Rence Pov
Pagkatapos nyang ibato saakin yung kalahating sing sing na may nakalagay na john john dun lang ako natauhan at may naririnig akong sigawan sa sala kaya pumunta ako dun. At nakita ko si mika madilim ang aura ng pagmumukha nya ngayon at ang kapatid ko ay nakataan ang kilay habang nakahawak sa kamai ni mika si ella.
"Mikaella Dizon! Say sorry to rence" mahina pero madiing sabi ni mika at umiling iling lang si mikaella nanginginig ako sa galit at nakakuyom ang palad ko lumapit saakin si mikaella at naiiyak na sya.
"Rence" sabi nya at akmang hahawakan ako ng tinabig ko ang kamay nya. Nagulat ang lahat sa ginawa ko. Alam mo ba na yung isang galaw na lang ni mikaella ay mapapatay ko na sya.
"Mika pwede bang ilayo mo yang babae na yan bago ko makalimutang babae yan!" Madiing sabi ko. Akmang hahawaka na sya ni mika nung pumiglas sya at pumunta sa harap ko bago pa sya makalapit ay nasampal ko sya. Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Nagulat na lang ako ng may sumuntok sakin
"Putang*na mo rence g*g* ka! Papatayin kitang hayup ka!" Rinig kong sigaw ni mika at sinuntok ulit ako. At ngayon napatunayan ko na hindi bakla si mika. Para syang si charles hindi pala mas malala pa yung suntok nya kay charles. Hinigit sya ni quim upang matigil ang pag suntok nya saakin nakaganti man ako kaso hindi yun sapat sa sakit ng suntok nya.
"Putang*na mo rence magtago ka na huwag mong hahayaang makita pa kita. Saktan mo ulit ang kapatid ko rence hindi ko alam kung ano ang magagawa ko." Madiin at galit na sabi nya wow ha! Ang kapatid nya ang nakasira sya ang galit.
"Tang*na mo!" Sigaw ko umiiyak na rin yung kapatid ni mika
"Mikaella Dizon ayusin mo toh" sabi ni mika at lumabas ng bahay si mikaella naman na yuko lang at umiiyak.
"Sorry" sabi nya at tumakbo sya tang*nang sorry nayan kung sana maayos mo kapag nag sorry ka kaso hindi.
"Pre" sabi ni quim at si charles naman ay nakangiti.
"Boss aalis lang kami" paalam ni charles kay ia ngumiti lang si ia.
Nagpakalunod ako sa pag inom. Gusto kong makalimot, ang tanga ko kasi nagsinungaling ako. Tang*na lang talaga! Nakakabadtrip!
"Gag* ka kasi alam naman namin na may gusto ka na sa sofie na yun kahit hindi sya si ella. Pero ano nagpakabulag ka!" Panenermon ni quim. Totoo yun may gusto na ko kay sofie tapos nag assume ako na sya sana si ella ang kaso biglang may nagpakilalang ella saakin. Maganda, maamo ang mukha at higit sa lahat mabait. Ang kaso nga lang naniwala agad ako sa kanya kahit sinasapak na ko ni sofie ng katotohanan na sya si ella.
Haistt. Ang sakit! Lalo na nung makita ko si sofie na umiiyak.
"Hindi ko alam kung pano maaayos ang gusot na to." Wala sa sariling sabi ko sabay lagok ng alak.
"Matatapos din to." Sagot naman ni quim si charles naman nakatingin lang sa alak ang lalim ng iniisip kala mo sya ang may problema.
Ang hindi ko maintindihan pano naging kapatid ni mika yung babaeng yun. Tsaka lalaki ako ramdam ko na hindi bakla si mika.
Haist ang sakit sa ulo!
Mika's pov
Pumasok ako sa kwarto. Pano nangyari na nalaman ng kapatid ko yung tungkol sa relasyon ni sofie at rence? Kilala ko ang kapatid ko spoiled brat sya lahat ng gusto masususnod. Ano kaya ang naging dahila sa panghihimasok ng kapatid ko sa eksena. Bullsh*t nangangatog ako sa inis at galit.
"Kuya" sabi nya at niyakap ako kilala nya ko ng maigi ang kaso hindi pa ako nagalit ng ganto. Sobra na mastado pakiramdam ko wala akong kwentang kapatid.
Ang buong pangalan ng kapatid ko ay mikaella michelle dizon. At kambal kami tsaka sa state sya lumaki pero close pa rin kami kahit ganun.
"Ayusin mo toh. Kung ayaw mong ako ang aayos ng gulong pinasok mo. Kilala mo ko mikaella michelle." Tsaka pumasok sa kawrto. Ang sakit sa ulo.
"Kuya!" Sigaw nya tapos katok lang sya ng katok. Binuksan ko naman ang pinto. Nakita ko syang umiiyak na. Hindi ko kukunsintihin ang ginawa nya kina rence pero kahit na ganon, walang sinuman ang may karapatan na saktan sya dahil kapatid ko sya.
Rence pov
Maguusap kami ngayon ni mikaella. At papunta nako sa coffee shop, gusto ko kasing maklaro ang nangyayari. Nakita ko sya nakasalukbaba sa pinakasulok. Kaya agad na pinuntahan ko sya. Oo galit ako kaso mas gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit sya nagpanggap na si ella. Umupo nako sa tapat nya.
"Sorry dahil nagkaaway kayo ni sofie dahil saakin pero di ko pinagsisisihan na nagpanggap ako" deretsong sabi nya.
"Bakit? Paano mo nalaman ang paghihintayan namin ni ella? Sinabi b sayo ng kapatid mong bakla?" Panguuyam ko sa totoo lang gusto ko talaga syang saktan.
"Hahahaha. Ehhh tang*na mo pala ehh. Sinong bakla? Yung kuya ko? Gag* ka ba?! Wala kang alam sa nangyari sa kanya kaya putan*na mo manahimika ka! At yung tungkol naman sa inyo ni sofie aayusin ko, ako na ang bahala. Ilayo mo lang sya sa lalaking nagngangalang KENNETH VILLA RAMA pangako ko sayo magkakaayos kayo" sabi nya ng madilim ang mukha. Kung makamura kala mo di babae
At sino naman si KENNETH VILLA RAMA?
Mikaella's Pov
Kakatapos ko lang kausapin si rence. Aayusin ko toh tulad ng naipangako ko sa kapatid ko kahit na tatlong minuto lang ang pagitan namin eh talagang nirerespeto ko sya bilang kuya.
Nagulat ako nang tumunog ang cellphone ko. Si kenneth lang pala.
"Hello baby. You want a play huh. Be ready cause no matter what happen you will pay for leaving me alone, magbabayad ka sa pang aakit mo sakin. Tandaan mo ako si kenneth villa rama ang NAGMAMAY ARI sayo" sabi nya naiimagine ko ang pagngiti nya.
"F*ck you!" Sigaw ko sa linya at pinatay iyon. Nakakainis talaga sya! Sinong nagsabi na hindi ko pinaghandaan ang muli nating pagkikita.
Then a evilish smile form in my lips.
Handa akong magbayad kenneth. Sana ikaw din.
Paghandaan mo ang paniningil ko sayo ng malaki.
--------
Tinatamad na kong tapusin tong story..Haisttt.. bahala na si batman.
Pasensya na sa typos at berry wrong grammar tsaka spelling.
Salamat sa sumusuporta nitoh.Tatapusin ko toh.
Btw. Gusto nyo bang magkaroon ng story si kenneth villa rama at si mikaella dizon?
Comment nyo na lang po kung gusto nyo.
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Teen Fictionsi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...