Kabanata 16

59 21 0
                                    

Fast. Like time, if we're enjoying it the time is faster. And if not, the time felt forever. Kaya naman hindi ko alam kung anong tamang maramdaman ngayon, mahal ko si Ichiro, alam ko iyon. Mahal ko siya, pero napapaisip din ako, hindi ba ang bilis ng lahat?

Para bang may mali ako ginagawa, I feel like I am doing something wrong...or maybe, "Akala ko galit sa'yo si Ichiro," ani Katrina.

Napatingin ako sa kanya, "He never dated Inah, okay, pero ilang beses niyang sinabi na galit siya sa'yo. Noong nag kita kayo, akala ko napatawad ka na niya. Napatawad ka na niya, nililigawan ka na e" ani Katrina, nagalit si Ichiro?

"Nagalit sa akin si Ichiro?" Pag lilinaw ko.

Tumango siya, "Oo, sabi niya iniwan mo na naman daw siya. He said you didn't even ask kung kaya niya ba for the both of you, na sumama ka na kay Eren biglaan, kaya niya rin pinirmahan ang divorce papers dahil sa galit niya sa'yo," aniya.

"Roxanne, well, alam kong alam ni Ichiro na may gusto siya sa kanya. Hindi na lang pinansin ni Ichiro iyon dahil partners sila at noong mga time na iyon ay tinatayo pa ang kompanya," uminom siya ng kape, "Baliw 'yan si Roxanne kay Ichiro! Alam mo bang muntik na siyang ma-ospital ng dahil lang sa sinubukan niyang uminom ng maraming sleeping pills dahil hindi siya kinausap ni Ichiro ng dalawang araw?!" Pag kwento niya.

That Roxanne is down bad at him, hindi ko alam kung kakayanin ko ang babaeng ito. If she's that crazy over Ichiro na kaya niyang i-sakripisyo ang buhay niya ay kinakabahan ako.

Ichiro care for others like it's his family, lumaki siya sa lola niya kaya mapag mahal at malambing siyang talaga. Maalaga pa siya, kaya naman alam kong magiging mabuting ama siya kay Elli.

"Don't worry mukhang hindi kinaya ng karupukan ni Ichiro ang kagandahan mo, tignan mo, may alam pala siya kung saan kayo akala ko ay may trabahong ginagawa sa laguna ini-istalk ka pala!" Aniya na kinatawa ko, "Mahal ka pa rin ni Ichiro, for the past 8 years. Woah, I wish I could still have that" aniya.

Napangiwi ako, "What about Jacob? Wala na ba talaga?" Tanong ko sa kanya, tumingin siyang para bang may mali akong sinabi.

"Alam mo naman na hindi kami nag work dahil sa wala na kaming spark hindi ba" aniya. Tinignan ko siya, nag tatanong gamit ng mga mata ng 'mahal mo pa ba?', huminga siya ng malalim, "Mahal ko pa rin siya. But it doesn't matter now, wala na kami" dagdag niya pa.

"Bakit ka ba nakipag hiwalay?" Tanong ko, "You're so inlove kay Jacob tapos sa sabihin mong nakipag hiwalay ka na one day" ani ko.

"Because I feel like he wouldn't marry me," umuko siya, "We are in a relationship for 10 years, 10 years! Tifanny, 10 years and he still doesn't propose. Pakiramdam ko'y iiwan niya rin ako at mag papakasal pag katapos kaya inunahan ko na," aniya, "He had 10 years to propose, to marry me, pero hindi. Matatanda na tayo, nauna ka na nga sa akin, nag hiwalay na nga kayo at lahat ay para bang manhid siya. Gusto ko ng ikasal, Tifanny. 37 na ako no'n, gusto ko ng mag ka-pamilya." Aniya naiiyak.

"Mahal ko naman siya, pero naisip kong ayoko namang tumandang dalaga. Pero hindi rin ako nakapag hanap ng iba kasi mahal ko pa rin siya," ani Katrina.

Lumapit ako para yakapin siya, "Sinabi niya ba sa'yo kung bakit?" Tanong ko.

Umiling siya, "Hayaan mo na, masaya na ako sa mga halaman ko sa bahay. Magiging rich tita na lang ako ni Elli," aniya habang natatawa pero pinupunasan ang luha sa mata.

Kumakain kasi kami sa isang cafe habang nag uusap ng may nag ring sa phone ko. Nag text pala si Ichiro, ng buksan ko ay hindi ko naiwasan mamula ng dahil doon. Napansin iyon ni Katrina, "Ano na naman 'yan kinikilig ka na nanan!" Aniya natatawa.

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon