EPILOGUE

284 8 0
                                    

"Sofie! Bilisan mo at susunduin pa natin 'yong kapatid ni Mae" para namang baliw 'tong baklang 'to.  Bakit ba kasi namin susunduin 'yon?  Wala ba syang paa? Ang hirap kayang magsuklay ng buhok.

"Daddy pasalubong ah" dumating ang anak ni mika na nagkukusot pa ng mata.  Hindi inaasahan pero pamilyado na ang baklang gustong magkamatres, buti't hindi siya ang nanganak. 

"Okay baby  pero don't call me daddy.  Mommy ang tawag mo sakin-

"Ano?" Natawa si sofie dahil sumingit si kris na asawa ni mika.  Nagkatinginan ang mag asawa at alam ni mika ang tingin na iyon ng asawa niya. Maaalala niya kaya? Lahat kasi sila naalala na ni Sofie bukod sa isa...

Si Rence at ang masakit na katotohanan na hindi na rin siya maalala ni Rence dahil sa operasyon nito.

Narinig nila ang busina sa labas at lumabas na si sofie kasama si mika ang asawa naman niya ay naiwan kasama ng kanyang anak. 

"Ang cute talaga ng anak mong si mikaella" napangiti si mika sa sinabi ni sofie. Kanino pa nga ba magmamana ang anak niya edi sa magandang daddy!

"Ang tagal niyo naman, tara na!" Nakabusangot na ang buntis na si mae.  Aminado naman siya na mainitin ang ulo niya paminsan minsan kaya ang madalas na kawawa ay ang asawa nitong si quim.  Si quim na walang ginagawang masama na laging pinapalayas dahil hindi nabili ang gusto ng asawa o kung minsan naman ay mabaho siya sa pang-amoy nito. Hindi naman ganito si mae noong ipinagbuntis niya ang kanyang panganay na anak na si hiro.

"Nasaan si ia at si charles?" Takang tanong ni sofie

"Nauna na ang tagal niyo daw" sabi ni quim.  Napangiti siya dahil ang cute ng asawa niya habang kumakamot ng ilong at nakabusangot.  Ang taba pa naman at ang laki ng tiyan, masarap yakapin at halik halikan.

"Sofie,  bakit dalawa ang sing-sing sa pendat ng kwintas mo?" Tanong ni mae, nagkatinginan silang tatlo alam nila na sa loob ng sampung taon singsing lang ni rence ang naandoon.  Napakagat sa labi si sofie sabay sabing "wala".

Ano pa nga bang magagawa nila?  Kahit magpakasal si sofie ay ayos na lang din naman dahil hindi naman sila magkakilala na ni rence at iyon ang inilihim nilang lahat sa dalawa. Mabuti ng hindi sila magkakilala kesa masaktan nila ang sarili nila, mahirap ipilit ang mga bagay na wala na talagang pag asa.

Bumaba sila sa airport at nakita ang magasawang si ia at charles. 

"Tara na pre sa loob.  Ilang taong hindi umuwi ang kumag na'yon siguraduhin niya lang na may pasalubong siya sa mga inaanak niya. Ang dami ng utang ni ninong" napakawalanghiya talaga ni charles hindi alam ni sofie paano naging magasawa at nagkasundo sina at si Charles.  Sobra kasi sila magbangayan kahit noong mag kasintahan pa lang sila.

Pagpasok nila, naghintay lang sila ng ilang saglit nang may sumigaw na lalaki.

"MAE"

napakapamilyar ng boses na iyon.  Parang narinig na niya kung saan. Paglingon ni sofie sa lalaki parehas silang nagulat. 

"IKAW!"

Pero mas gulat ang taong nakapalibot sa kanilang dalawa. Paanong nangyaring magkakilala ang dalawang ito?

"Ma-magkakilala kayo?" Parang tangang tanong ni charles sa dalawa.

"NO!" - Sofie

"Yes!" - Rence

Ang lahat ay naguguluhan na napahilot si Rence sa ilong at napakamot sa batok

"Asawa ko sya" at ang lahat ay napanganga sa sinabi ni Rence.

"Tara na't umuwi na tayo,  at ikaw...  Marami pa tayong pag-uusapan" hinatak ni rence si sofie palabas ng airport. Ang lahat ay tahimik. 

Naguguluhan sila ni mae ngunit mas pinili nilang tunahimik na muna.

Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon