39

2.1K 101 17
                                        


Maiging binabasa ni Charlotte ang hawak na papeles nang may kumatok sa pinto. "Come in!" Nakayukong sagot niya habang nakatuon ang atensiyon sa papeles.

Bumukas ang pinto ngunit agad din sumara at isang malakas na kalampag ang narinig. "What the hell, Georgia!" nagulantang na bulyaw ni Charlotte nang napaangat ng tingin, napapitlag at muntik na naman makaalpas ang kaniyang kaluluwa sa sobrang gulat. "Do you really have to slam the door and nearly send me to an early death every time you come in?" kunsumidong paninita ni Charlotte nang mahimasmasan.

"I'm sorry!" Tumatawang sagot ni Georgia, hindi man lang apektado sa binigay na stress. "It's hard to softly close a door when your arms are full of these prepared lattes I brought for us." Pagdadahilan nito nang inilapag ang hawak na dalawang cup ng kape. "Cappuccino, right?" Nakangiting tanong ni Georgia at may bahid na panunuhol sa boses nito.

Umikot na lang ang mata ni Charlotte, sabay din kinuha ang mainit na kape na nasa lalagyan ng paper cup. Tumunog ang takip na gawa sa plastic nang inalis niya ito at kasabay din lumabas ang usok ng kape. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang kaniyang inis nang malanghap ang bango ng kape. "You know, there's a fine line between making an entrance and causing an earthquake," sermon ni Charlotte at sinimulan na rin uminom.

Umupo si Georgia sa bakanteng upuan na nasa mesa, sumabay na rin uminom ng kape. "Oh, I always aim to shake things up a bit. Consider it a free adrenaline boost for your boring day," pang-aasar din niya.

"Thanks, but I think coffee is enough to keep my heart rate going." Uminom ulit si Charlotte ng kape at inilapag ang cup sa mesa. Muling kinuha ang folder na may mga papeles at binasa ang nilalaman.

Napasandal si Georgia sa kinauupuan. "But I did learn how to knock whenever I'm entering your office," buong pagmamalaking turan nito.

Nanatili lang nakatingin si Charlotte sa hawak na papeles. "You made it sound like you saved the world just by learning a basic manner and I should be thankful," nababagot na sagot ni Charlotte, wala man lang bahid na emosyon, dahilan para matawa si Georgia. Saglit lang siyang pinaningkitan ng mata ni Charlotte at binalik ang atensiyon sa binabasa. "Should I roll out the red carpet next time? If ever you don't slam the door?" walang lingon tanong niya.

Uminom si Georgia ng kape at binalik ulit sa lalagyan. "Only if it matches my shoes." Itinaas ni Georgia ang suot na designer shoes na Chanel na bumagay sa kaniyang corporate look. Napairap na lang si Charlotte.

May narinig na katok sa pinto. "Come in!" sagot ni Charlotte habang inaayos ang papeles sa mesa, itinabi ang sign pen at sinimulan na rin gamitin ang computer. Abala naman si Georgia na mag-browse sa cellphone.

Pumasok ang secretary na nakapusod ang buhok, nakasuot ng puting long sleeves at itim na slacks. Merong suot na salamin at propesyonal tingnan sa edad na singkuwenta.

Nang inalis ni Charlotte ang tingin sa computer screen at inilipat sa secretary ay hindi maiwasang mapakunot ang noo nito. "What is it, Sarah?" Napatingin si Charlotte sa hawak ng secretary na makukulay na kahon.

"Delivery for you, Miss Charlotte. From Dionne Lucas." Pagbabalita ni Sarah at maingat na inilapag sa mesa ang sampung boxes ng chocolates. Agad napaangat ng tingin si Georgia, nawala na ang atensiyon sa cellphone habang si Charlotte ay hindi maiwasang uminit ang pisngi.

"Thanks, Sarah," nahihiyang wika ni Charlotte. Pasimpleng napatikhim at hindi malaman kung saan ibabaling ang atensiyon, kung sa computer o sa boxes ng chocolates na nasa mesa. Itinuon na lang niya ang paningin sa screen ng computer.

"I'll go ahead now, Miss Del Pierro," pormal na paalam ni Sarah at tahimik na umalis.

Napahalukipkip si Georgia nang nakaalis ang secretary. "Do you mind telling me why your ex is sending you boxes of chocolates?" mapanuring tanong ni Georgia.

Dandelions in the WindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon