Maingat na binaligtad ni Dionne ang omelet, napakakinis ng ibabaw ng itlog habang niluluto niya sa fry pan. Narinig ang mahinang sagitsit at pumaibabaw ang usok. Naamoy ang bango ng niluluto at nangibabaw ang amoy ng herbs at spices."You know, kung mag-aapply ka sa restaurant ko, I'll definitely hire you," nakangiting papuri ni Marcus habang nakaupo sa harapan ng kitchen island at nakahanda na rin ang plato.
Nakangiting umiling si Dionne, saglit na tumingin kay Marcus at ibinalik ang atensiyon sa pagluluto. "Nope, I don't think I can survive in your kitchen. I'm a bit of a klutz. Magiging liability mo lang ako." Nang maluto na ang omelet ay inilipat niya ito sa plato ni Marcus. "Here it comes, careful it's hot. Besides, magagalit sa'yo ang chefs mo sa restaurant, baka masunog ko ang kusina." Maayos na inilagay ni Dionne ang omelet sa plato at pinunasan din ang kumalat na mantika gamit ang tissue.
"You're hotter than this," itinuro ni Marcus ang umuusok na omelet sa ibabaw ng plato. Natatawang umismid lang si Dionne sa natanggap na papuri. "Yeah...yeah. Huwag mo na ako bolahin. I like to cook this for you."
"Thanks for cooking my favorite," nakangiting pasasalamat ni Marcus at napalingon sa pinto nang biglang bumukas. "Good morning, Charlotte! Had a good sleep?" masiglang bati ni Marcus.
"Good morning, Charlotte," magiliw na turan ni Dionne na may kasamang pag-angat ng gilid ng labi at pinagpatuloy ang pagluluto ng omelet.
Saglit napatigil si Charlotte nang makitang hindi lang si Marcus ang nasa kusina. "Oh? Hi? You two, why are you up this early?" tanong ni Charlotte at iniwas ang tingin kay Dionne, ibinaling ang atensiyon kay Marcus.
"It's six-thirty a.m. Niyaya ako ni Dionne mag-jogging. Now, she's making me omelet," saad ni Marcus habang kumakain at hindi naramdaman ang nabubuong tensiyon sa kusina.
Pumunta si Charlotte sa tabi ni Marcus at hinalikan ang pisngi ng kapatid, malambing din na kinurot ang kabilang pisngi. "Morning," tipid na bati ni Charlotte kay Marcus. Hindi napansin ni Marcus ang hindi pagbati ni Charlotte kay Dionne dahil abalang kumakain ng omelet.
"Where's Clarissa?" Pumunta si Charlotte sa coffee maker at nagtimpla ng espresso.
"She's in the garden. We didn't ask her to cook kasi maaga pa," tugon ni Marcus. Nagmukhang silang dalawa lang ni Charlotte ang nasa kusina at hindi kasali si Dionne. Halatang ayaw siya pansinin ni Charlotte habang kinakausap ang kapatid. Fine by me, pabor na turan ni Dionne sa isipan nang kanina pa napapansin ang pag-iwas ng tingin ni Charlotte.
Hindi maiwasan ni Dionne na pagmasdan ang pag-uusap ng magkapatid habang nagluluto siya ng omelet. Nakasuot si Charlotte ng full riding gear, tight fit black jodhpurs na bumagay sa kurba ng kaniyang mga binti, at berdeng jacket na umayon sa puting long sleeves. Kung hindi lang nasa Pilipinas ang villa, iisipin ni Dionne na nasa Europa sila dahil sa ganda ng damit na bumabagay kay Charlotte. "What's her skin secret?" hindi rin maiwasan ni Dionne na mapansin ang makinis na kutis ni Charlotte, walang make-up ngunit maganda pa rin tingnan. Nakatali ang mahabang buhok ni Charlotte, at naging matingkad ang kulay nang nasinagan ng araw mula sa bintanang salamin, mistulang dark blonde na bumagay sa porselanang kutis. Simple lang ang ayos ni Charlotte, nakasuot lang ng isang pares ng earrings na may disenyong diamante.
"Ready na ba yung ibibigay sa mga bata? I can buy more if you want? Ipapasyal ko rin si Dionne sa bayan," sambit ni Marcus habang nakatingin kay Charlotte.
"It's already set. I want you to be there. I need you to be on my team. Maraming naisip na games si Clarissa." Sumandal si Charlotte sa kitchen counter at komportableng hinigop ang espresso mula sa itim na mug.
Nang matapos na si Dionne magluto, tinanggal niya ang suot na apron. Nakasuot siya ng sports bra na pinatungan ng grey fitted sando at black yoga pants. Abala ang atensiyon ni Dionne sa paglalagay ng omelet sa plato, nakayuko kaya nakita ang cleavage na sadyang asset ni Dionne, dahilan para saglit na mawala ang atensiyon ni Marcus sa kausap at mapatingin kay Dionne, na sinundan naman ng tingin ni Charlotte. Tinupi ni Dionne ang apron at inilagay sa lalagyan na malayo sa counter, kaya nakita na ang buong katawan niya na nakatago kanina sa counter. Tinali ni Dionne ang kaniyang buhok sa isang messy bun, nasinagan ang leeg ng araw at naging mapula ang tainga. Nakikita ang ilang hibla ng buhok sa likod ng makinis na leeg at na-highlight sa sikat ng araw ang bawat kurba ng katawan, mula balikat hanggang paa na nagpatingkad sa alindog ni Dionne.

BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomansSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...