CP VS. CP Chapter**
Sofie's Pov Saturday na ngayon, at ngayon din ang date kuno namim ng pinsan kong ugok. Pshh. Kung siguro hindi ko kabisado ugali ng pinsan kong yun ehh nabatukan ko na sya. Halata namang may pinapaselos lang nya si rence, pshhhh mukhang epektib! Nagseselos na yata si rence. Ehh syempre bantay sarado ako kay mae, hindi nila ako pinapalapit dun sa pinsan ko. Syempre kunwari walang alam, pero yung totoo halata naman ehh. Nakaayos na ko, naka simple dress lang ako pagbaba ko ng van bigla nalang may tumakip sa ilong ko. At nawala ako sa ulirat.
Nagising ako na nasa loob ng isang kotse nagulat ako nung makita ko si rence na nagdadrive nito.
"Bakit ako nandito?,please stop this f*ck*ng car" sabi ko. Oo alam kong nagseselos sya, alam ko na parehas na kami ng nararamdaman pero, hindi parin maalis ang katotohanang parehas lang kaming nasasaktan sa sitwasyon ngayon. Siguro kailangan muna namin ng SPACE.
"No" malamig na sabi nya, sa ginagawa nya parehas lang kaming nasasaktan!
"Please rence, pagod na ko" sabi ko.
"Tang*na naman sofie!" Sigaw nya tsaka hininto yung sasakyan sa gilid. Bubuksan ko na yung pinto kaso ayaw mabuksan.
"Rence, please let me go, pagod na pagod na talaga ko. Ayoko na." Pagsabi ko nun tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan kaso nagulat ako nung makita ko na may namumuong likido sa mga mata ng taong nasa harap ko.
"Sofie, sa tingin mo ba hindi ako nahihirapan?! Tang*nang yan! Letting you go is not my option, I can grant all your wishes sofie, but not this one. Sorry sofie. I cant let you go" sabi nya tsaka tumulo ang luha nya, agad nya naman itong pinunasan at tinuloy ang pagmamaneho.
Umiyak lang ako hanggang sa makatulog. Nagising ako nang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni rence. Agad naman akong napatuwid sa pag upo. Nagulat ako kasi hinatak nya ko at niyakap.
"Kunwari okey tayo, kunwari walang mikaella, kunwari hindi tayo nasaktan, kunwari ikaw lang ako. Kahit isang araw lang sofie. Wag kang mag-alala bukas uuwi din tayo agad" sabi nya at umalis.
Kaso rence, KUNWARI LANG ANG LAHAT. HINDI TOTOONG IKAW LANG AT AKO.
Agad akong pumasok sa bahay na pinuntahan namin. Nagulat ako kaai niyakap ako ni rence.
"Babe" sabi nya, ganto sya nung panahong kami pa. Nung panahong walang EKSTRA. Yung kami lang.
"Isang araw lang naman diba, isang araw lang" sabi ko, alam kong alam nya ang ibig kong sabihin. Sa isang araw na toh. Pagbibigyan ko muna ang nararamdaman ko.
"Nagbago na isip ko. Ayoko magkunwari kasi itong nararamdaman ko TOTOONG TOTOO PARA SAYO" sabi nya.
Tang*na! Kinilig ako dun. Hinatak nya ko sa sofa.
"May sasabihin ako sayo" sabi nya
"Ano naman yun?!" Sabi ko.
"Si mikaella, wala saming namamagitan. Tinutulungan nya lang ako para mapaghiwalay kayo nung nanliligaw sayo. Nung una oo napagkamalan ko sya, ginawa nya yun para magkahiwalay tayo, kaso biglang umekstra yung lalaking nangliligaw sayo. Dun ko rin narealize na MAHAL KITA, SOBRA" sabi nya habang umiiyak.
Natawa naman ako dun as in!
Tapos niyakap ko sya. Kailangan pang pagselosin bago bumigay tong lalaking toh!
"Pinsan ko yun! Kaya never kong naging manliligaw yun! Baliw" sabi ko.
Napatulala naman sya, priceless!
"Tang*na!" Sabi nya tsaka nya ko hinatak at hinalikan.
Yup we kissed like there is no tomorrow. We exchange our love together, nakalimot kami sa hangganan ng isa't isa at tinungo ang isang paraisong kami lang ang nakakaaam.
Nagising ako kasi may mabigat na nakadantay sakin. Pagtingin ko kung sino si rence, naiyak ako tanga mo sofie! Bakit ka bumigay. Nagulat ako kasi yinakap nya ko.
"Nagsisisi ka ba?" Tanong ni rence.
Dinama ko ang puso ko kung may bahid ng pagsisisi sa ginawa namin ang kaso hindi naman pagsisisi yung nararamdaman ko kundi panghihinayang oo syempre babae ako nanghihinayang ako sa virginity ko pero kung sa nagsisisi ako na kay rence ko binigay.
Hindi ako nagsisisi.
"masakit ba?" Tanong nya napatango lang ako. Masakit talaga lalo na yung balakang ko.
Nagulat ako kasi tumayo sya.
"Reeenceeee naman!" Sigaw ko sabay talakbong ng kumot. Wala kasi syang suot misli brief.
Tanging pagtawa nya lang ang aking narinig.
"Bababa na ko magbihis kana, dito kalang hayaan mong pagsilbihan ko ang aking reyna" sabi nya.
Nakuuu! Mababatukan ko toh.
Kahit masakit pinilit kong gumalaw, nagayos ako ng sarali. Saktong paglabas ko ng banyo nakita ko si rence namay dalang itlog, bacon, tsaka fried rice tapos may hot chocolate pa! NAks naman!
"Pagtapos mong kumain aalis na tayo, aayusin natin toh." Sabi nya, napatango naman ako.
Sana nga rence maayos natin toh.
Pagkatapos kong kumain umalis na kami habang nasa sasakyan kami tinawagan ko si kenneth.
"Hello kenneth, kita tayo sa bahay" sabi ko.
"No need, kasama mo ngayon si rence diba paki loud speaker nga" sabi nya ginawa ko naman ang sinabi nya.
"Rence congratulations nakapasa ka sa pagsubok ko, saktan mo ang pinsan ko at papatayin kitang hayup ka! Sigeh babye na mamaya na yung flight ko pabalik ng U.S " sabi nya tsaka inend yung call.
Nagulat ako kasi hindi sa bahay ang punta namin kundi sa bahay nila mika?? Ano kayang meron.
Pagdoorbell namin pinagbuksan kami ni mika, para syang papatay ng tao.
"Si mikaella?" Tanong ni rence biglang nagpanting yung tenga ko.
"Uuwi na ko" sabi ko pero hinawaka nya lang yung kamay ko.
"Stay, we need to settle this" sabi ni rence. Tsaka hinatak papasok sa loob.
"Si mikaella?" Tanong ulit ni rence kay mika.
"Wala dito kapatid ko, pasensya na sa nagawa nya. Ito pinabibigay nya" sabay abot ng sulat.
"Nasaan sya?" Tanong ko.
"Sa lugar na walang kenneth, sa lugar kung saan hinding hindi pagtatagpuin anv landas nilang dalawa" sabi ni mika.
"Huh? Saan nga?" Tanong ko ulit.
"Sa langit"
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Fiksi Remajasi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...