Author's Note:
So patapos na 'to, isang update pa at epilogue na. Hahaha.
Bago ako magsulat ng epilogue ieedit ko muna ng bongga itong story na to.****************
RENCE POV"ANONG MAGHIWALAY?! WALANG MAGHIHIWALAY RENCE!" sigaw ni sofie kita ko ang sakit sa mata niya, mga bata pa nga kami kaya ayan s'ya pustahang magwawala siya.
"Diba gan'on din naman, iiwan kamo kita pero ngayon pa lang para di na kita iwan ay... Bibitawan na kita" parang may gumuhit sa lalamunan ko sa mga sinabi ko. Mas masakit para sa akin dahil magkakahiwalay na nga kami nakikita ko pa siyang nasasaktan.
"please naman rence. Huwag mo kong bitawan... Ano bang gusto mo?" nagmamakaawa siya sa harap ko at hinawakan ang osa kong kamay, ramdam ko ang pagpisil niya rito na para bang ito na ang buhay niya.
"hindi na ko magpapasaway"
"lagi na kitang susundin"
"hindi na ko aarte ng kung ano-ano"
"wala naman ng lalaki sa buhay ko ikaw lang"
"please naman... Gusto mo ba mag-aral kong mabuti?"
"mag-aaral ako panga-
"HINDI KITA MAHAL" pagpuputol ko sa kanya. Siguro nga'y napakagaling kong umarte ngayon na para bang hindi ko na talaga siya mahal. Kung pwede ko lang bawiin ang salitang binitawan ko.
Kung pwede lang...
"No! Mahal mo ko! Ramdam ko na mahal mo ko. Huwag ka namang magsinungaling-
"Sofie" tawag ko sa kanya at kinulong ko ang kanyang mukha. Kitang-kita ko ang bawat pagpatak ng kanyang luha. Bawat patak ay siyang pigil ko sa aking sarili para punasan ito. Bawat patak na parang punyal na tumatarak saking dibdib.
MASAKIT...
SOBRANG SAKIT...
"Makinig ka sakin, hindi na kita mahal. Huwag mo na akong hintayin pa. Kamuhian mo ko. Simula ngayon ilibing mo na ang ala-ala nating dalawa at kalimutan mo na 'ko. Ayaw na kitang makita kahit kailan" sabi ko na siya namang iyak niya. Nakaramdam ako ng pananakit sa aking pisngi, sinampal ako ni sofie ng pagkalakas-lakas.
"walanghiya ka. Sana maging masaya ka sa ginawa mo ngayon. Sana pala hindi na kita hinintay, sana pala hindi na kita nakilala. NAGSISISI AKONG BINIGAY KO ANG LAHAT SAYONG HUDAS KA!" sigaw niya tiyaka siya tumakbo, sa pagkawala niya sa paningin ko ay siya naman pag-agos ng luha ko.
WALA NA.
Wala na ang babaeng minahal ko ng sobra, ang babaeng sinabi kong hindi ko sasaktan kailanman, ang babaeng inibig ko ng lubusan... WALA NA
"Ang tanga mo rence" sabi ko sa sarili ko sabay pukpok sa ulo ko.
"Ang tanga-tanga mo" kapos hiningabg sabi ko, walang patid na paghikbi ang nagawa ko.
"kuya" sabi ni mae tiyaka ako yinakap pero ang buong kalamnan ko ay hindi pa rin matapos sa panginginig dahil sa pag-iyak. Nakita ko na medyo kulay pula ang pisngi ni mae.
"sinampal ka rin niya?" tanong ko tumango siya.
"hindi siya si sofie kung hindi niya ko sasaktan" sabi ni mae sa akin.
"ano? Kamusta na kayo? Alam kong nagalit siya kasi nilihim natin ang kundisyon mo-
"naghiwalay kami" sabi ko na nagpatigil kay mae. Masakit pa ring tanggapin na sa dulo magkakahiwalay din pala kaming dalawa.
"ano?! Hindi niya naiintindihan ang-
"NAKIPAGHIWALAY AKO SA KANYA! WALA SIYANG ALAM SA KUNDISYON KO AT WALA SIYANG MALALAMAN NAIINTINDIHAN MO" sigaw ko na nagpahinto kay mae. Ang lahat ng nangyayari sa akin ay bigla kong naalala.
Nag-umpisa ang lahat sa pananakit ng ulo ko at pagkahilo. Akala ko nung una ay wala lang kaya isinantabi ko ang pananakit na iyon hanggang sa isang gabi sumobra na ang sakit at hindi ako makatulog kaya naman napagdesisyunan namin ni mae na pumunt sa doktor para magpacheck up. Nagsagawa sila ng ilang mga laboratory test tapos pinauwi na kami balikan na lang daw after 1 week. Pagkabalik namin pinatawag kami ng doktor may sasabihin daw based sa resulta.
"we condected CT scan then based on your CT scan, there is a tumor on the lower left side of the brain. The size of the tumor is smaller thab the pimpong ball" sabi ng doctor. Nagtanong pa ko sa ilang doktor para sa kanilang opinion kaso iisa lang ang kanilang sinabi.
Pinaalam ko na iyon sa magulang ko, hindi naman daw malala ang tumor ko sa utak para maging cancer ito ang problema nga lang daw ay kapag inoperahan ako dahil baka hindi na ko makaalala pa. Kaya naman pupunta akong U.S para magpaopera.
Napagdesisyonan ko na makipaghiwalay kay sofie dahil baka hindi ko na sya maalala pa na alam kong masakit para sa kanya. Ayokong masaktan siya dahil alam kong bawat araw pilit niyang ipapaalala kung sino siya sa buhay ko na unting unting makakasakit sa kanya dahil wala na akong pag-asang makaalala pa.
"si-sigurado ka ba sa ginawa mo?" tanong ni mae sa akin. Tumango lang ako. Wala naman na kong magagawa hiwalay naman na kaming dalawa.
*****
SOFIETumakbo ako papalabas ng hospital. Nasampal ko si mae, yun ba ang dapat sabihin ni rence sa akin na hiwalayan ako? Hindi pa man ako nakakalabas ng hospital ay natumba na ako at nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko nandun na sila mommy at mika. Wala si mae, malamang sofie sinampal mo nga diba?
"Mom" sabi ki at napaiyak ako si mommy ay naiyak na din si mika ay mukhang na shock.
"mag-iingat ka na ngayon anak" sabi ni mom sa kin napatango naman ako.
"lalo pa't buntis ka"
Hindi ako makareact sa sinabi ni mom.
"3 weeks anak" sabi sa kin ni mom na nagpaiyak sa akin. Kung mamalasin nga naman.
"Tanginang rence yan. Nadepositan ka pa ahh. Sana ako muna inuna niya" sabi ni mika sa akin na ikinaiyak ko.
"ay ang loka! Tears of joy lang bakla!" pilosopong sabi ni mika umiling ako.
"h-hiwalay na kaminh dalawa" sabi ko na nagpahinto sa kanilang lahat.
"sana huwag na nilang malaman na buntis ako. Kahit sinong may koneksyon kay rence. Bubuhayin ko ko ang anak ko" sabi ko habang umiiyak. Tama lang sofie, dahil simula nung pinutol niya ang relasyon niyo pinutol niya na rin ang koneksyon sa batang nasa sinapupunan mo.
Anak ko lang siya.
Akin lang.
BINABASA MO ANG
Casanova prince VS Casanova princess (Completed/Unedited)
Teen Fictionsi SOFIE ay isang babaeng CASANOVA dahil sa isang lalaking AKALA nya HINDI SYA BINALIKAN PERO PANO KUNG........ pinagtagpo na sila nang TADHANA ang kaso sila ang TATANGATANGA!! anu na kayang mangyayari sa kanila? mahahanap ba nila ang isa't isa o t...