Naglakad si Dionne sa lobby ng isang magarbong restaurant. Sinalubong siya ng receptionist at ngumiti ito. "Good evening. Welcome to Lumière d'Or. Do you have a reservation?" magalang na pagbati ng babaeng nakasuot ng eleganteng suit at nakapusod ang buhok.
Malugod na ngumiti si Dionne. "Yes, I do. It's under the name Miss Lucas."
Agad tiningnan ng receptionist ang hawak na manipis na log book. Nang mabasa ang pangalan ni Dionne, napangiti siya. "Ah, yes, Ms. Lucas. Your table is ready. Your guest has already arrived. Would you like me to show you to your table?" nakangiting alok nito, bahagyang napaangat ng tingin dahil sa tangkad ni Dionne.
"That would be great, thank you." Tipid na ngumiti si Dionne.
Naunang naglakad ang receptionist sa loob ng restaurant. "Right this way, please." Saglit lumingon sa likuran nang makasiguradong nakasunod si Dionne at pinagpatuloy na ang paglalakad. Maaliwalas ang loob ng restaurant; malamlam ang ilaw, nakasuot ng tuxedo ang mga waiter, at karamihan sa mga kustomer ay nakasuot ng business suit at formal dress.
Diretso lang ang tingin ni Dionne habang naglalakad sa loob ng restaurant. Nakasuot siya ng hapit na black dress at kita ang kinis ng kanyang mga braso. Mas lalo pang nadagdagan ang kanyang tangkad dahil sa suot na heels, at hindi naririnig ang kanyang yabag dahil carpeted ang loob ng restaurant. Hindi napansin ni Dionne na napaangat ang tingin ni Anthony Verdan nang napadaan siya sa table nito.
Tumigil ang receptionist sa isang table at lumingon kay Dionne. "Here's your table. Have a wonderful evening," malugod na turan nito.
"Thank you very much," nakangiting pahayag ni Dionne at hinintay na munang makaalis ang receptionist bago maupo.
"I didn't expect you would bring me here for a fancy dinner," panimulang pahayag ni Dionne nang makaupo at tinaasan ng kilay si Trina habang nakangiti. Casual wear lang ang suot ni Trina, isang fitted shirt na pinatungan ng blazer. Kahit simple lang ang kanyang suot, bumagay naman sa ambiance ng restaurant. Lumutang ang kanyang ganda sa make-up at nagpadagdag sa kanyang appeal ang jawline.
"Would you like to order first?" Tumatawang tugon ni Trina. "I can't help but try your recommendation. Nabasa ko sa food guide na masarap daw ang food dito at nakakuha rin ng isang Michelin star." Inabot din niya ang menu kay Dionne.
"Let's go Dutch? I have an appetite of a horse. I tend to order the most expensive dishes on a menu," pahayag ni Dionne habang binubuklat ang menu.
"No! Let me take it." Mariing pagtanggi ni Trina. "I invited you for dinner, just order whatever you like. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo para hindi tayo mag-agawan sa bill, okay?" dagdag na turan niya.
"Okay, if you insist. Wouldn't want to turn our bills into a comedy show after dinner," naaliw na saad ni Dionne at nakapili kaagad ng pagkain. "I'll take Seared Scallops, served with a cauliflower puree and pancetta. As for the salad, I'll go for Nicoise. My appetizer would be..." Hinaplos ng kanyang hintuturo ang ibabaw ng menu at tumigil nang nakapili. "Beef Carpaccio, thinly sliced raw beef with arugula, Parmesan, and truffle oil. That's it." Tinupi ni Dionne ang menu at itinabi. "How about you?" tanong niya.
"Nice choices. How do you maintain your figure? You're way too slim for someone who has an appetite like a horse, as you put it," interesadong tanong ni Trina. Saglit lang siyang tumingin sa dako ni Dionne at binalik ang atensiyon sa hawak na menu. "Hmm, I'll take lobster bisque, endive and blue cheese salad, and for my main course, wild mushroom risotto." Binaba ni Trina ang hawak na menu at tinawag na rin ang waiter. Siya na mismo ang nagbigay ng order ni Dionne at nagsalin na rin ng red wine sa dalawang baso pagkatapos umalis ang waiter.
"I'm into yoga and Pilates, but I mostly take swimming. Lahat kasi ng muscles nagagamit kapag lumalangoy," sabi ni Dionne habang kinukuha ang table napkin at tinatanggal ang pagkakatupi. "I'm only taking advantage while I still have a fast metabolism. I eat whatever I like. When it comes to food, I go with the 'you only live once' attitude."
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
Storie d'amoreSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...
