w a k a s

88 23 0
                                    

Tell me love is true even when you're alone; I love you, mama and Papa; I love you, po.

"Ichiro," tawag ni tita sa akin at simula ngayon ay sa kanila na ako tita, my parents are the most precious thing in my life yet they left because of an accident.

Mag aaral ako ngayon sa BNHS pero wala akong kaibigan dito, ang mga kaibigan ko'y nasa laguna pa at wala na akong contact sa kanila. Mag aaral lang dapat, Ichiro, pero itong babae nakita kong nag lalakad papasok ng school. She's pretty like an Lily, like a beautiful fairy that got me easyly seduced by her beauty. Tumingin pa nga sa direksyon ko at...

Halos hindi naman ako makagalaw, naistatwa ako at nakita kong sumulyap pa itong ulit habang nakangiti. Miss tama na bata pa tayo.

Joke lang! Tingin ka ulit titignan ko ID mo, sumulyap itong ulit at doon ay nakita ko ang pangalan niya sa ID at name tag na suot niya, Tifanny Maxine Mariano. Nice name love hahanapin kita.

Hindi ko naman ito nakita ng ilang araw, sayang talaga at ang ganda niya. Mrs. Vira teacher namin ngayon ay inutusan kaming mag linis ng hallway kasi kanina nahuli kami ng pag pasok sa time niya at dumaan pa kami sa mga room ng mga crush nina Rico't Arien at nadamay pa nga ako!

Pero kung ang makikita ko naman ay ang babaeng ito ulit ay hindi na ako mag rereklamo.

"Kuya! Ang pogi niyo anong pangalan niyo?" Tanong ng babae na nakatingin pa sa akin habang katabi si Tifanny na tila nahihiya.

Ngumisi naman ang katabi ko, "Ichiro, Ichiro Coquangco pangalan niya!" Nakangiting ani naman ni Rico.

"Hello," ani ko. NAKAKAHIYA! Lupa bumuka ka at lamunin mo ko! Aahhhh~

Ngumiti naman ito kaya nawala ang hiya na naramdaman ko, "Tara na may ginagawa pa sila oh mamaya na at huwag na nating istorbohin pa," aniya.

Ano ba baby pag ikaw okay lang kahit mag tapon ka pa sa harap ko ako ang mag s-sorry.

"Okay lang," tipid kong ani ng hindi mapansing kinikilig na ako. Umiling naman ito at umalis pa rin pero tumingin pa ito bago umalis kaya napangiti naman ako, "Rico, crush ko 'yon 'wag mong sulutin at nako FO na tayo," banta ko naman kay Rico.

Ngumisi naman ito at tumango, "Pre may bebe na ako hindi ko na ipag papalit iyon at ikakasal lang iyon sa akin pag hindi..." hinintay ko pa ang sagot ng b*gok, "Edi don't bebe ko pa rin naman siya e iyak na lang ako pag nanlalaki," aniya. Natawa naman ito at alam ko naman na mahal niya si Mapple at ito na.

Papauwi na rin ako ng makita ko si Tifanny na may pinapakain na pusa kuting pa nga ito at kulay orange, lumapit naman din ako at kinuha ang natirang manok sa baon ko kanina.

Kitang hindi niya inaasahan na lalapit ako, ngumiti ako, "Sa'yo ba yung pusa?" Tanong ko.

Umiling ito, "Pinapakain ko lang at nakakaawa kasi baby pa, ang mama niya yung pusa na nandoon sa loob ng school." Aniya.

Eh? Buntis na ulit 'yun e, sipag ah.

"Pinangalanan mo na ba yung pusa?"

Agad naman itong umiling, "Babae kasi ito at hindi ko rin naman balak ampunin dahil papagalitan ako pag nag dala ako ng hayop sa bahay namin at hindi ko rin naman maalalagaan kaya pinapakain ko ito,"

Napatingin ako doon sa mukha ng pusa at kulay orange ito, "Kung tiger kaya?" Tiger boom!

Pagil naman ang tawa nito kaya napangiwi, "Ayaw mo? Ano ba maganda?" Tanong ko naman sa kanya at napaisip at habang nag iisip siya ay binibigyan niya ng cat food iyong pusa na meow ng meow ito.

"Kung ano na lang kaya...Ming-ming," aniya.

Tumango ako at napangiwi, ang tagal pa niyang nag isip tapos ming-ming din pala. Haha, cute.

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon