Edited 📝
-------------------[Sofie's Pov]
Hmmmmmm....
Nag-inat ako, anong araw ba ngayon? Pagkatingin ko sa kalendaryo sabay tingin sa orasan... shit! 7:00 am na!!
Tsk.
May pasok ako ngayon sa school! FIRST DAY pa naman! Ano ba yan?! Late na ko!
LIGO....BIHIS...
TOK.TOK.TOK
"Madam smith gising na po ba kayo?" Nagmadali akong suklayin ang buhok ko nang marinig ko ang maid namin na kumakatok sa pintuan.
"Pasok, Ihanda niyo na umagahan ko" nakakainis na buhok 'to ang hirap suklayin.
"Opo madam" lumabas na ang maid namin sa bahay at naiwan akong hirap sa buhok kong puro sabit.
Ako nga pala si Sofie, ang tinaguriang Casanova Princess ng Ouran academy, kami lang naman ang nag mamayari ng ouran academy kung saan ako ngayon nag-aaral, ang mga parents ko ay laging nasa ibang bansa dahil sa aming bussiness kaya ako ngayon ang nagpapatakbo ng eskuwelahan namin. Ang bilis ng panahon 4th year high school na ko, apat na taon na din pala simula no'ng iwan niya ako.
"madam smith kain na po kayo" umupo na ako sa mahabang mesa ako lang mag-isa, ang laki ng bahay ngunit parang wala namang nakatira.
Natapos akong kumain ay pinatawag ko ang isa kong bodyguard.
"madam smith anong kotse po ang gagamitin nyo?"
"'yong no 15 sabi ko" tumango naman ang bodyguard ko.
"okey po madam ihahanda ko na po ang inyong sasakyan" Mga nasa 60-70 yata ung car ko kaya may number ang mga ito, collection ko kasi ang mga sasakyan.
"tapos na pong ihanda 'yong sasakyan nyo" tumayo na ako at pumunta sa labas. Pero sa totoo lang gusto ko ng tumakbo dahil malelate na'ko kaso kelangan sopistikada, ang hirap magmaganda, kami naman may ari ng eskuwelahan kaya okay lang sigurong malate.
Habang nag didrive ako ng sasakyan, tumunog ang cellphone ko.
"ui teh malelate ka na noh" ang baklang 'to! Tumingin ako sa kalsada at nag reply.
"OTW na sa school"
Nakarating din ako sa eskuwelahan. buti at nakahabol pa 'ko
"HI SOFIE!" sabay na sabi ni mae at ia
"HI ELLA!" nabwisit ako nung may tumawag sa akin ng ella.
Akala ko kung sino na... Haist. Ang baklitang si mika lang pala.
"HOY MIKAEL DIZON MANAHIMIK KA NGA DYAN!" buong pangalan niya ang tinawag ko sa kanya, ayaw niya kasi ng mikael... Gusto niya daw kasi ay Michelle.
"Hay nako teh! Wag mo kong tawagin mikael dizon nasisira ang beauty ko, bastos 'to, kitang naka make up ako tatawagin akong mikael" iritable na si bakla nakakunot na rin ang noo niya.
Nagulat ako ng biglang tumawa 'yong dalawa kaya yun napatawa na rin ako
"HOY! mga aso't pusa tarana, punta na tayo sa room" sabi ni ia na natatawa pa
sila nga pla ang mga kaibigan ko sina;
Lorie mae Sy [mae]
Maria asuncion Fuentabella [ia]
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Teen Fictionsi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...