Napakunot noo si Georgia habang nakatingin sa screen ng computer, naging mabilis ang pagtipa ng daliri niya sa keyboard at nang maiayos ang report ay agad hinawakan ang mouse para i-save sa document. Maririnig ang mahinang pagpindot at ang tunog ng keyboard.Isang mahinang katok ang narinig, hindi napansin ni Georgia dahil abala pa rin nakatingin sa computer. Narinig ulit ang mahinang katok at napatingin na rin sa pinto. "Come in!" agarang sagot niya at binalik ulit ang atensiyon sa computer.
Bumukas ang pinto at mas lalong kumunot ang noo ni Georgia nang pumasok si Dionne sa opisina. "I'm surprised you actually visited me in my office," hindi makapaniwalang bungad niya.
Binaba ni Dionne ang hawak na bag at napaupo sa sofa na malapit sa mesa. "Your girlfriend, who also happens to be my personal assistant, is attending a seminar," sabi niya. Sumandal siya sa kinauupuan, nag-dekuwatro at mas lalong naging maikli ang suot na skirt na bumagay sa designer blouse. Nasinagan ng ilaw ang suot na black stilettos na bumagay sa kurba ng legs. "Tracy asked me kindly if I could make you eat lunch because apparently, you forget basic human needs when you're working." Napabuntonghinga siya habang hinahaplos ang namuong gusot sa suot na skirt. "So yes, I'm here to babysit you." Eleganteng humikab si Dionne habang sinisipat ang kintab ng kaniyang red nail polish sa mga daliri.
Hindi maiwasan matawa ni Georgia sa narinig habang tumitipa sa keyboard. "And you volunteered? How kind of you to be my babysitter," tudyo niya at may sumilay na ngiti sa labi.
Maarteng inirapan lang siya ni Dionne. "Don't flatter yourself. Tracy begged me to drag you out of your work cave and feed you. Apparently, you've forgotten how to function as a human. Well, someone has to make sure you don't wither away into a workaholic skeleton." Tumayo si Dionne at naglakad papunta sa mesa ni Georgia. "You're welcome, by the way," dagdag na sambit niya.
"Ah, so you're here to be my personal lunch nagger. How charming," inirapan lang siya ni Georgia at pinagpatuloy ang pag-type sa keyboard.
"Think of me as your dietary fairy godmother, here to make sure you don't starve yourself," mataray na sagot ni Dionne sabay hinawi ang buhok na abot hanggang balikat.
"And here I thought fairy godmothers granted wishes, not lunchtime lectures," nababagot na tugon ni Georgia habang nakatingin sa screen.
"Why does your office look like a tornado hit it? Ever heard of a filing cabinet?" pagtatakang turan ni Dionne habang inilibot ang paningin. Malaki ang opisina ni Georgia, elegante ang disenyo at may ilang paintings nakasabit sa ding-ding. Nakasara ang malaking kurtina sa bintanang salamin kaya walang nakakapasok na sinag ng araw at malamlam ang ilaw. Maraming nakakalat na papeles sa ibabaw ng mesa at maging sa sala set ay may mga nakapatong na folder. "Seriously, Georgia, do you even remember what the color of your desk is?" dismayadong tanong ni Dionne nang makalapit sa mesa at pinagmasdan ang mga nakakalat na papeles at folder.
"I think it's wood. Or maybe it's metal. Who knows? It's been a while since I've seen it." Hinaplos ni Georgia ang kaniyang noo, umaarteng malalim ang iniisip. "I think my desk is made of glass? Not wood?" nagkunwaring naguguluhang wika nito.
Pinipigilan ni Dionne ang kaniyang kamay na ayusin ang mga nakikitang kalat sa mesa kaya napahalukipkip na lang ngunit hindi na nakatiis kaya yumuko at isa-isang inangat ang papel gamit ang dalawang daliri at parang may hinahanap sa ilalim.
"What are you doing?" takang tanong ni Georgia nang makitang nagmukhang chopsticks ang dalawang daliri ni Dionne habang inaangat ang dulo ng papel.
"I suppose there's no dead rat or insect buried in your paperwork?" interesadong tanong ni Dionne, sabay din tinuro ang kumpol ng papeles na nakatambak sa mesa.

BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomanceSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...