42

1.2K 77 21
                                    


Puti ang kulay ng pader at sahig ng ospital, may ilang pasyenteng nakikitang naglalakad at iba naman ay nakasakay sa wheelchair. Malinis at malawak ang pasilyo, may nakahilerang sofa at mga upuan sa waiting area. Mayroon ding maliit na playroom sa labas ng kuwartong nagsisilbing klinika at bawat hanay ay may sariling reception desk para sa mga taong gustong magpatingin. Hiwalay ang ward, emergency room, at surgery; tanging mga klinika at examination room ang makikita sa hanay ng pasilyo. Mayroon ding ilang nakakalat na vending machine sa bawat dako, pati na ang maliit na convenience store sa loob ng ospital, kantina, at maliit na hardin na matatanaw sa bintanang salamin.

Abalang naglakad si Dionne sa loob ng ospital habang hawak ang telepono. Seryoso ang mukha, bahagyang nakakunot ang noo habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya. Tuluyan nang nawala ang pagkunot ng noo nang marinig ang mahinang click at may umangat ng tawag.

"Dionne Lucas here, director of the Flavell Museum," panimulang pahayag niya at napakumpas ng kamay habang nagsasalita. "I'm calling to address a serious issue regarding the condition of the artifacts loaned to us under your supervision." Saglit siyang tumigil at nakinig, napasalubong ang kilay nang marinig ang tugon ng kausap. Napailing siya at pinagpatuloy ang pag-uusap. "No, this is not acceptable. The 18th-century tapestry we received was supposed to be in museum-quality condition. What arrived was faded and frayed at the edges."

Pumunta si Dionne sa sulok, piniling tumayo sa tabi ng ornamental plant at komportableng sinandal ang likod sa pader. "Look," saglit siyang bumuntonghininga, mahina lang ang tono ngunit maawtoridad ang maririnig sa kaniyang boses, "the pieces are not just objects; they are cultural heritage that we are entrusted to preserve."

Nakinig ulit si Dionne, tumango habang pinakikinggan ang kausap sa telepono. "Yes, I appreciate the challenges involved in transportation, but we need protocols followed to the letter." Napahaplos siya sa noo, tila hinahabaan ang pasensiya na huwag mainis at sinimulan niyang maglakad-lakad sa pasilyo. "We will need to discuss the way forward, and yes, this will include your financial responsibility for the restoration work. I expect a detailed report on your handling procedures by the end of this week." Naglakad siya papunta sa waiting area, maririnig ang tunog ng takong ng suot na stilettos na lumalapat sa makinis na sahig. Naupo siya sa puting sofa na nasa waiting area at bahagyang naging maikli ang bestida na abot-tuhod nang nagdekuwatro. "Thank you for your immediate attention to this matter. Good day." Pormal na pahayag ni Dionne sabay na rin binaba ang hawak na telepono at napabuntonghininga habang sinandal ang likod sa kinauupuan.​​​​​​​​​​​​​​​​

"Are you alright? That call seemed to upset you quite a bit," tanong ni Adelle na nakaupo rin sa waiting area, may isang bakanteng upuan sa pagitan nila ni Dionne.

Napalingon si Dionne sa kaniyang ina, hindi maitago ang gulat sa narinig dahil may bahid na pag-aalala sa boses ni Adelle. May sumilay na ngiti sa labi ni Dionne kahit nanatiling mapanglaw ang kaniyang mga mata. "Uhm... it was just some bad news from work. Nothing I can't handle," hindi siguradong sagot ni Dionne dahil hindi makapaniwala na kinakausap siya ni Adelle.

"I'm sorry to hear that. Sometimes, it feels like the days bring more worries than comforts, doesn't it?" banayad na tugon ni Adelle, ibinaling niya ang atensiyon sa harapan nang may dumaan na pasyente na nakasakay sa wheelchair at tinutulak ng nurse.

Napatango na lang si Dionne, mistulang natuyuan ang kaniyang lalamunan at bahagyang napalunok. Kakaibang Adelle ang kaniyang nakakausap kahit hindi siya nito nakikilala. "It does. And it's harder, you know, when you feel like you have to deal with it all alone," matamlay na tugon ni Dionne.

May bumahid na simpatiya ang nakita sa mukha ni Adelle, napakunot ng noo habang pinagmamasdan si Dionne. "Oh, my dear, no one should have to be alone through tough times," bahid na pag-aalala sa boses nito.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon