chapter 51

574 28 0
                                    

Rence Pov

Nasa labas ako ng gate nila sa school. Sakto labasan na ng mga estudyante. Lalabas na ako ng kotse nang makita ko si sofie at may lumapit sakanyang lalaki at inakbayan sya. Napahigpit ang kapit ko sa manibela ng kotse naiinis ako! Gusto kong sagasaan ung lalaki, pugutan ng ulo. Inuntog ko ang ulo ko sa manibela. Sino naman kaya yung lalaki nayun?! Nagulat naman ako kasi tumunog ang cellphone ko nakita ko si mikaella. Haist ano naman kayang kailangan nitoh?

"Hello, ba't ka napatawag?" Tanong ko.

"Diba sabi ko sayo ilayo mo sya sa lalaking yun?! Kay kenneth! Bat si kenneth ang sumundo sa kanya! Ano ba yan simpleng instruction na lang hindi mo pa masunod! Pano kayo magkakaayos nyan huh?! Tinutulungan na nga kita. Gawin mo yung sinasabi ko sayo at gagawin ko ang lahat para magkaayos kayo" inis na sabi nya. So yun pala yung kenneth? Tsk mas gwapo naman ako dihamak dun!

"Sigeh" malamig na sabi ko at pinatay ko yung phone Pustpa napaka bratinela naman pala nun!

Makapag mall na nga muna may bibilhin pa pala ako dun. Nung karating ako sa mall agad akong pumunta sa penshoppe para bumili ng pabango. Nagulat ako kasi nung pagdaan ko sa isang fast food chain nakita ko si sofie sinusubuan nung kenneth na yun! Agad agad akong lumapit sa kanila.

Walang sinoman ang pwede subuan si sofie AKO LANG!

Hinatak ko sya palabas ng mall nakakainis! Lalo na parang gusto nya na sinusubuan sya.

"Rence! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw nya hanggang sa makarating kami sa parking lot wala na kong paki. Binuksan ko ang pintuan.

"Sumakay ka" malamig na sabi ko, hindi sya gumalaw nakatingin lang saakin.

"Sakay!" Sigaw ko nanggigilid na ang mga luha nya.

*pak*

"Bakit mo ginawa yun?! Ano trip mo lang! Putang*na mo rence gago ka! Ano hindi pa ba sapat na nasaktan mo nako?! Ano bang gusto mo! Maging miserable ako?! At pwede ba HUWAG KA NG MAGPAKITA KAHIT KAILAN I HATE YOU!" sigaw nya. At umalis

Napatulala na lang ako.

Huli na ba ako?

Ang sakit!

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang sakit sakit.

"Oh" nakita ko yung kamay na may hawak ng panyo pagtingin ko si mikaella mukhang galing din sa iyak medyo basa din ang pilik mata nya. Kinuha ko ang panyo at umiyak. Nagulat ako sa ginawa nya dahil niyakap nya ko.

"Matatapos din ang lahat rence. Pinapangako ko magkakaayos din kayo" sabi nya wala na kong nagawa kung umiyak sa balikat nya. Nagulat din ako kasi medyo basa na ang balikat ko.

Dun ko napagtanto na umiiyak din pala si mikaella, hindi lang pala ako ang nasasaktan. Salamat na din kasi nandyan sya.

Sofie's Pov

Dumaan na ang isang linggo at napapayag ako ni kenneth sa larong sinasabi nya. Ang sabi nya pa magkakaayos kami ni rence kapag pumayag ako sa larong gusto nya. Malalaman daw namin kung may nararamdaman din si rence saakin. At sobrang kulit nya kasi sabi nya sya daw susundo saakin sa school palabas na ako ng school nung makita ko sya at inakbayan nga ko. Nakita ko naman ang isang pamilyar na kotse

Mukhang kotse ni rence. Pshh assumingera na naman ako. Tsaka anong gagawin dito ni rence? Di ko naman makita yung loob dahil tinted yung kotse. Hayaan mo na ngayan

Nasa loob kami ng sasakyan nang mapagdesisyunan namin na kumain sa mall. Syempre libre ni kenneth. Hahahaha.

Nagulat ako kasi biglang naging sweet si kenneth. Sinusubuan nya ko hahaha baliw talaga. Nagulat na lang ako ng may humatak saakin.

Pagtingin ko si rence. Nakakainis!

" rence ano ba bitawan mo nga ako!" Sigaw ko. Nakakainis ano ba, suko na ko. Nung nakaraan galit sya kasi ginugulo ko sya tapos ngayon? Hindi ko naman sya ginugulo bakit mukhang galit sya?! Ano ba di ko na sya maintindihan!

Dinala nya ko sa parking lot. At pinilit nyang pasakayin sa kotse nya. Wala na, napuno na nya ko. Wala naman na kong ginawa sa kanya bat kailangan pinapahirapan nya pa ako?!

Nakakainis namab kasi ehh!

Naluluha na ko kasi galit na galit sya. Kitang kita ko na nasasaktan sya.  Bakit ako ba nakita nya na nasasaktan din ako?!

"Bakit mo ginawa yun?! Ano trip mo lang! Putang*na mo rence gago ka! Ano hindi pa ba sapat na nasaktan mo nako?! Ano bang gusto mo! Maging miserable ako?! At pwede ba HUWAG KA NG MAGPAKITA KAHIT KAILAN I HATE YOU!" Wala na hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit na kasi ehh.

Umalis na ko, bawat hakbang na ginagawa ko bumibigat ang nararamdaman ko at bawat hakbang umaagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tama ba ang ginawa ko?

Mukhang napasobra yata.

Tumigil ako at huminga ng malalim. At babalikan ko na sana si rence.

Kaso mukhang huli na ang lahat.

Umiiyak sya sa balikat ng iba. Para akong sinaksak ng paulit ulit. At ngayon umiiyak na ko nakayuko lang tinitiis ang lahat ng sakit. May naramdaman akong nakahawak sa ulo ko pagtingin ko si kenneth. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao nya at pag tagis ng bagang nya.

"Tara na" sabi nya ng hindi tinatanggal ang kamay nya sa ulo ko. tumalikod ako at dahan dahang naglalakad palayo habang umiiyak ng tahimik.

Ang hirap lumunok.

Agos lang ng agos ang mga tubig sa mata ko.

Ang hirap huminga.

Masyado ng masakit.

AYOKO na.

TAMA na.

----------

Hooooo! WALANG FOREVER!

#hugot.

Hahaha.

Epilogue na next dito.

Joke keme lang!

Konting kembot pa!

Hahahaha.

Matatapos ko din toh!

Bahala na kayo kung magvovote or comment kayo.

Hahahaha...  ciao.

Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon