Naging makulay ang parke dahil na rin sa malalaking tent na nakapuwesto, mayroon din malaking stage na pagdarausan ng concert at nakapuwesto rin ang ilang floats para sa parada at may ilang booth na pagbibilhan ng inumin at iba pang pagkain.Makulimlim ang langit ngunit hindi maulap, sadiyang umayon ang panahon sa nalalapit na pride parade. Nakasuot na puting t-shirt si Georgia at hapit na pantalon, may i.d badge na nakakwintas sa kaniyang leeg at may hawak na clipboard sa kaliwang kamay habang sa kabila ay hawak ang maliit na megaphone. Daig pa ni Georgia ang isang sarhento na nag-uutos sa mga sundalo dahil natataranta ang mga volunteers sa mga inuutos ni Georgia. Karamihan sa mga volunteers ay interns ng law firm.
"Tom! Tom!" Sigaw ni Georgia sa hawak na megaphone habang winawagayway ang hawak na clipboard. Nagmamadaling lumapit ang tinawag. "The rainbow flags are supposed to be in ROYGBIV order, not some abstract interpretation of it! And who put the purple before the blue? Are we in kindergarten?"
Namutla ang intern na si Tom at napakamot na lang sa ulo. "Got it, Georgia. Ayusin ko agad."
"And you." Lumingon si Georgia sa isa pang volunteer na nag-aayos ng banner, "the banner is sagging like my patience. It needs to be tighter than my jeans. Pull it up! Higher!"
Nagmadaling inayos ng lalaki ang lubid, para maayos ang banner. Napabuga na lang ng hangin si Georgia at binaling ang atensiyon kay Max, ang kaniyang assistant na kanina pa nakasunod.
"Max, where are the flyers for the parade schedule?" agarang tanong Georgia, tila nauubos na ang pasensiya habang marahang pinapadyak ang paa at nakapameywang.
Nagmadaling hinanap ni Max ang flyer sa hawak na folder. "Right here, Georgia. Fresh off the press." Pinakita ni Max ang flyer.
Hinablot ni Georgia ang flyer at nagsalubong ang kilay sa nakita. "Max, the font is Comic Sans. COMIC SANS." Binigyan diin ni Georgia ang bawat salita. "Do I look like I'm running a clown convention? Fix it!" maawtoridad na utos nito.
Napabuntonghinga si Max at pasimpleng umikot ang mata. "Sure thing, Georgia. I'll get right on it."
Lumapit naman ang volunteer na may nakadikit na nametag sa puting t-shirt at ang pangalan ay Lisa at may dalang kahon. "Georgia, where do you want the glitter cannons set up?" Tanong ni Lisa.
Naglaho ang pagsalubong ng kilay ni Georgia at napalitan ng ngiti. "Finally, someone speaking my language. Glitter cannons should be at the front, obviously! We need more sparkle than a drag queen's wardrobe."
Natuwa naman si Lisa sa narinig. "Got it, Georgia. Glitter overload, coming right up."
Nang makaalis si Lisa ay lumapit naman si Tracy. "You know, babe, you're like a cross between Miranda Priestley from Devil Wears Prada and Godzilla right now," natatawang paninita ni Tracy. Maging si Dionne ay isa sa mga volunteers at hindi pa napapagalitan ni Georgia.
Sinamaan siya ni Georgia ng tingin. "Oh, please. If I don't whip these people into shape, this parade will look like a preschool art project. We need perfection, babe. This is our chance to shine!"
Tumawa si Tracy. "I get it. But maybe take a breather before you scare off all the volunteers. They're trying their best."
Napabuntonghinga na lang si Georgia. "You're right. I just want everything to be perfect. This parade means so much to everyone," malumanay na tugon nito at natuto na rin kumalma.
Masuyong pinisil ni Tracy ang balikat ni Georgia. "And it will be. Because you're running it. Just remember, perfection isn't just in the details, it's in the spirit of the event."
Napangiti si Georgia at nabawasan na rin kahit papano ang pagiging maldita nito."Thanks, babe. You always know what to say. Now, if you'll excuse me, I have to go make sure the DJ knows the difference between a Pride parade and a middle school dance," nakangiting paalam ni Georgia at bumalik na naman ang dugo ng pagtataray nang makita ang isang volunteer na nahihirapan ipatong ang mga karton kahit hindi naman mabigat. "Leah, those boxes aren't going to levitate to the stage. Do I need to get a forklift, or can we manage with human hands?" pamimilosopo ni Geogia.
![](https://img.wattpad.com/cover/359066075-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomansaSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...