Iminulat ni Dionne ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya ang suot na relo, ala una pa lang ng umaga. Napansin niya ang isang kamay na nakayakap sa kaniya at may hita na rin na nakapatong sa binti. "You're very possessive," naaliw na bulong ni Dionne sa katabi. Mahimbing na natutulog si Charlotte at ginawang unan ang katawan ni Dionne.Saglit siya napaisip. Madalas ayaw niyang may kasama kapag natutulog ngunit sa hindi malamang dahilan ay nagustuhan niyang matulog na may katabi at tanging si Charlotte lang ang nakatulog na kasama si Dionne. Marahan niyang tinanggal ang kamay ni Charlotte, dahan-dahan din inalis ang hita na nakapatong sa kaniyang binti. Kinuha rin niya ang damit na nasa ibaba ng kama.
Nagpunta na muna si Dionne sa banyo at nag-ayos ng sarili. Nakasuot na siya ng puting oversized t-shirt na abot lang hanggang sa hita nang lumabas sa banyo. Nanatili pa rin mahimbing ang tulog ni Charlotte.
Umupo si Dionne sa kama at pansamantalang pinagmasdan ang pagtulog ni Charlotte. Napakunot ang kaniyang mukha nang mapansin ang ilang kiss marks sa hita ni Charlotte. "Oh, shit!" nahihiyang bulong niya. Napahilamos na lang sa mukha si Dionne. Kailanman ay hindi niya matandaan kung naging agresibo ba siya sa sex. Siya ang tipo na madalas inuutos pa ang dapat gawin para makuha ang kiliti niya ngunit kay Charlotte, wala pang limang minuto ay kayang patirikin ang kaniyang mga mata nang hindi inuutusan. Napangiti na lang si Dionne sa naiisip. Kinuha niya ang kumot at itinakip sa hubad na katawan ni Charlotte.
Napagpasiyahan na lang ni Dionne na pumunta sa kusina at uminom ng tsaa. Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos din at pinagkaabalahan niyang tingnan ang cellphone. Binasa niya ang ilang messages at may text galing kay Marcus: "Can't wait to see you." Limang oras na ang nakalipas na text. Nag-reply lang si Dionne ng smiley emoji.
"Do I have to check myself for a breast ultrasound?" tanong ni Dionne sa sarili. Sinilip niya ang loob ng t-shirt at hindi maiwasang matawa. Namaga yata ang kaniyang mga nipples sa sobrang gigil ni Charlotte. Napaisip tuloy si Dionne kung normal ba talaga sa dalawang babae na inaabot nang mahigit na apat na oras. Napatanong tuloy sa Google si Dionne at walang makuhang matinong sagot. "I look like a fool," naaliw na turan niya sa sarili at binaba ang cellphone. "Just an intense sex, that's it."
Pumunta si Dionne sa sala at binuksan ang telebisyon. Hindi niya ginamit ang ilaw sa sala dahil umabot naman ang liwanag mula sa kusina. Tanging ang ilaw na nagmumula sa screen ng telebisyon ang nagsisilbing gabay at ang makulimlim na ilaw sa kusina ang tumatanglaw sa kinauupuan ni Dionne. Naka-register sa account ni Charlotte ang screen ng telebisyon. Tiningnan niya rin ang mga napiling papanoorin at binasa. "Carol, The Portrait of a Lady on Fire, Killing Eve, and Saving Face?" Tuluyan nang nawala ang antok ni Dionne sa mga nakikitang palabas. "These are all sapphic shows? Hmm...interesting," naaliw na wika niya.
Pinili niyang panoorin ang isang palabas at sinimulan ang episode one. Sa sobrang pagkaaliw ay nakaabot siya sa episode two, natatawa pa siya sa mga pinagagawa ng bida at hindi rin maiwasan kiligin kina Kate at Lucy. Hindi niya namalayan na nakalabas ng kuwarto si Charlotte at nakasuot din ng puting oversized t-shirt. Mataman siyang pinagmamasdan ni Charlotte habang nakasandal sa pintuan.
Lumapit si Charlotte sa sofa. "I see you're beginning to become a fan of Kate and Lucy," nakangiting bungad niya at umupo sa tabi.
Agad napalingon si Dionne. "Did I wake you up? I'm sorry, I can't sleep and I didn't mean to look into your viewing history."
"It's fine. I can see that you already like them," sabi ni Charlotte habang sumasandal sa sofa at nakikisabay na rin manood.
"Ang cute ni Lucy," pag-sang-ayon ni Dionne. "Napanood mo na ba?"
"I think I watched episode five? I haven't finished it yet. I'm too busy. And I don't want to be attached, I'm still on the fence," tugon ni Charlotte.
Napakunot ang noo ni Dionne. "Still on a fence? Should I stop watching? Will it give me a heartbreak?" Napasandal siya sa sofa at napabuntong-hininga. "I hate tragedy."

BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomantikSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...