Malalim ang buntong-hininga ni Dionne habang nakatingin sa labas ng bintana, tahimik na binabaybay ng kotse ang kalsada at hinahaplos ang kaniyang mukha ng mga ilaw na nagmumula sa mga nakakasalubong na sasakyan. Tahimik lang ang kaniyang personal na driver na nagmamaneho. Pinindot ni Dionne ang button at unti-unting umangat ang divider sa likuran ng driver. Binuksan niya ang bintana ng kotse, nag-iwan ng kaunting siwang at hinayaan ang sariwang hangin na haplusin ang kaniyang mukha. Nagsindi si Dionne ng sigarilyo, nag-dekuwatro ng pagkakaupo, hinithit ang sigarilyo habang nakasandal sa upuan.Tumunog ang cellphone malapit sa upuan ni Dionne. Kinuha niya ito at sinagot. "Hello, Tracy," panimulang bati ni Dionne habang nagbuga ng usok sa pagitan ng mapulang labi. "No, I haven't arrived yet. Tell me about it, it's already weird for me attending this event. Too late to back out." Napapailing na sambit ni Dionne sa telepono at muling napahithit ng sigarilyo. "Yes, dadaan lang ako. I don't think I should prolong my stay at the party. Attending your ex's engagement party is already weird; maybe I'm just too masochistic for this," napabuntong-hiningang turan ni Dionne. Makikita ang makintab na red nail polish nito habang marahang pinagpag ang upos ng sigarilyo sa ashtray. Muling nagbuga ng usok at idiin na ang sigarilyo sa ashtray. "Anyway, I'll see you later. Bye." Paalam ni Dionne. Pinutol na rin ang tawag nang matanaw na ang hotel. Naging mabagal ang andar ng kotse hanggang sa tuluyan na itong huminto sa tapat ng entrance ng hotel.
Bumaba ang driver na nakasuot ng puting polo at itim na pantalon, binuksan din ang pinto ng passenger seat. Tuluyan na ring bumaba si Dionne at hindi maiwasang mamangha sa nakikita nang bumungad ang nagsasayawang ilaw sa harapan ng hotel. May rave party na nagaganap at may DJ din na nagpapatugtog. Namasdan din niya ang mga bisita na nakasuot ng mga amerikana, tuxedo, at magagarang damit. Napatingin tuloy si Dionne sa kaniyang suot na mint green na bestida na lampas tuhod at backless ang disenyo. Kita ang kaniyang likod at clavicle na binagayan ng diyamanteng kuwintas at dangling earrings. "I guess my dress is just right for this party," bulong ni Dionne nang mapansin ang eleganteng suot ng mga babae at halos hindi mabilang ni Dionne ang mga taong nakikita niya.
Napakunot ang noo ni Dionne nang pumasok siya sa lobby ng hotel at namataan niya ang ilang musikero na tumutugtog ng jazz sa sulok at may ilan din sumasayaw sa gitna. Nagpunta na lang si Dionne sa bar. Sa dami ng tao ay hindi niya matukoy kung tamang party ba ang napuntahan niya at hindi rin niya makita si Tracy. Nasasagi pa ang balikat ni Dionne ng mga taong nakakasalubong niya nang nagpunta sa bar.
"What can I get you?" pormal na bungad ng lalaking bartender kay Dionne. Nakasuot siya ng puting long sleeves at may itim na ribbon sa kuwelyo.
"I'll have a gin and tonic, please. Heavy on the gin," sambit ni Dionne nang maupo sa stool.
Tumango ang bartender at ekspertong nagsalin ng alak at nilagyan din ng hiniwang lime ang gilid ng baso. "Coming right up." Maayos niyang inilapag ang inumin sa harapan ni Dionne.
"I never knew you'd be here." Nakangiting umupo si Samantha sa tabi ni Dionne. Napaka-elegante ng suot ni Samantha na puting halter dress. Bumagay sa morenang kutis niya ang kuwintas na gawa sa sapphire at diyamanteng hikaw. Nakalugay ang kaniyang buhok na abot hanggang balikat.
Mahinang tumawa si Dionne at napailing. "Me neither. I never knew I'd be at an engagement party. I'm curious why there are so many people. I thought it would be a small gathering," hindi makapaniwalang saad ni Dionne habang pinagmamasdan ang paligid.
Ininom ni Samantha ang hawak na martini at ngumiti. "The people here don't even know it's an engagement party. David just likes to have more people and more fun, obviously." Napaikot ng mata si Samantha, sabay ding napailing. "He's all about partying till he drops. The actual engagement party is in the private lounge," pagbibigay-linaw ni Samantha. Itinuro niya ang mga tao sa paligid nila na abalang sumasayaw sa jazz at may mga nag-uusap sa bawat table. "I'm sure most people here don't even know who David and Charlotte are. They just came for whatever reason their publicist gave them."
![](https://img.wattpad.com/cover/359066075-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomanceSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...