves na pinatungan ng itim na blazer, at nakasuot din ng itim na slacks. May nakakabit na maliit na nametag na gawa sa metal, at nakasulat ang pangalang Tracy Arnaiz, Executive Assistant.

Napalingon si Dionne sa pinto at itinuro ang hawak na folder. "Is that the portfolio for our next event?" interesadong tanong niya sa assistant. "Hold on, Marc. I need to take this." Lumakad si Dionne papunta sa assistant, maririnig ang mahinang lagutok ng red high heels sa marmol na sahig. Maaliwalas ang opisina, bumagay ang kopya ng mga sikat na paintings nina Frida Kahlo, Rembrandt, at Salvador Dali na nakahilera sa puting pader. "This won't take long, I'll put you on speaker, you better say nice things habang nandito si Tracy." Nakangiting turan ni Dionne at inilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa. Sa tabi ay makikita ang silver plaque na nakaukit ang pangalang: Dionne Lucas, Executive Director, Favell Metropolitan Museum.

"He can be a jerk sometimes," pabirong pahayag ni Dionne sa assistant, sabay kindat.

"Hey, I heard that!" tumatawang tanggi ni Marcus mula sa speaker.

Bahagyang namula ang mukha ni Tracy nang magsalubong ang kanilang tingin ni Dionne. Agad na yumuko si Tracy at binuksan ang portfolio. "Yes, I already completed the lists, Miss Lucas—I mean, Dionne." Pansamantalang nautal nang maalala na first-name basis ang tawagan nila sa opisina.

Umupo si Dionne sa leather swivel chair, lumapat ang malambot na tela ng damit na bumagay sa kurba ng katawan. Suot ang grey sleeveless dress na pinatungan ng pearl necklace at bahagyang nakadungaw ang kaniyang dibdib. Takaw-atensiyon ang eleganteng kwintas at cleavage na hindi nakakasawang pagmasdan, dahilan para ituon na lang ni Tracy ang tingin sa makinis na braso ni Dionne.

"So, ready na ba ang lahat ng lists para sa event?" tanong ni Dionne habang isa-isang binubuklat ang pahina ng portfolio. "I need you to visit our featured artist named Gwynett Sy. She made a debut in New York, gumawa siya ng sculpture made of paper mache and other things. It's quite a hit in contemporary art. Isa siya sa magiging representative ng event. She wants to re-create her work on-site and I told her that there's a vacant studio here in the museum. Please see to it na lahat ng mga materials na pumapasok dito ay nasa list of contracts," mahabang paliwanag ni Dionne. Pagkatapos basahin ang mga nakalatag na papeles ay isa-isa rin pinirmahan. "Just make sure to give Miss Sy the identification cards. Oh, make it two, bigyan mo rin siya ng visitor pass." Saglit na tumingin si Dionne kay Tracy at agad itinuon ang pansin sa papeles. "She'll be needing some assistance with her studio. Time has no limits, she can do whatever she wants as long as she finishes the job. I just want to make sure we're not going to have a problem with the security staff, lalo na yung mga nasa night shift."

Pagkatapos pirmahan ang mga papeles ay tumingin si Dionne sa dako ni Tracy na nakatayo malapit sa mesa. "Did you get that?" nakakunot-noong tanong niya nang walang makuhang sagot dahil nakayuko lang ang assistant.

"Are you okay, Tracy?" muling pagtawag pansin ni Dionne.

"Huh? Oh, yes—yes, na-naayos ko na yung security details for Miss Gwynett Sy," tarantang sagot ni Tracy. Nakalapit na si Dionne, bahagyang nakayuko dahil sa tangkad at nakitaan ng pag-aalala sa kaniyang mukha. "You look pale. Puwede ka na umuwi ng maaga kung gusto mo. You should get some rest," sambit ni Dionne.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon