Sofie's POV
Kasama ko si Rence at naglilibot-libot kami sa mall. Nagulat na lang ako kasi nakakunot ang noo ni Rence at ang sama kung tumitig.
"umayos ka nga" sabi ko tapos nakita ko ang paghaba ng nguso nya.
"ano ba kasi!" naiinis na ko kala ko okay kami pero nakasimangot naman 'tong si Rence. Parang babaeng may monthly period eh
"bakit kasi madaming nakatingin sa'yo" parang batang sabi ni rence na ikinairap ko lang. Magkaholding hands na nga kami tapos umaarte pa ng s'ya ng ganito.
"tara na nga lang at maglaro tayo" sabi ko, pumunta kami sa arcade at nagpapalit ng barya.
"mauubos kaya natin to? Ang dami eh" sabi ko, tumango lang siya at nag tumbs up. Medyo pinagpapawisan sya malakas naman ang aircon ah. Naupo muna kami saglit at nagulat ako kasi niyakap niya ko at diniin ang mukha nya sa leeg ko.
"hey, are you okay?" tanong ko tumingin sya sa akin at mabilis na hinalikan ang labi ko.
"okay na ko" sabi niya at saka tumayo. Hinatak niya ko papunta doon sa may basketball at nag-umpisa na kaming maglaro.
"ayusin mo kasi kuhanin mo tong panda" sabi ko at si rence naman ay nakatitig lang doon, seryosong naglalaro na para bang nakasalalay abg buhay nya.
Kung ano-ano ang nilaro namin sa arcade ngunit ni isa wala manlang akong nauwi mukha namang frustrated si rence. Natatawa ako kasi ang cute n'ya lalo na kapag nagsasalita mag-isa. 'tangina, konti na lang eh' kinalawit ko ang braso ko sa braso nya at hinatak sya papunta sa isang restaurant. Masarap daw mga pagkain dito medyo may pagka cheap nga lang unlike fancy restaurants that I used to eat.
"kain na tayo" sabi niya at nagulat ako kasi sinubuan niya ako ng chicken.
"huwag kang mag diet dyan" sabi niya at lumantak kami ng pagkain.
"sine tayo" sabi ko syempre nakakahiya naman kung hindi ko sya i-treat.
"sige" sagot nya tapos nanuod kami syempre ako masusunod gusto niya avengers eh gusto ko yung love story eh. Habang nasa gistna kami ng sinehan naramdaman ko ang pagdantay ng ulo niya sa akin. Wala naman akong nagawa kahit medyo mabigat, sige lang naglalandi ka sofie magtiis ka.
Expected the unexpected.
Ung akala ko na pupunasan niya ang luha ko kapag naiiyak ako dahil sa movie, yung yayakapin niya ako at aaluin, kaso eto si rence at TULOG! Punyeta natapos ang palabas at nangalay ang balikat ko.
"Rence gising" sabi ko sabay tapik sa pisngi niya nagulat ako kasi ang kamay na nakadantay sa akin ay biglang nahulog na para bang walang buhay. Niyugyog ko si rence para gumising.
"Rence gising na" sabi ko at ang luha ko ay tumutulo na. Medyo isinandal ko sya sa gilid at tinawag ang guard dineretso namin sya sa ospital. Tinawagan ko si mae at kasama nyang dumating ang magulang nila. Pumunta din ang buong barkada.
"ano nangyari?" tanong bg magulang niya yumuko lang ako at yinakap ako ni tita, umiiyak ako na parang batang inagawan ng candy.
"hindi ko po alam tita bigla na lang syang nawalan ng malay" sabi ko. Nakita ko naman ang panggigilid ng luha ni mae. Dumating ang doktor galing emergency room.
"who's the parent of the patient?" tanong ng doktor at sumama naman sina tita sa doctor. Naiwan kami ni mae habang umiiyak. Ilang sandali lang ay dumating sila tita habang umiiyak si tito naman ay inaalo si tita. Nakita ko ang pagngiti ni tita sa amin.
"okay naman na si Rence na stress lang at nahimatay buti naman daw ay naidala siya kasi kung hindi huli na ang lahat" sabi ni tita sabay punas sa mata niya. Dinala naman si rence sa ICU para mamonitor ang kalagayan niya.
"sofie umuwi ka muna, anong oras na 'to" sabi ni tita medyo gabi na rin at sinundo na ako ng mga tauhan ni dad.
"sige po babalik po ako dito bukas" sabi ko. Tumango naman si tita at nakipag beso umuwi na ko kasama ang barkada.
Si mika naman tumunog ang cellphone medyo umubo pa sya ng konti at saka sinagot ang cellphone.
"hey babe, bakit gising ka pa?" tanong niya at nakita namin na nagbago ang reaksyon niya.
"ano? Nakakaloka ka talaga! Shet naman kasi! Huwag kang aalis dyan kundi sasabunutan kita" sabi niya at sinenyasan niya ako na ihinto sa tabi ang sasakyan kaya naman pinahinto ko sa driver ko.
"tatanggalan ko talaga ng tingle 'yong babaeng 'yon" inis na sabi niya at nagmamadaling sumakay bg taxi. Ano naman kaya ang nangyari doon?
Ibinaba muna namin si ia sa bahay niya. Sila charles and quim may dala silang sasakyan kaya ang dalawa lang ang sumabay sa akin. Nakakainis naman kasi ano ba nangyari kay rence at bigla na lang nahimatay?
Dumiretso ako sa kuwarto at doon umiyak hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako, nag-ayos at pumunta agad ako sa hospital nakita ko naman na si rence na medyo maputla habang kumakain ng lugaw. Sinusubuan s'ya ni mae 'siguraduhin mo lang at baka tadyakan kita' napangiti ako dahil parang nanay si mae kung pagsabihab si rence
"Rence" sabi ko hindi mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya at natawa pa si mae sa akin.
"hey bitch look at your feet" sabi ni mae pagkatingin ko ay magkaiba pala ang naisuot konh tsinelas sa kakamadali kong makapunta sa ospital.
"huwag mo kong pag-alalahanin ng ganun" sabi ko kay rence at yinakap.
"rence sabihin mo na" sabi ni mae kay rence habang masamang nakatingin dito.
"mamaya makakalabas na daw ako dito" nakangiting sabi ni rence medyo pinagpapawisan sta kaya naman pinunasan ko iyon.
"hindi iyan 'yong isa pa" may pagbabanta na sabi ni mae. Nakita kong humugot ng isang malalim na buntong hininga si rence.
"iwan mo nga muna kami" sabi ni rence kay mae na siya namang pinagtaka ko. Si mae naman ay sumunod lang kay rence at iniwan na nga kami.
"tara dito" sabi niya sakin at medyo umusog sya so nahiga ako sa tabi niya.
"ella ko, sorry" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman kong nabasa ang damit ko kaya naman medyo kinakabahan na ko.
"after grad pupunta akong US at doon mag-aaral hindi ko alam kung kailan ako makakauwi" sabi niya sa akin at ito na naman kami aalis ulit siya, parang may bombang sumabog sa kalooban ko. Di ako makapag react.
"ahh" wala akong masabi at naiiyak na rin ako.
"I-iwan mo na naman ako" sabi ko nakita ko ang pagkagulat niya kasi nakangiti ako pero alam kong iba ang sinasabi ng mata ko.
"hindi" sagot niya at ramdam ko ang pangangatog ko.
"Eh ano? Aalis ka tapos hindi mo ko iiwan? Ano tawag mo dun? Rence naman napapagod na ko. Maghihintay na naman ba ko? Ito na ohh. Nandito ka na, nandito ako... masaya na tayo pero ano? Iiwan mo-"
"Maghiwalay na tayo"
Tatlong salita na nagpatigil sa pag-inog ng mundo ko.
-----------------
A/N:
Parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinusulat to 😂😂
Kung ano kasi maisipan ko 'yon din tiinitipa ko so miski ako mismo di ko pa alam kung ano talaga ang kahihinatnan nito.
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Teen Fictionsi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...