Sa parehong gabing iyon ay tumayo si Elli, "Saan ka pupunta ka?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko pong makita si papa bukas, siya ang tatanungin ko sa mga tanong sa isip ko. Baka sakaling masagot niya ako," ani Elli.
Ngumiti ako, tinatawag na niya ng papa si Ichiro. "Ano naman ang itatanong mo sa kanya?"
"Bakit hindi niya tayo hinanap,"
Natigikan ako sa tanong na iyon, dahil, dahil may punto siya sa itatanong niya. Kung may pakiramdam na siyang sa kanya si Elli noon ay bakit 'di niya kami hinanap? Bakit 'di niya ako kinompronta tungkol doon?
"Kasi sabi mo po alam niya, pero bakit niya tayo hinanap? May alam po ba kayong dahilan?"
"U-uh, kasi 'di ba dapat ikakasal si mama sa iba—"
"Pero sabi niyo po alam niyang hindi kayo makikiapid sa iba, hindi pa po kayo divorce noon at wala po kayong dahilan para mabuntis ng ibang lalaki" ani Elli, at ngayon nalulungkot na ako na may anak akong ganito katalino.
Ngumiti ako ng masakit-sakit, "Anak kasi, kasi...hindi ko rin alam" naluluha na ang mga mata ko dahil para lumapit si Elli at yakapin ako, "Gusto mo bang tawagan ang papa mo?" Tanong ko.
Tumango-tango siya at kinuha ang phone ko binigay niya ito sa akin, tinawagan ko na si Ichiro.
"Pero anak, anong oras na ha, alas dose na mamaya ay tulog na ang Daddy mo" ani ko, tinignan niya lamang ang phone ko at hinintay na sumagot si Ichiro. Wala pang ikang segundo ay sumagot na ito.
["Hello, Tifanny?"] Tanong niya.
"Mr. Coquangco," ani Elli.
["Oh! Hi, Darling. What is it?"] Halata sa boses na 'di pa siya nakakatulog.
"I'll just ask you po, kung pwede" ani Elli.
["Ano iyon?"] Tanong niya at nanlaki ang mata ko ng marinig ang engene ng sasakyan niya.
"Uhm, nasaan ka?" Tanong ko, napatingin tuloy sa akin si Elli.
["Nasa Jollibee ako malapit sa inyo, hindi ako makatulog kaya bumili ako ng marami"] aniya, madalas niya bang ginagawa 'yon?
"Pumunta na lang po kayo dito, kung okay lang po" ani Elli na kinalaki ng mata ko.
"Elli!" Bulong ko.
"Gusto mo rin pong malaman 'di ba po?"
"Pero..."
["Papunta na ako jan"] sagot ni Ichiro.
Tumahimik ng kaunti hanggang sa mag salita si Ichiro, ["Elli, kumakain ka ba ng spaghetti?"]
"Opo," sagot ni Elli.
["At ng cake?"]
"Kumakain rin po"
["At ng chocolates? Burger? Fries?"]
"Bakit po?"
["Tifanny, gising pa ba sina Tita?"] Tanong niya.
"Uhm, nanonood siguro sila ng movie, bakit?"
Nakarinig na lamang kami ng busina ng sasakyan, dali-dali kaming pumanta sa gate at pinag buksan siya ng pinto.
May dala siyang tatlong malalaking cake, at isang malaking balot ng jollibee at isang bucket, may dala siyang baloons at mga regalo. Halos mabitawan na nga niya ang iba.
"Ano yan?" Tanong ko at kinuha ang iba para buhatin, ng kunin ko iyon ay may kinuha pa siya sa sasakyan niyang mga regalo.
Sumilip si Elli, "Para saan po iyan?" Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba?
Romancesynopsis At the engagement party, Tifanny Maxine Coquangco is invited by the celebrant, his friend. But she doesn't expect to see her ex-husband, Ichiro, at the party, which triggered her so much. Because of that, she ran away from the party and de...