10

3.5K 132 25
                                        


"You know, madali lang lutuin ito. Japanese omelet is one of my favorites. There are a lot of omelets: French-style, American-style, Soufflé, and Frittata," kwento ni Dionne habang nakatayo malapit sa counter at nagluluto. Maayos na nakalagay sa malaking bowl ang mga binasag na itlog. Ang mga maliliit na bote na naglalaman ng spices ay nakahilera naman sa table top at iba pang gamit sa pagluluto ay nakaayos din. "You want more?" magiliw na alok niya kay Clarissa.

"Busog na ako, Dionne. Ang dami ko nang kinain. Ang dami palang klase ng omelet," natutuwang tanggi ng mayordoma. Bagama't istrikto ang unang tingin kay Clarissa, madali siyang mapatawa at makagaanan ng loob, dahilan para hayaan niya si Dionne na magluto at hindi rin niya inaasahan na ipagluto rin siya.

"Yes, it's one of my favorite foods. That's the reason why I love to cook it," sagot ni Dionne habang may hawak na spatula at nagluluto ng omelet. Nakasuot lang siya ng green two-piece bikini na pinatungan ng grey silk robe. Hindi man lang naasiwa si Clarissa sa suot ni Dionne dahil sanay na rin siyang nakikita na gumagamit ng swimming pool at minsan ay napapadaan si Dionne sa kusina para kumuha ng inumin.

Tumayo si Clarissa sa pagkakaupo pagkatapos kainin ang omelet. Itinabi niya ang plato sa lababo at naghugas ng kamay. "Iwan mo na lang 'yang pinagkainan, Dionne, ha?" Magiliw na tinapik niya ang balikat ni Dionne. "Ako na bahala magligpit. Punta muna ako sa garden, tatapusin ko muna yung pinatanim ko sa hardinero," paalam ni Clarissa.

"Thanks. I'll make sure to tidy up!" Nakangiting tinaas ni Dionne ang hawak na spatula nang magpaalam si Clarissa.

Pinahina muna ni Dionne ang apoy at binaba ang spatula. Kinuha ang chopping board at nagsimulang hiwain sa maliliit na piraso ang scallions, mushrooms, at crab meat. Abala siya sa pagluluto, at tanging ang ingay na nagmumula sa chopping board ang maririnig sa loob ng kusina. Inalintana rin niya ang sikat ng araw na humahaplos sa kaniyang katawan. Kita ang tingkad ng green two-piece bikini dahil hindi man nag-abalang itali ni Dionne ang suot na grey robe. Magmula ulo hanggang balikat ay nasisinagan ng sikat ng araw ang kaniyang katawan. Nakalugay din ang buhok na tumatakip sa kalahating mukha ni Dionne at hindi tinamaan ng araw mula sa bintanang salamin.

Isang mahinang tikhim ang narinig malapit sa pintuan. Napaangat ng tingin si Dionne at awtomatikong ngumiti. "Hey! Good morning!" Pansamantala rin itinigil ang paghiwa sa chopping board.

Nakahalukipkip lang si Charlotte at nakasandal ang braso sa door frame. "Am I in the wrong kitchen?" Bungad niya, nakasuot na riding gear at nakatali ang buhok. Beige long sleeves at grey pants ang suot na bumagay sa mahabang boots. Nakasuot din ng itim na guwantes na gawa sa leather at black coat na katulad sa equestrian.

"What do you mean?" pagtatakang tanong ni Dionne.

Lumapit si Charlotte at tinanggal ang suot na guwantes. Inilapag niya sa ibabaw ng kitchen island at umupo sa mahabang stool. "I'm just surprised seeing you cooking in the kitchen, half naked," kaswal na wika niya, pasimpleng iniwas ang tingin at hinawakan ang nilapag na guwantes. Hindi yata nakatulong na maupo sa harapan ni Dionne dahil nakikita ang buong katawan sa malapitan at wala rin silbi ang suot na robe. Nakikita ang ganda ng hugis ng collar bone, ang dibdib na kasing laki ng melon.

"Oh! Right..." Mahinang tumawa lang si Dionne at pinagpatuloy ang pagluluto. "I'm planning to take a swim. Nagutom ako. I went to the kitchen and craved something to eat. So, I've been thinking if I'm going to eat half-naked, I might as well cook half-naked."

"You didn't ask Clarissa? You can always ask her if you need anything," suhestiyon ni Charlotte.

"I..." Saglit na umangat ang tingin ni Dionne at ibinalik ulit sa pagluluto. "I kinda bribed her." Nakayukong tumawa rin. "I cooked a meal for her," walang anumang pag-amin niya.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon