Pagod na bumaba sa kotse si Dionne at tumigil sa harapan ng pinto. Pinindot niya ang security codes na nakalapat sa pinto at kusang bumukas. Hindi niya napansin ang sports car malapit sa garahe dahil nagmamadali siyang pumasok sa bahay. Agad niyang inilapag ang hawak na bag sa sofa at napagpasiyahan niyang dumiretso sa kuwarto ngunit narinig niya ang boses ni Charlotte. "Dee, is that you? Are you home?" pagtawag nito galing sa kusina. Napakunot noo si Dionne at may pagtataka sa mukhang nagtungo sa kusina. Naabutan niya si Charlotte na may sinasalin sa mangkok na galing sa puting tupperware, nakapatong pa ang itim na apron sa puting long sleeves at halatang galing sa opisina dahil nakalagay ang blazer sa upuan at kasama na rin ang briefcase."Aren't you supposed to be in the office?" pagtatakang tanong ni Dionne habang nakasandal ang kanang braso sa door frame at nakahalukipkip.
Nang maisalin ni Charlotte ang pagkain ay maingat na pinunasan niya ng malinis na tissue ang gilid ng mangkok. "Someone's got to keep an eye on you." Nakangiting turan niya nang inangat ang tingin. "Plus, you said you'd be home early because you're sick. I brought reinforcements—soup." Sabay na tinuro niya ang nakalagay sa mangkok. "Straight from the front lines of my favorite deli." Nakangiting pagmamalaki ni Charlotte.
Mula sa pagkakasandal sa pinto, napatuwid sa kinatatayuan si Dionne, dahan-dahan naglakad papunta sa dako ni Charlotte, maririnig ang takong sa heels habang lumalapit siya at walang anumang hinalikan ang pisngi ni Charlotte. "What did I do to deserve this royal treatment?" masuyong tanong ni Dionne, hinaplos ng kaniyang hinlalaki ang pisngi ni Charlotte at banayad na pinunasan ang naiwang marka ng lipstick.
"You mean besides being adorably helpless when you're under the weather?" Nakangiting tudyo ni Charlotte sabay tinanggal ang apron at ipinatong sa kitchen island. Hinawakan niya ang noo ni Dionne. "You do have a fever," may pag-aalalang sambit niya. Iginiya niya si Dionne na maupo sa stool na nasa kitchen island. "Now, sit down and eat before I have to spoon-feed you," masuyong turan niya.
Mahinang napatawa si Dionne nang umupo. "Keep this up, I might just fake a cough...forever." Tinikman na rin niya ang hinandang sopas ni Charlotte. "I like it," sabi niya. Nalasahan niya ang linamnam ng chicken soup.
Umupo si Charlotte sa tabi ni Dionne at napairap. "Don't you dare. I want you at your best. But for now, I'll settle for taking care of you. It's not every day I get to show off my bedside manner." Inilabas ni Charlotte ang iba pang pinamili na nasa loob ng plastic bag, may kinuha siyang isang bote ng inumin at tansan ang takip nito. "Why can't they just put a normal lid on this soda?" dismayadong reklamo ni Charlotte nang makitang tansan ang takip at hindi pwedeng pihitin.
Itinigil na muna ni Dionne ang pagkain ng soup. "Let me," alok niya sabay na rin kinuha ang bote kay Charlotte. Walang kahirap-hirap na natanggal ni Dionne ang tansan gamit ang hawakan ng kutsara. "See, it's easy," nakangiting saad niya sabay na rin inilapag ang bote sa dako ni Charlotte.
Naaliw na umikot lang ang mata ni Charlotte. "Show off," tudyo niya. "Thanks, I don't get why it's so easy for you to open it using anything you can grab with your hand. I won't be surprised if you can open the lid using paper?" panghuhula ni Charlotte. Hinawi niya ang buhok sa noo ni Dionne at hinaplos kung may lagnat.
Napatikhim si Dionne at nahihiyang ngumiti. "Actually...yes, I can also open it with paper."
"If you keep on opening bottles for me, I'll not be able to do it by myself. Masasanay ako sa'yo," saad ni Charlotte at isinalin sa baso ang laman ng bote at uminom.
"I'm going to include it in my resumé as your girlfriend and your personal bottle opener," natatawang tugon ni Dionne habang hinihigop ang sopas sa kutsara. "Besides, old habits are hard to break. Sanay na ako maging bottle opener mo."
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomanceSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...