40

1.3K 82 15
                                    


Pagod na inilapag ni Dionne ang plastic bag sa kitchen island nang makapasok sa bahay. Napaubo ulit at uminom mula sa bottled water. Tiningnan din niya ang suot na relo; ala-una pa lang ng hapon at maaga pa para umuwi galing sa trabaho. Kinuha ni Dionne ang kaniyang cellphone at napagpasiyahan tawagan si Tracy.

"Hey Tracy, sorry for calling, I know you're in the middle of a meeting today," panimulang sambit ni Dionne.

"No worries, Dionne! Katatapos lang ng meeting. What's up?" kaswal na tugon ni Tracy mula sa kabilang linya.

Nagpunta si Dionne sa kuwarto at ihinanda ang isusuot na pambahay: isang loose cotton pants, white sando, at blue hooded sweatshirt. Maayos niya itong inilagay sa ibabaw ng kama. "I'm not feeling well this morning, now I'm running a bit of a fever. I don't think I can make it to the office tomorrow," tugon ni Dionne, inilagay niya sa speaker mode ang phone sabay inilatag sa ibabaw ng kama at sinimulan na rin niyang hubarin ang suot na bestida. "I don't have a headache but the cough and colds are killing me. I bought some bottles of cough syrup and energy drinks. I'll just have some rest and be back to work soon," sambit niya at sinuot na rin ang hinandang pambahay na damit.

"Oh no, that's not good. Definitely stay home and rest up. Daanan kita diyan, okay? May gusto ka bang ipabili? Some food, perhaps?" pag-aalalang tanong ni Tracy. Narinig niya sa telepono ang sunod-sunod na pag-ubo ni Dionne.

Napaupo si Dionne sa gilid ng kama at pinunasan ang ilong ng tissue. "It's okay. You don't have to come here, baka mahawa ka pa. I have everything I need."

"Don't worry, I'll bring a mask. Daanan na lang kita," pagpupumilit ni Tracy.

Napaubo ulit si Dionne at suminghot sa hawak na tissue. "Okay, if you insist," pagpayag na lang niya para hindi na rin mag-alala ang kaibigan. "Pumasok ka na lang, I may not be able to open the door. I'll probably end up sleeping all day. You're familiar with the security codes, right?" pagpaalala ni Dionne.

"Yes, I'm familiar," walang anumang turan ni Tracy, ilang beses na siyang nakapunta sa bahay ni Dionne. "Do you need me to handle anything specific while you're out?" dagdag na tanong ni Tracy.

Tila nanlabo ang paningin ni Dionne sa nabubuong tubig sa kaniyang mata tuwing nababahin kaya napahiga na lang siya sa kama. "Thanks, Tracy. Could you please take care of the client meeting scheduled for the morning? Also, could you check my emails and flag any urgent ones?" paos na habilin niya sa sunod-sunod na pag-ubo.

"Absolutely, I'll handle the meeting and monitor your emails. Hope you feel better soon, Dionne. Anything else you need?"

Napagpasiyahan na lang ni Dionne na bumangon at dumiretso sa banyo. Binuksan niya ang medicine cabinet para kunin ang thermometer. Sinukat niya ang temperatura ng kaniyang lagnat. "That should cover it for now. I'll keep my phone nearby in case anything comes up or you need to reach me," umuubong pahayag ni Dionne.

"Got it. Take care, Dionne. Get some rest and don't worry about work. We've got it covered here," tugon ni Tracy at siya na mismo ang pumutol ng tawag.

"Thirty-eight point six degrees Celsius," bulong ni Dionne nang lumabas ang resulta mula sa thermometer. Binalik na lang niya ito sa lalagyan, binuksan ang gripo, naghilamos hanggang sa matanggal ang make-up, at pinunasan ang mukha ng tuyong tuwalya. Inilugay niya ang kaniyang buhok at sinuklay. Nang makita ang sarili sa salamin ay napaikot na lang ang mata sa inis. "Damn it! I look terrible," dismayadong bulong niya. Bukod sa namumula ang mga mata, mapula rin ang kaniyang ilong dahil sa sipon. Napabuntonghininga na lang si Dionne at napagpasiyahan dumiretso sa kusina. Isa-isa niyang inilabas sa plastic bag ang mga pinamili, kasama na ang ilang bote ng energy drink, cough syrup, isang take-out meal na lasagna, at ilang prutas.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon