3

6K 191 46
                                        


"More champagne, ma'am?" magalang na alok ng stewardess. May hawak itong bote ng champagne na nakabalot sa puting towel pagkatapos kunin sa bucket na puno ng yelo.

"Sure." Malugod na inabot ni Dionne ang wine glass at pinagmasdan ang mga bula na unti-unting umaangat, parang mga lobong lumalangoy sa puting likido.

"Enjoy your flight, Miss Lucas," nakangiting pahayag ng stewardess.

"Thanks," sagot ni Dionne at tumingin siya sa bintana. Pinagmasdan niya ang ulap na parang malalambot na bulak na tumatakip sa kulay ng langit. Marahang sinimsim ang baso ng champagne habang pinapanood ang pag-usad ng mga ulap na sinabayan ng sikat ng araw.

"Do you like it?" tanong ni Marcus mula sa kabilang upuan.

Lumingon si Dionne at tumango. "This is splendid. How can I not like it? We're in a private plane." Inilapag niya ang champagne glass sa maliit na mesa. "I was expecting we will take a domestic flight or a road trip? I'm surprised, by the way. This is really great."

"Uhmm... well... about that." Napahaplos si Marcus sa buhok. "We don't usually take domestic flights? Ganito na nakasanayan namin kapag bumibiyahe. Just this." Nakangiwing turan niya. "We use a private plane when taking flights within the country," nahihiyang pag-amin din ni Marcus.

"We?" nakakunot-noong tanong ni Dionne.

"My mom, me, and Charlotte. Why? Is it making you uncomfortable?" may bahid ng pag-aalalang turan ni Marcus.

Umiling si Dionne. "No. I'm just surprised. This is so much better." Agad din napansin ang pagkabahala ni Marcus nang kumunot ang noo. "I love it!" pag-amin ni Dionne nang ngumiti sabay itinaas ang champagne glass. "This is the best flight I ever had. Huwag mo akong sanayin, hah. Mahihirapan akong tumanggi," pabirong saad ni Dionne.

"Well, I'm glad you like it." Nabawasan ang pagkunot ng noo ni Marcus at naging maaliwalas ang mukha. "I don't mind if you get used to it." Sumandal siya sa upuan at komportableng ipinatong ang paa sa footrest.

Binuksan ni Dionne ang kaniyang laptop, binasa ang emails at nagsimulang tumipa sa keyboard.

"You're not working, are you?" tanong ni Marcus na nakatingin sa laptop.

"I'm not really tired. I have to finish this before the deadline." Saglit na tumingin si Dionne kay Marcus at agad itinuon ang tingin sa laptop.

"You're supposed to be on holiday. You really need to relax," sambit ni Marcus.

Nakangiting tinaasan siya ng kilay ni Dionne. "You know I need to pay the bills, right?"

Tumawa si Marcus. "Alright, I get it! You won't say I'm too detached and rich."

Umangat ang gilid ng labi ni Dionne. "Of course not! Spoiled? Maybe?" pabirong sambit niya.

"I think you and Charlotte would get along well."

Saglit na tumigil ang mga daliri ni Dionne sa ibabaw ng laptop. "Why?"

"She's always working, always has to be doing something - legal work, organizing, you name it. She's always on the move. Kaya sumuko na si Mom na hanapan ng boyfriend si Charlotte," kaswal na kuwento ni Marcus habang nakatingin sa bintana ng eroplano at nasinagan ng araw ang kaniyang mukha.

"But she must have a boyfriend, right? You've met her dates before?" patay malisyang tanong ni Dionne. Bahagyang namula ang mukha sa naalala, ipinagpatuloy na lang niya ang pag-type sa laptop.

Saglit na napaisip si Marcus. "I remember a couple of guys she dated but I was in school, though. No one since."

"Oh? Is she too picky?" Kaswal na tanong ni Dionne, blankong nakatingin sa screen ng laptop.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon