"Is it far?" humihingal na tanong ni Marcus habang tumatakbong nakasunod kay Dionne."C'mon, we're almost there!" sigaw ni Dionne na tumatakbo papunta sa hanay ng Jacaranda trees. Nang makaabot ay tumigil at napaupong sumandal sa puno. Umiihip ang sariwang hangin at may mga pulang dahon at asul na bulaklak na sumasabay sa hangin. Tiningnan ni Dionne ang suot na relo. Alas-siete pa lang ng umaga at matingkad na ang sikat ng araw. Napapikit muna siya habang nakasandal at hinayaan ang hangin na haplusin ang kanyang mukha.
"This is not our usual route whenever we run," takang tanong ni Marcus nang makarating. Umupo siya sa tabi at sumandal din sa puno.
"Here," sambit ni Dionne habang inaabot ang hawak na bottled water sa katabi. "It's not even far. You look tired," tukso niya. "It's nicer here. The view is too beautiful, it's shaded, and not too hot," dagdag niya. Hindi man lang pinagpawisan ang suot niyang red sando at black yoga pants. Habang si Marcus ay basa na ang puting t-shirt at humihingal pa.
"You're right, I seem to have lost my shape. I'm too busy focusing on my restaurant," sagot ni Marcus.
"How did it go? How's the business?" tanong ni Dionne at uminom ng tubig mula sa bottled water.
"It's fine. Naayos na rin ang problema. Everything is going smoothly for now," sagot ni Marcus. Pinagmasdan niya ang mga nalalagas na bulaklak at may mga paru-paro rin na lumilipad sa kanilang kinauupuan. "You're right, this place is cozy and beautiful."
"Told you," nakangiting pahayag ni Dionne at uminom ng tubig.
"By the way, Neil invited us to a party. Mamayang gabi ang celebration. Opening night ng spa. There will be fireworks and lots of booze, so I guess I'll be more out of shape." Lumingon siya sa dako ni Dionne. "Charlotte and I are going." Saglit na napatigil magsalita si Marcus at napahaplos sa batok. "Pwede ka bang sumama?" nahihiyang paanyaya niya.
Bahagyang kumunot ang noo ni Dionne. "Tonight? I don't have a dress. I don't think I can go. Besides, I don't think I can buy a dress to wear right now. Walang boutique sa San Mateo. The shopping malls only sell casual wear."
Naging malapad ang ngiti ni Marcus sa narinig. "I got you covered. Charlotte agreed to lend you some of her dresses. That's, if you want to go?"
Napatingin si Dionne. Mababasa sa mukha ni Marcus na umaasa itong papayag siya. Napabuntong-hininga na lang si Dionne, wala na rin siyang maisip na dahilan para tumanggi. "Sure, why not," kaswal na sambit niya.
"That's great! I can't wait to go to the party! I heard that Neil hired a famous DJ for his rave party," hindi maitago ang pananabik sa boses ni Marcus, sapat na dahilan para matawa si Dionne.
"Hold on there, cowboy! You need to recharge. You're too tired," panunukso niya.
Tumayo si Marcus. "I'll be heading home. I'll ask mom to call her massage therapist. You want to join?"
Umiling si Dionne, tinatamad pa siyang gumalaw. Masyadong malambot ang mga damo na kinauupuan niya at ang presko ng hangin. "You go ahead. Have you seen Charlotte? I need to talk to her about the dress."
"If you can't find her in the house, she's in the stable," natatawang turan ni Marcus at nagsimulang maglakad palayo. "See you later!" Kumaway si Marcus at nagsimulang mag-jogging papunta ng mansiyon.
"See you!" sigaw na pahabol ni Dionne at hinatid ng tanaw si Marcus hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa kanyang paningin.
++++
Napagpasiyahan ni Dionne na pumunta sa kuwadra bago umuwi ng mansiyon. Makulimlim ang paligid nang pumasok siya, bawat kabayo ay may sariling silid na sampu ang bilang. Malinis ang pasilyo at walang amoy.
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
Roman d'amourSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...