𝑝𝑟𝑜𝑙𝑜𝑔𝑢𝑒
Ayoko na. I want to leave this place as soon as possible, but why? Dahil lang sa nalaman kung pupunta din siya dito ay aalis na ako agad.
I don't have a choice but to stay, ayoko naman maging bastos at umalis sa party ni Arien.
Ang pag kakaalam ko'y double party na rin ito dahil sa engage na siya sa girl friend niya, I hope they don't regret it. Madali ang pag papakasal.... at mahirap ang pakikipag hiwalay.
Hinihintay ko pa rin ang pirma niya sa annulment papers namin. And why do I sound hopeful that he wouldn't sign it? Sana ay pirmahan niya na nga ito, para mapag simula na ako... I feel that I'm lost.
Nag lalakad muna ako dito, kinakamusta ang iba kung kilala. And they look all so happy, in a relationship, dating... married.
'So, you're still with him right?'
Bakit ba ganon na lamang ang tanong sa akin, tila di sila makapaniwala na hiwalay na kaming dalawa. Na para bang maling nangyari ito, at dapat ay di kami nag hiwalay.
Yes, it's a mutual decision. And I hate it and love it at the same time, noong una ay sinubukan naming isalba ang relasyon namin. My family and my friends know how much I tried to save our marriage. Pero hindi na talaga.
Hindi na kinaya ng cool off. At pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Siya ang pahinga ko, siya ang lakas ko...noon.
At bakit ba siya ang iniisip ko ngayon? I should think of something else right!
Nakakaramdam na ako ng kalasingan ngunit di naman ako lasing na lasing, kung baga ay may tama na ako ng kaunti. Ganon lang.
Kaya naman pinag masdan ko ang paligid ko, ang mga frames, flower vase, wine glasses, at kung ano ano pa,
...pati yung lalakig naka-suit na nag lalakad papalapit sa akin at kunot na kunot pa ang noo at tinapik pa ang balikat ko.
"Tifanny, tara samahan mo ko! Dali!" Ani Rico, tawa ako. Siguro ay ipapakita niya sa akin yung bagong picture na pinost ng ex-gf niya na si Mapple.
"Wag ngayon, Rico, medyo lasing na ako! Ba't di mo na lang i-text yang si Mapple ng di ka na puro screen shot ng mga post niya" ani ko at napa-kamot na lamang siya ng ulo.
"Ipapakilala ko sayo yung fiance ni Arien! Nakita ko na, Hanie pangalan" aniya kaya naman tumayo na ako para sumama sa kanya.
Di ko pa nakikita ang fiance ni Arien pero ito na, makikilala ko na ang babaeng nag pa-iyak sa baby boy namin! Maganda siguro siya.
Nakangiti lamang ako para naman maganda ang first impresion niya sa akin, since parang kapatid ko na si Arien at minsa'y mag kikita na kami. Tinawag na ito Rico, pero...
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mga malabi ng siya ang dumating... may kasama siyang babae na todo ang ngiti sa akin at kay Rico. He got a date.
"Rico, siya na yon?" Excited na tanong ng babae, di ko ito pinansin dahil sa pag ti-ti-tigan namin ng lalaking ito.
I heard Rico chuckle, kaya naman napatingin na ako sa kanya. "Oo, medyo lasing lang kanina pa to umiinom e. May gusto atang kalimutan" he joked kaya naman pinisil ko ang kamay niya at tinawanan niya lang ako.
"Tifanny, this is Hanie, Arien's fiance" nalalag ang panga ko ng sabihin ng dating kong asawa sa akin. Seryosong seryoso.
Tinignan ko ang babae at nakipag kamay sa kanya, "I'm really sorry, Hanie, right?" Tumango ito, mukhang mabait at napaka ganda nga.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba?
Romancesynopsis At the engagement party, Tifanny Maxine Coquangco is invited by the celebrant, his friend. But she doesn't expect to see her ex-husband, Ichiro, at the party, which triggered her so much. Because of that, she ran away from the party and de...