Sofie's POV
It's been 3 weeks since mikaela died. Si Kenneth nasa states na, samantalang si mika hindi pa rin sya masyadong nagkikilibo.
Inaayos ko na ang uniform ko at ang ikinagulat ko ay biglang may kumatok sa pinto kaya naman binuksan ko into at ang pogi kong BOYFRIEND.
Sino pa ba ?"Rence, pasok" sabi ko.
Ngumiti lang siya at inakb ayan ako.
"Ang bango mo naman" sabi niya sa akin."Matagal na." Sabi ko. Hahaha.
Nabigla ako kasi kinuha niya ang suklay sa mesa."Tirintasan kita" sabi niya habang sinusuklayan ako.
Kinilig naman ako.
"Gandahan mo ahh" sabi ko.
Nag-umpisa na siyang nagtirintas, yung totoo? Bakit narunong siya?
Napangiwi naman ako."Dyaran!" Sabi niya.
Tumingin ako sa salamin at nagandahan ako.
"Yung kit mo?" Tanong niya.
"Anong kit?" Tanong ko.
Ano naman kaya ang hinahanap nito?"Yung make-up kit mo? Meron ka bang gan'on?" Patanong na sabi ni rence.
"Nasa bag ko yung pouch na kulay black" sabi ko. Madali niyang kinuha ang pouch ko at umupo sa harap ko.
"Aayusan kita" sabi niya.
"Ayusin mo lang huh! At sasapakin kita" sabi ko.
"Ako pa ba! Gusto mo no make up look pa eh!" Sabi niya at napangiti naman ako.
Nag-umpisa na siyang ayusan ako.
"Pikit" sabi nya at mat kung anong ginawa sa mukha ko.
"Yung totoo rence, bakla ka ba?" Tanong ko.
"Hindi ahh, gusto mo patunayan ko pa sayo ehh. Kaso magugulo ang ipit mo at baka hindi tayo makapasok, lalo ka na kasi baka hindi ka pa makatayo. Ano? Gusto mo ba?" Sabi nito.
Pinalo ko nga sa braso."Baliw ka talaga" sabi ko.
"Huwag kang magulo baka hindi pumantay yung make up mo" sabi niya.
Napangiti lang ako.
Ilang sandali pa ay natapos na."Ang ganda mo talaga" sabi niya at nang tumingin ako sa salamin.
Ang galing! Hahaha."Sa susunod aayusin ko kilay mo medyo sabog eh" sabi niya kaya napasimangot ako.
"Bahala ka" sabi ko at malungkot na boses ang ginamit ko. Nagpapalambing lang. Haha.
"Kahit sabog kilay mo o wala kang kilay love na love pa rin kita" sabi niya sa akin at napayakap lang ako sa kanya.
"Tara na" sabi niya at kinuha ang bag ko at pumasok na kami.
Hinatid niya ako sa school ko at siya naman ay umalis na. Agad akong dumeretso sa tambayan at nakita ko ang itsura ni mae. Sabog-sabog ang buhok.
"Mae anong nangyari?" Tanong ko at nagulat ako kasi tinarayan niya lang ako.
"Itanong mo sa magaling mong boyfriend!" Sabi ni mae.
Dumating si Mika na nakasimangot at nang makita si mae, bigla na lang itong humalakhak.
"Anyare sayo bes? Sa'ng gera ka pumunta?" Tanong niya at hindi pala panglalait pala iyon.
Hahaha
"Hoy baklang walang matres! Gusto mong kakbuhin kita!" Inis na sabi ni mae.
Okey beast mode on!
Hahahah
"Si ia nasaan?" Tanong ni mika.
"Ewan ko" sagot ko pero nakita ko siya kanina may kausap sa cellphone tapos bigla na lang umalis. Medyo teary eye pa nga ehh, kaya hindi ko na sinabi kasi medyo pribadong tao si Ia.
"No'ng nakaraan nga nakita ko sila ni charles, umiiyak si ia tapos niyakap lang siya ni charles" sabi ni Mae.
"Hayaan na muna natin si Ia, baka kailangan niya ng space. Hindi kasi sa lahat ng bagay nakakatulong ang mga kaibigan minsan napapalala lang nito ang sitwasyon" sabi ko sabay inom ng tubig.
Nag-ring na ang bell at tinext ko si ia na pasukan na. Kaso dumaan ang isang araw na hindi siya pumasok.
Pauwi na kami nila mika nang makita namin si mika at nakasimangot ito at halatang kakagaling lang sa iyak. Nilapitan lang namin siya nila mika.
"Ia, anong nangyari?" Tanong ko.
"Kasi si chushi namatay na" sabi niya at umiyak lang siya ng iyak. Si chushi ay ang chow-chow na aso ni Ia. Akala ko kung anong problema ng babaeng ito yun pala 'yong aso lang! Sabagay mahilig si Ia sa mga hayop.
"Anong nangyari? Bakit siya namantay?" Tanong ni Mae.
Tumingin si Ia kay Mae at nakita ko ang pagbilog ng mata ni Ia atsaka siya umiyak
"Naaalala ko tuloy si chushi, parehas kasi kayo ng buhok eh" sabi niya kay Mae. At imbis na maiyak kami ay natawa kami. Biglang may tumakip sa mga mata namin. Napangiti na lang ako kasi kilala ko ang nagtakip sa mata ko.
"charles"
"Quim"
"Rence"
Sabay-sabay naming hula ni Mae at Ia. Tinanggal na nila ang kamay na nakatakip sa mata namin. Napatingin kami kay mika at may isang taong nakatakip ng mata niya.
Isang babaeng naka-cap.
Napangiti naman ako nang makita ko kung sino iyon.
Nagulat na lang ako kasi hinatak na ako ni rence at gan'on din sila mae hinatak sila ng mga partners nila at iniwan namin si mika sa kanya.
Siguradong matutuwa si mika kung malaman niya lang kung sino iyon.
Nang makalayo na kami ay sumakay kami ng jeep ni rence. Ang init at sikip.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.
"basta" ang sagot niya, pinagtitinginan kami ng tao dito sa jeep."Bayad po sa crossing lang" sabi ni rence at nagbayad ng BENTE PESOS!
"Baliw ka ba? Bente lang ang binayad mo?!" Inis na bulong ko.
"'Yong sukli ng bente" sabi ng driver at sinuklian kami ng anim na piso na ikinagulat ko.
Yung BENTE may sukli pa? Hanep! Baka malugi naman si kuya.
"Oh diba!" Sabi ni rence.
Pumunta kami sa mall.
Nagulat ako kasi inakbayan niya ako. Kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Ayoko kasi ng mga titig nila, para kang aagawin sa akin. Bakit kasi head turner ka eh!" Sabi niya at napasimangot.
Ang cute!
"At least itong head turner na ito sayo lang lumilingon" sabi ko.
"Naman! May kiss ka sa akin mamaya" mayabang na sabi niya na patawa lang ako. Ang yabang!
I found myself holding his hand while walking. I feel so complete just be with my arrogant boyfriend.
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Teen Fictionsi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...