Isang itim na sportscar ang huminto sa tapat ng malaking bahay. Mula sa driver's seat ay bumaba si Charlotte, tumayo sa tabi ng kotse, at pinatong ang braso sa bubong ng sportscar. Itinaas din ang suot na sunglasses at ginawang headband. Makulimlim ang langit at presko ang hangin. Casual ang suot ni Charlotte na grey long sleeves at itim na slacks na binagayan ng flat shoes. Nakalugay ang blonde na buhok at hinayaan lang na haplusin ng hangin.
"So tell me again why I should be thrilled about riding in that thing?" dismayadong tanong ni Dionne habang itinuro ang sportscar nang makalabas ng bahay. Nakasuot siya ng itim na bestida na abot-tuhod na binagayan din ng itim na stilettos na nagpaganda sa haba ng kanyang legs. "I mean, it's like trying to sit gracefully in a kiddie ride," reklamo ni Dionne nang huminto sa passenger door. Sa kaniyang opinyon, nakakaasiwa kapag sumasakay sa sportscar, bukod sa mababa ang upuan ay kailangan pa niyang bumukaka tuwing sumasakay at bumababa sa kotse. Nakakawala ng poise kapag bestida o mini skirt ang kanyang suot.
Umangat lang ang gilid ng labi ni Charlotte at lumapit sa kinatatayuan ni Dionne. "Because it's not about comfort, babe. It's about style." Walang anumang binuksan niya ang pinto ng passenger seat. "Besides, I'll always help you with the heavy lifting—doors, seatbelts, you name it." Masuyong dinampi ni Charlotte ang kanyang labi sa pisngi ni Dionne. "Get in," sambit ni Charlotte habang hawak ang pinto.
Namula ang pisngi ni Dionne, naaliw na inirapan si Charlotte. "Fine," napilitan na rin siyang pumasok sa kotse.
Nang makapasok si Charlotte sa loob ng kotse ay naabutan niyang nahihirapan si Dionne sa pag-ayos ng seatbelt. "Why do these things have to be so complicated? It's like you need an engineering degree just to buckle up," himutok ni Dionne habang hinahawakan ang seatbelt. Magkaiba ang gamit sa sportscar kumpara sa ordinaryong kotse kaya nahirapan si Dionne kung ano ang hihilahin o pipindutin.
Mahinang napatawa si Charlotte. "Come on, it's not that bad. Here, let me help you." Inilapit ang sarili at inayos ang seatbelt ni Dionne at narinig ang mahinang click. "See? Perfect fit. It's all part of the sports car charm."
Napaikot na lang ang mata ni Dionne. "Thanks." Madalas si Charlotte ang nag-aayos tuwing sumasakay siya sa sportscar nito. Mahinang napatawa si Dionne. "If by charm you mean a crash course in claustrophobia, then sure, absolutely charming," pabirong dagdag din.
Binuhay na ni Charlotte ang makina at umugong ang sportscar, nagsimula na rin umandar. "Ah, but you can't deny the thrill of it. The power, the speed—it's exhilarating!" gaya ng sinabi ay biglang humarurot ang sportscar at komportableng nakahawak si Charlotte sa manibela.
Biglang napakapit si Dionne sa seatbelt sa bilis ng takbo. "Oh yes, nothing quite says 'thrill' like the constant fear of flashing your underwear every time you get out of the car!" napasigaw na pahayag ni Dionne nang nag-overtake ang kotse at nilampasan ang bus.
Napatawa si Charlotte sa narinig, lumalim ang dimples habang tumatawa. "Well, that's why you've got me. I'm here to help with doors and cover-ups. Consider me your personal modesty guard." Binagalan ang takbo nang malapit na sa traffic light.
Nakahinga ng maluwag si Dionne nang tuluyang bumagal ang kotse. Tumigil ang kotse sa traffic light at napalingon si Dionne sa katabi. "But honestly, despite my complaining, there's something about this car... maybe it's just because it's yours."
Naging malapad ang ngiti ni Charlotte sa narinig at sinalubong ang tingin ni Dionne. "Well, I'm glad you can tolerate it for my sake. But tell you what, let's make a deal. We survive today, and I'll consider something less... flashy next time," panunuyo ni Charlotte.
Napataas ng kilay si Dionne. "Less flashy? From you? I'll believe it when I see it," natatawang kontra niya.
Naging berde ang traffic light at humarurot agad ang kotse.
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomansaSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...
