Kabanata 6

73 26 0
                                    

"Promises is the sweetest lie, so don't just say it. Do it," ani Ichiro sa akin habang tinatanong niya ako kung joke lang ba yung sinabi ko kanina.

"Oo nga! Kulit mo naman, bawiin ko kaya?!" Ani ko at humigpit ang kayap niya sa akin.

Umiling siya na parang bata, "Wag po," ani at nagpapa-cute.

Dang, hindi ko rin alam bakit at paano ko nakalimutan na ganito nga pala ang asawa ko. Ichiro is nonchalant with he's friends pero pag dating sa akin ang OA niya!

"Wag~~" aniya habang sinisiksik ang katawan niya sa bedside ko, baka mahulog ako!

Agad ko siyang pinalo para tumigil, "Stop na, oo na. Hindi na nga, okay" ani ko at natatawa, tumingin siya sa akin at nakanguso.

"Ih, sabihin mo muna love mo ko" aniya at nakanguso parang nang hihingi ng kiss, "Say it," aniya.

"I love...me" ani ko at sumimangot siya.

Tatalikod na sana siya kaya naman alam kong mag papasuyo na to, "I love you, I love you...I love you Ichiro, I love you asawa ko" ani ko sa kanya.

Agad siyang lumingon habang nakangisi, "I love you too!" Aniya at niyakap ako.

Natataba ang puso ko, after months or almost a year I missed this. I miss this senario's na kahit ganito lang sapat na para sa akin, basta kasama ko siya.

"Tumayo ka na nga! Baka malate ka pa dahil sa'kin!" Natatawa kong ani para mag handa na siya dahil may pasok pa siya at hanggang ngayon ay nasa kama pa rin kami at nakapulupot siya sakin na parang sawa ayaw akong pakawalan.

Ipinikit niya ang mga mata, "No, ayoko. I want to hug you right now...mamaya na, mas mahalaga to kaysa sa—"

"Kaysa sa trabaho mo? Hindi tayo mayaman Ichiro!" Ani ko at tumawa.

"Ikaw lang, ako hindi" aniya at ngumisi na para bang nag yayabang. Inalog-alog ko siya para gumising at dinilat niya naman ang mga mata niya.

"Yabang!" Ani ko at tumawa lang rin siya, "Basta! May trabaho ka, dapat pasukan mo pa rin!" Dagdag ko.

"E, maiintindihan naman nila!" Aniya, "Happy wife, happy life" aniya pa at lalambing pa sana.

Umatras ako para di niya ako mayakap pa, tumayo na rin ako at papalabas na ng kuwarto. Narinig kong sinundan niya ako kaya naman binilisan ko na ang pag lalakad kahit na di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Nakarating ako sa kulungan ni Zeke, natuwa naman ako ng makitang ngising na ito at tuwang-tuwa na makita ako. I was about to open his cage ng buhatin ako ni Ichiro ng pa-bridal style.

"Hey! Let me down!" Ani ko sa kanya at nag babanta ngunit tila wala siyang naririnig at dire-diretsyo ang lakad papunta sa kusina.

"Ichiro!" Sigaw ko at sinulyapan niya lamang ako, ng makarating kami sa kusina ay inupo niya ako sa lamesa.

"Stay there." Aniya.

"Heh! Ayoko nga—"

"I said stay there, fine papasok na ko. Diyan ka lang mag luluto ako ng breakfast" aniya.

Tumigil ako at naupo na lamang doon habang ang dalawang paa ko ay winawasiwas sa hangin. Napapatingin siya sa akin dahil bored na ako.

"Malapit na 'to," aniya.

Tumango ako, "Buti naman" ani ko.

"'Di pa kumakain si Zeke!" Ani ko at ngumuso, nalusot ko para makaalis dito sa kusina.

Umiling-Iling siya, "He will eat after us, okay? Hintayin mo ng maluto to at ako na ang mag papakain" aniya.

Umiling din ako, "No, nakakawa kaya siya! Di mo ata pinapakain!" Ani ko.

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon