Kabanata 18

58 24 0
                                    

"I love you, I love you, baby," paulit-ulit na salitang naririnig ko habang nakahiga na kamang ito. Nakayakap siya sa akin habang kinahalikan ang ulo ko at binibigkas ang mga iyon.

Inaantok na ang mga mata ko, tumingala ako sa kanya at pinag masdan siya, "Tulog na tayo, Ichiro" ani ko sa kanya, at tumango naman siya.

Ngumiti siya, "What are we now? Tifanny?" Tanong niya habang yakap pa rin ako, tinatakluban kami ng kumot naming puti, "Tayo na ba ulit?" Tanong niya, at dahan-dahan akong tumango.

"Nag divorce lang tayo noon, pero ikaw pa rin ang asawa ko. Maybe we're not legal now pero kasal pa rin tayo, Ichiro" ani ko, nakangiti siya. "Kung ano mang nangyari ngayon...hindi ko ito itatangi, mahal kita at pumayag ako sa hiniling mo sa akin. But I just want to make it clear, si Elli pa lamang ang Coquangco ngayon" dagdag ko.

Tumango siya, "Susunod ka na, gagawin ulit kitang Coquangco, Tifanny," aniya.

Nakatulog na kaming dalawa dahil sa pagod, nagising ako ng may masakit na katawan, nasa tabi ko si Ichiro na mahimbing na natutulog. Inayos ko ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

Ang mukha niya, halos hindi nag bago. 8 years passed and he's still look like this, matangos ang ilong, may medyo makapal na kilay at ngayon ay tinutubukan na ng kaunting balbas ngunit hindi pa rin gano'n kahalata, malambot at mabulang labi, humaba na ng kaunti ang buhok niya hindi ganoong kahaba parang long hair talaga iyong mga hair style lang ni Jack sa Titanic. Kaya andami kong kaagaw sa'yo, sino ba naman kasing hindi mahuhulog?

Mag kayakap kaming dalawa, habang tinititigan ko siya ay bahagyang dumilat ang mga mata niya at doon ay nginitian ako.

"Good morning," aniya at hinalikan ang noo ko, "What do you want for breakfast?" Tanong niya.

Naupo na siya habang nakaharap sa akin, "Fried rice! And Bacon with longganisa!" Sagot ko. Natatakam kasi ako sa gano'n ngayon na nag tanong siya kung anong gusto ko.

"Ang aga mo namang mag lihi," aniya na kinakunot ng noo ko, pinalo ko ng bahagya ang braso niya at tumawa siya, "Huwag ka munang pumasok mamaya, ako na ang bahala, 'wag mong pilitin ang katawan mo" aniya

Tumango ako, nag bihis siya at inilagay sa tabi ko ang pang-tulog ko. "Are you going to take..."

"Yes. Sa susunod na ito, Ichiro, pag maayos na talaga ang lahat" ani ko sa kanya, tumango siya, pag labas niya at makalipas ang ilang minutong ay sinubukan ko ng mag bihis.

Sinubukan kong tumayo pero hindi na sanay ang katawan ko, lumabas ako at pumunta sa kuwarto ni Elli na katabi lamang ng kuwarto namin, tulog pa siya kaya ginising ko na at may pasok pa siya ngayon. Pag dilat niya ang nag good morning siya sa akin at hinila na akong palabas, wala naman siyang napansing kakaiba kaya nakahinga ako ng maluwag. Pag labas namin ay tumakbo siya kay Ichiro at niyakap ito.

"Good morning po!" Magiliw niyang bati, hinalikan ni Ichiro ang noo niya at sinabing umupo na siya. Naupo ako sa tabi ni Elli at tumango naman ako kay Ichiro na pa-sulyap-sulyap sa akin.

Nag pray muna kami bago kumain, nauna na kami dahil tulog pa sina Mama at Tita Liz, habang kumakain ay patingin-tingin sa akin si Elli kaya napatingin ako sa kanya at kunot-noong tinignan siya, "Mama, did you put something to your face?" Tanong niya, "Your glowing po, or more like blooming?" Dahilan para masamid ako, hindi ko alam na napansin niya! Sumulyap ako kay Ichiro na nag iwas tingin lang.

"Uhm, ano kasi..." hindi ako makasagot, hindi naman kasi normal sa akin mag sinungaling.

"Elli, kumain ka na," Ani Ichiro, "Masama ang pakiramdam ng mama mo, hindi siya makakapasok ngayon. Kumain ka na ako na ang mag hahatid sa'yo," ani Ichiro. Tumango-tango si Elli.

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon