"Good morning, you're too early for work," bungad ni Dionne nang pumasok siya sa kusina. Agad napalingon si Charlotte at ngumiti. "I need to go by nine, I'll meet a client, be in a board meeting, then I'll be going to the country club to prepare for my polo match." Nakasuot na si Charlotte ng green long sleeves na eleganteng pinatungan ng itim na blazer at binagayan ng high-waisted pants. Mukhang nakahanda na siya sa kahaharaping trabaho dahil nakapusod ang kaniyang mahabang buhok at light lang ang make-up na bumagay sa natural niyang ganda."I guess your day is way busier than I expected," turan ni Dionne at marahang napahikab. Nakasuot pa rin siya ng robe at nakatali ang buhok. Umupo na rin siya sa mahabang stool sa tapat ng kitchen island at tumabi kay Charlotte.
Tumayo si Charlotte, nagpunta sa coffee maker at nagtimpla ng kape. Nalanghap ang amoy ng coffee beans at narinig ang mahinang ugong ng makina. Nagmukhang barista si Charlotte nang ekspertong nilagyan ng disenyo ang ibabaw ng latte. "Here's your coffee." Inilapag ni Charlotte ang ginawang latte sa puting tasa, inusog ito sa harapan ni Dionne at umupo sa tabi niya. "Where's my morning kiss?" nagmukhang naniningil ng utang at nakasimangot na pahayag ni Charlotte.
"How am I supposed to drink the coffee? It's so pretty," nakapangalumbabang wika ni Dionne habang pinagmamasdan ang ibabaw ng latte na may disenyong bulaklak. "Thank you for making me coffee every morning," nakangiting wika niya. "Uhm, I haven't brushed my teeth yet. I can kiss you on the cheek instead?" dagdag na turan nito at tinikman ang latte. Tinaasan lang siya ng kilay ni Charlotte. "I literally kissed every part of your body; do you think not brushing your teeth will stop me?" istriktong pagpapaalala ni Charlotte.
Naaliw na inirapan siya ni Dionne, hinawakan ang blazer, hinatak palapit at binigyan ng halik si Charlotte. Hinawakan niya ang batok ni Dionne at pinalalim ang halik. "Why do you taste like mint?" tanong ni Charlotte nang pinutol ang halik.
"I brushed my teeth when I woke up at four am," paliwanag ni Dionne at marahang pinunasan ang kumalat na lipstick sa labi ni Charlotte gamit ang hinlalaki.
Binigyan niya ng damping halik ang labi ni Dionne at mahinang tumawa. "You're such a hygiene freak. Did you sleep well?"
Umikot ang mata ni Dionne at uminom ng kape. "Not really, someone woke me up and did something naughty," panunukso nito.
Uminit ang pisngi ni Charlotte at lumalim ang dimples na nagpigil na tumawa. "Can you blame me if you have a hyperactive girlfriend?"
Muntik nang masamid si Dionne sa narinig at agad napalingon. "What did you say?"
"Uhm, about me being hyperactive?"
"No, the last word?" agarang tanong ni Dionne.
"Girlfriend?" painosenteng sagot ni Charlotte at pinigilan na tumawa kaya mariing tinikom ang labi.
"So, you're my girlfriend now?" hindi maitago ni Dionne ang ngiti.
"Hindi pa ba? I don't think we're dating anymore. I mean, people date, they meet in one place and they don't stay in each other's bed," sambit ni Charlotte.
Napatikhim si Dionne. "So, how long have you been my girlfriend?" may kislap sa kanyang mga mata at hindi maitago ang saya.
Napahaplos si Charlotte sa kanyang buhok. "Since we started dating?" nahihiyang pag-amin nito. Napatikhim si Charlotte, bahagyang namula rin ang pisngi. "So, are you coming to watch the polo match? Georgia and I will play," pagbabago niya ng usapan.
"Of course, it's my girlfriend's match. I'll definitely be there," nakangiting saad ni Dionne. "You know, Georgia threatened me that she would punch my boobs because you and I were dating," pagsusumbong din nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/359066075-288-k647554.jpg)
BINABASA MO ANG
Dandelions in the Wind
RomanceSi Dionne Lucas ay isang museum art director na maganda, mayaman at matalino. Hindi na rin nakapagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kaniya. Isa lang ang ayaw ni Dionne, ang makipagrelasyon. Ayaw niya talaga ng commitment. Wala rin siyang pakial...