"Clarissa, see how the fronds are unfolding? This variety needs just the right amount of humidity and indirect light." Nakangiting pahayag ni Margaret habang pareho nilang pinagmamasdan ang orchid na nasa kanilang harapan. Nasa loob sila ng greenhouse at mataman pinunasan ni Margaret ang mahabang dahon gamit ang malinis na basahan."Masisigla nga ang mga halaman kapag naalagaan, hindi pa naman masiyadong mainit ngayon summer," pag-sang ayon ni Clarissa habang nakasuot ng guwantes na gawa sa goma at naglalagay ng pataba sa paso. "Nakakasira rin kasi ng dahon ang sobrang init," dagdag nito.
Umihip ang sariwang hangin sa loob ng greenhouse, pansamantalang nabulabog ang ilang paruparo na nakapasok sa loob. Napalingon si Margaret kay Clarissa habang nagpupunas ng dahon. "Did Charlotte come home last night?" may pag-aalalang tanong nito dahil madalas maagang dumarating si Charlotte kapag umuuwi sa Villa.
Tumango si Clarissa. "Late na siya nakauwi kagabi, mabuti nakaabot pa siya ng biyahe sa eroplano. Nagpasabi rin si Marcus na bukas ang kaniyang dating," pagbabalita niya kay Margaret.
Napalitan ng ngiti ang pag-aalala ni Margaret sa narinig na balita. "It's a good thing they decided to spend the weekend here at the villa. This place always brings a sense of calm and rejuvenation."
"Mom! Are you here?" narinig ang boses ni Charlotte sa bungad ng pinto.
"We're here in the back, sweetie!" sagot ni Margaret dahil natatakpan ang kinatatayuan ng mga halaman at nasa dulo rin ng greenhouse.
"Punta muna ako sa orchard garden, maglalagay din ako ng abono," paalam ni Clarissa.
Nakangiting tumango si Margaret. "You go ahead then, see you later."
Lumabas si Clarissa sa kabilang pinto at hindi na siya naabutan ni Charlotte.
"Honey, are you okay? You looked tired. Did you sleep well last night?" pag-aalalang tanong ni Margaret nang makita ang pagod sa mukha ni Charlotte at medyo maga ang mata. Tila meron din sipon dahil napabahin at agad pinahid ni Charlotte ang ilong ng panyo.
"I can't sleep well. I'm having trouble sleeping," pag-amin ni Charlotte at napaupo sa bench na nasa harapan ni Margaret.
Itinigil ni Margaret ang paglilinis ng dahon at inilapag ang hawak na basahan sa ibabaw ng mesa. "Is this about your wedding? Maybe you should take a rest. It's a just a small gathering, sweetie. Wala naman dapat ayusin, I think your wedding planner must have really loved you," magiliw na sambit ni Margaret at pinahiran ng alcohol ang kamay, "you didn't turn out to be a bridezilla, your wedding planner must be having a field day," natatawang dagdag ni Margaret. Pinagtuunan naman niya ng pansin na wisikan ng tubig ang tanim na rosas gamit ang maliit na container na may spray.
Napasandal sa bench si Charlotte at napadekuwatro sa pagkakaupo. Sinuklay niya ang buhok gamit ang daliri at napabuntonghininga nang napayuko. Halatang malalim ang iniisip. "It's not about the wedding, I'm really not that excited to get married, Mom," mahinang pagtatapat ni Charlotte. "What if I told you that I don't want to get married? That this is not the kind of life I want?" nakayukong paglalahad ni Charlotte, hindi niya kayang salubungin ang titig ni Margaret kaya pinili na lang na yumuko habang nagsasalita. "I don't want to marry him."
Natigil ang pag-spray ni Margaret sa rosas at binaba ang lalagyan sa ibabaw ng mesa. "Then why are you doing this? Why do you need to continue the wedding if you don't want it in the first place?" tanong ni Margaret, walang emosyon ang mababasa sa kaniyang mukha nang napatingin si Charlotte.
"Because I'm gay. I've been hiding it for so long," tuluyang pag-amin ni Charlotte, halos hindi marinig ang boses dahil sa sobrang hina at halatang kinakabahan nang napakagat ng labi.

BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
DragosteSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...