24

3.6K 136 27
                                        


Malawak ang opisina ng Del Pierro/Salazar Law Firm. Sa labas ay may secretary na nakaupo sa makintab na desk at malaking desktop computer. Mayroon rin maliit na sala set para sa waiting room at malaking flat screen TV na nakadikit sa pader.

Napakunot ang noo ni Charlotte habang nakatingin sa laptop, napahawak pa sa magkabilang sentido at halatang naiinis sa nakikita. Hindi nakatulong ang ganda ng opisina sa nababasang report sa laptop. May malaking sala set sa gitna na kulay puti at beige ang mga throw pillow. Napapalibutan ng bintanang salamin ang opisina, lumulusot ang sinag ng araw at sa labas ay makikita ang ganda ng bughaw na langit. Walang makikitang paintings sa pader ngunit makulay ang dingding dahil na rin sa iba't ibang bulaklak na nakaayos. May iba't ibang uri ng bonsai at mayroon ding malaking aquarium. Carpeted ang sahig at hindi naririnig ang mga yabag. May nakakabit ding flat screen TV malapit sa sala.

Bumukas ang pinto at hindi man lang pinansin ni Charlotte.

"Are you still busy?"

Agad napaangat ng tingin si Charlotte sa narinig, nakita niyang nakatayo si Marcus sa pinto ng opisina. "What are you doing here?" nagtatakang tanong niya. Sinara ni Charlotte ang nakabukas na laptop at nagtungo sa kinatatayuan ni Marcus.

"I'm here to visit, of course. Word got out na palaging mainit ang ulo mo. Is work getting stressful?" Niyakap ni Marcus ang kapatid at sinuklian din ni Charlotte ang kanyang yakap. "Who told you? Is it Georgia?" panghuhula ni Charlotte, tinutukoy ang kanilang pinsan at kasosyo ni Charlotte sa law firm. "Yes, she said that you fired one of your lawyers and you're even threatening to fire her," natatawang sumbong ni Marcus.

Umikot lang ang mata ni Charlotte at umupo sa swivel chair. Binuksan ang nakasarang laptop at pinagtuunan ng pansin ang mga nakakalat na papeles at isa-isang inayos. "I hate incompetence, you know that," napabuntonghiningang turan niya.

Umupo si Marcus sa sofa. "Let's have lunch," paanyaya niya. Napatingin din siya sa suot na relo. "It's almost noon."

"Can we skip lunch and go to dinner? I just need to finish this," tugon ni Charlotte habang nakatutok ang mata sa laptop. Maririnig din ang mabilis na pagtipa niya sa keyboard.

Napabuntong-hininga si Marcus, kinuha ang remote at binuksan ang telebisyon. "Come on, you own this firm. You can fire anyone you like. Can you take a break? You're the boss," pangungumbinsi niya. "I can't join you for dinner, I have a date." Inilipat ni Marcus ang channel, at maririnig ang music video ni Taylor Swift na pinamagatang "Blank Space."

Tumigil ang daliri ni Charlotte sa pag-type sa keyboard. "You have a date with Dionne?"

Umiling si Marcus. "I wish. She still doesn't do the commitment thing. I have a date with a model I met at the party."

Kumunot ang noo ni Charlotte. "If you're not dating her, why were you so sweet and cozy at the party?"

Bumuntong-hininga si Marcus at inilipat ang channel, napunta sa stock market ang palabas sa TV. "I asked her a favor to rescue me from girls." Lumingon siya kay Charlotte at ngumiti. "She told me that if ever a killer invited me for a cup of tea, I would surely get killed. I'm just too kind not to offend anyone." Nagkibit-balikat na lang si Marcus. "I kinda wish I could be blunt like her and tell them to go away," naaliw niyang turan.

"Oh? So you're not dating her?" pagkukumpirma ni Charlotte.

"She's never serious with anyone," tugon ni Marcus habang nakatingin sa TV.

Sumakit yata ang ulo ni Charlotte sa sagot ni Marcus at napahawak na lang sa sentido. Nang inilipat ni Marcus ang channel, napunta sa drama ang palabas sa TV. "Hindi ba ako kasugal-sugal? Bakit allergic ka sa commitment?" turan ng babaeng nakasuot ng salamin at kinakausap ang lalaki sa loob ng kotse. Sa hindi malamang dahilan ay parehong napabuntong-hininga ang magkapatid na Del Pierro, si Marcus na nakatutok sa cellphone, at si Charlotte na pumipirma sa mga papeles.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon