"She looks pretty." Pinakita ni Dionne ang picture ng mestisang babae kay Marcus. "Do you like her?" tanong niya. Sabay pinakita ang ibang picture na nasa dating app.Nakahiga si Marcus sa sunbed, nakasuot lang ng swimming trunks. Lumingon siya sa dako ni Dionne na nakahiga rin sa sunbed at nakasuot ng red bikini. "She's fine," sagot ni Marcus, halatang walang interes sa boses. "Why are you looking on a dating app?" tanong niya.
Bumagay ang itim na sunglasses kay Dionne at naaninag ang screen ng cellphone sa suot na salamin. "Don't you want to date again? Meet someone you like? I've been getting a lot of messages, I might pick one," kaswal na sambit ni Dionne.
Napalingon si Marcus at napakunot ang noo. "You're looking for a date? Why?"
"Why not? It's not that I'm in a relationship or anything," sagot ni Dionne. Inilapag niya ang cellphone sa kaniyang tabi at ininat ang buong katawan sa sunbed. Tumingin sa langit at hinayaan ang hangin na haplusin ang kaniyang mukha.
May bumahid na pagkadismaya ang gumuhit sa mukha ni Marcus. "So, you'll be meeting someone?" tanong niya.
Saglit lang na lumingon si Dionne kay Marcus at ibinaling ulit ang tingin sa langit. "Yes, I can even sleep with someone I like if I wanted to."
"Oh?" Maikling sambit ni Marcus, mistulang hindi niya inaasahan ang sagot ni Dionne. Napahaplos siya sa noo.
"Tell me...do you really see me as a friend?" walang lingon na tanong ni Dionne.
"Yes, of course," tugon ni Marcus, nanatiling nakatingin sa katabi.
Maririnig ang malalim na buntong-hininga ni Dionne. "Then don't fall in love with me. I don't want you acting like my boyfriend." Lumingon siya. "You're a great guy, Marcus. Any girl would want to have you. I don't think I'm that girl," seryosong turan niya. "I can only be your friend. That's all I can give."
"Why are you being serious?" Pinili ni Marcus na pagaanin ang usapan, kahit may bumahid na lungkot sa mga mata niya. "Is it the time of the month?"
Kahit natatakpan ang mga mata ng shades ay napapikit si Dionne. "Someone told me, I hurt people even if I don't intend to. Don't be one of those people I---" saglit na napatigil siya magsalita. "Don't expect too much from me. I just can't love. That's it," mahinang sambit niya.
Saglit na binalot ng katahimikan ang paligid. Tanging ang sikat ng araw at ang simoy ng hangin ang nanatiling gumagabay sa pagitan nila.
Maririnig ang malalim na buntong-hininga ni Marcus. "Love sucks," mahinang wika niya.
"Yes, it is," pag-sang-ayon ni Dionne.
Bumangon si Marcus at umupo sa sunbed. "I think I need to go. I have things to do. Are you going to stay here?" tanong niya at sinampay ang puting tuwalya sa balikat.
"Yes, I'm going for a swim," tugon ni Dionne, saglit lang lumingon sa dako ni Marcus at idinako ang paningin sa langit.
"Okay. See you later," matamlay na paalam ni Marcus at tuluyang umalis.
Napahaplos na lang sa buhok si Dionne. Bagama't napansin niya ang bumahid na lungkot kay Marcus, wala rin siyang magagawa. Kailangan niyang gawin ang nararapat. Kaya niya naisipan mag-download ng dating app at ipakita kay Marcus na wala talaga siyang interes kung anuman ang gustong ipahiwatig nito.
Kinuha ni Dionne ang cellphone sa tabi at binuksan ang dating app. Ang kaniyang profile picture ay isang kabayo. "Seriously? They want to date someone with a horse picture?" Naaliw na turan niya sa sarili, isa-isa rin niyang tiningnan ang nasa inbox. Hindi man lang nag-abalang basahin ang mga texts. "Nope, I'm not going to reply. It's already my biggest achievement if I can text in one paragraph. God, I hate texting!" Tumatawang saad ni Dionne at isa-isang binura ang nasa inbox. Binalak na rin niyang tanggalin ang dating app. Mahinang tumatawa si Dionne habang tinitingnan ang picture ng kabayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/359066075-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomanceSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...