"Can someone else do it?" tanong ni Charlotte habang marahang inusog ang upuan at tumayo. "You're on holiday. I don't think you need to work right now." Sinara niya ang nakabukas na laptop, inayos ang ilang nakakalat na papeles sa tabi ng cellphone, at itinabi ang isang mamahaling pigurin ng kabayo na gawa sa kristal, inilapag sa ibabaw ng mesang gawa sa mahogany.Malawak ang loob ng study room, pinalilibutan ng malalaking bookcases na puno ng mga libro. Ang sahig ay tinatakpan ng Persian carpets, at makikita ang ilang antique collections tulad ng gramophone, lamps, at French furniture na maingat na nakadisplay sa bawat sulok ng silid. Kulang na lang ay magkaroon ng fireplace para tuluyang maging katulad ng tipikal na study room na makikita sa Europa.
Napabuntong-hininga si Marcus. "I know. Nag-pull out ang ibang suppliers because of the avian flu scare. Now, some of the restaurants need to change their menus. If I don't go there to check how things work, maaring mawalan ako ng ibang suppliers."
"You're not running a hospital, Marcus. No one will die if you change the menu. Besides, we have plans today. We're going to give gifts to the kids, remember?" May bahid ng pagkadismaya ang boses ni Charlotte habang kinukuha ang oriental teapot na gawa sa porselana at isinasalin ang mainit na berdeng tsaa sa maliit na cup.
Napaupo si Marcus sa maliit na ottoman chair na malapit sa bintana. "I have to do this, Charlotte. If I don't, I will lose a lot of clients. Hindi matutuwa ang investors, you know that," determinadong wika ni Marcus.
"Fine, you have to go. I understand what you mean," malumanay na tugon ni Charlotte at napadekuwatro sa pagkakaupo sa puting French chair na may pagkakatulad ang disenyo sa panahon ni King Louis XIV. Maingat niyang ininom ang mainit na tsaa at ipinatong sa platito. Lumapit siya sa maliit na mesa para magsalin ulit ng tsaa.
"I asked Dionne to accompany you. She said yes. Sasamahan ka niya pumunta sa charity event," paglalahad ni Marcus.
Napatigil si Charlotte sa pagsalin ng tsaa at maingat na inilapag ang teapot. "Oh? She's not coming with you?"
Umiling si Marcus, sabay taas ng kamay bilang pagbibigay ng dahilan. "No. Of course not! I practically begged her to come here. Kung isasama ko siya, I just wasted her time."
Napaharap si Charlotte kay Marcus. "How long will she be staying?"
"Uhm, two weeks. That's the longest I can ask from her," walang kasiguraduhang sagot ni Marcus, napakunot-noo.
Naguluhan si Charlotte sa narinig at napahalukipkip. "Why did you ask her? I mean, why do you want your girlfriend to stay longer?"
Napakamot ng ulo si Marcus.
Napakunot-noo si Charlotte. "Is there something you're not telling me?"
"She's not really my girlfriend. We're not really in a relationship," nahihiyang pag-amin ni Marcus.
Napataas ng kilay si Charlotte. "What? I thought—" nabiglang turan niya.
Napatayo si Marcus sa kinauupuan, pumunta sa maliit na mesa na may nakalagay na bote ng alak at nagsalin ng whiskey. "Mom assumed that she's my girlfriend. I didn't say it right away so that she would stop asking me to find a girlfriend or a wife. I invited Dionne as my date," paliwanag ni Marcus.
Napahawak sa noo si Charlotte sa narinig, halatang hindi kumbinsido sa plano. "I'm having a migraine, Marcus. This idea is absurd."
Tumawa si Marcus. "Absurd but it works. See? Mom is no longer asking me about my personal life."
"Fine! It's clever!" Kibit-balikat ni Charlotte.
"Told you." Tumatawang tugon ni Marcus.
"What exactly is your relationship with Dionne?" napabuntong-hiningang tanong ni Charlotte.

BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomansaSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...