Isa-isang hinaplos ni Dionne ang mga libro sa estante, tiningnan ang mga pamagat, at napagpasiyahang umakyat sa rounded staircase papunta sa ikalawang palapag ng library. Pumapasok ang sinag ng araw sa bintanang salamin, at may malaking green leather sofa sa gitna ng library, na umayon din sa disenyo kasama ang malalaking abstract paintings na nakasabit sa pader. Mayroon ding mesa na gawa sa kahoy at French lamp na nakadisplay sa ibabaw nito.Sa bawat estante ay kapansin-pansin ang mga hardbound books na may mga pamagat tungkol sa batas, medisina, at pilosopiya. Meron ding romance novels, historical, at classic novels sa kabilang estante. Kahit nahahawakan ni Dionne ang mga libro, naamoy niya rin ang lumang pahina. Hindi niya inalintana; para sa kaniya, ang amoy ng lumang pahina ng aklat ay hindi mabaho kundi pangkaraniwan lang. Napapansin ni Dionne na kahit walang masyadong gumagamit ng library sa loob ng mansiyon, hindi maalikabok at laging malinis. Agaw-pansin ang buga ng aircon na may amoy lavender, may motion sensor ito at mag-isang bumubukas kapag may taong pumapasok sa library. Sapat na dahilan para hindi pagpawisan si Dionne, kahit kanina pa siya naglalakad sa loob at wala pang nahahanap na babasahing libro.
Nahagip ng paningin ni Dionne ang isang malaking libro na nakaipit sa pinakadulo ng bookcase. Kulay dilaw at walang pamagat. Marahan niyang tinanggal ito mula sa pagkakaipit sa hanay ng mga libro, at isang photo album ang nakita. "Margaret Del Pierro and Miguel Ronan Wedding," mahinang binasa ni Dionne ang nakasulat sa unang pahina ng album. Isang lumang larawan ang nakadikit sa pangalawang pahina ng album. Nakasuot ng wedding gown si Margaret, masayang nakangiti, at may pagkakahawig kay Charlotte ang ganda nito. Ang pagkakaiba lang nilang mag-ina ay mas matangkad si Charlotte, mas matingkad ang kulay ng mata, at may malalim na dimples. Napadako naman ang atensiyon ni Dionne sa katabi ni Margaret. Matangkad ang lalaki, mestisuhin ang mukha at moreno. Malaki ang pagkakahawig ni Marcus sa kaniyang ama. Nakatayo ang bagong kasal sa harap ng malaking simbahan, at may mga naglalakihang pine trees sa paligid. Bagama't luma at kupas ang larawan, nakikita ang ganda ng lawa, makukulay na bulaklak, at pinong damo sa labas ng malaking simbahan. Binasa ni Dionne ang nakasulat sa ibabang bahagi ng larawan: "Birmingham, England."
"So there's nothing on the internet?" Isang pamilyar na boses ang pumasok sa library. Maririnig ang mahinang pagsara ng pinto at mahihinang yabag. "I can't believe they didn't update their website. It's so inconvenient. So now, I have to revise it." Napabuntong-hininga si Charlotte. "Can you find something about this law in relation to the Clifford code?" Inilipat niya ang hawak na cellphone sa kaliwang tainga at napaupo sa sofa.
Agad ibinalik ni Dionne sa dating puwesto ang photo album, lumapit sa balustre ng hagdanan, at pansamantalang pinanood si Charlotte mula sa itaas. Mukhang nasa opisina ang suot ni Charlotte kahit pambahay lang ang damit. Nakasuot siya ng simpleng puting long sleeves na v-neck ang kuwelyo at itim na slacks, na binagayan ng high pointed leather shoes. Nakalugay ang buhok niya at mistulang pagod, dahil kanina pa napapahawak sa noo. "Call me if you find something. I need to read the physical copy. I might have it here somewhere. I think nabasa ko na rin 'yun. I'll just look around. But I really need it. You understand, right? Okay...call me later. Thanks." Pinutol na ni Charlotte ang tawag at napasandal sa sofa.
Napatikhim si Dionne habang nakahawak sa balustre. "Need help?"
Napalingon si Charlotte. "Oh, hi. What are you doing here?" nakangiting tanong niya.
"Just looking for something to read." Kibit-balikat ni Dionne at nagsimulang bumaba sa hagdanan.
"Isn't an ebook your thing?"
Napatawa si Dionne sa sinabi ni Charlotte at umupo sa sofa. "Too much distraction. I don't think I can finish a book with notifications popping on my screen." Hinaplos ni Dionne ang suot na singsing sa hintuturo. "So, maybe I can help you? If you're looking for something?" Nasinagan ng araw ang mukha ni Dionne nang lumingon, at hinaplos ng sikat ng araw ang kayumangging kutis. Mala-olive skin ang kulay ng balat ni Dionne, light brown at mas nagiging matingkad kapag nasisinagan ng araw. Nakikita ang collar bone at isang maliit na nunal sa bandang leeg dahil sa suot na off-shoulder blouse. Nakalugay ang buhok at bumagay ang suot na headband na may disenyong maliliit na diyamante.
![](https://img.wattpad.com/cover/359066075-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomansaSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...