"Are you done?" Tanong niya sa akin habang nag aayos siya ng mga gamit niya at dala na ang bulaklak na bibigay namin kay Summer.
Tumango ako, "Mauna ka na, susunod na 'ko." Ani ko, nakita ko ang pag aalangan niya pero lumabas pa rin aiya. Kinuha ko ang bag ko at dala ko ang isang garabon ng treats na gusto niya.
Summer wasn't our first child. Noong inampon ko siya ay dahil sa pangungulila ko sa pusa na namin noon, si Ming Ming.
Pero si Summer ang tinuring naming una talagang anak dahil siya yung inampon namin, si Ming ming kasi napulot namin sa labas at si Ichiro lang talaga ang nag aalaga sa kanya dahil tumatakas lang ako kayla lola noon para makipag kita sa kanya.
Nasa parking lot na kami, white na BMW ang sasakyan niya. Ang yaman niya na nga. Katulad ng mga sinasabi sa akin nina Mama at Katrina.
Pumasok kami ang nag drive na siya papunta doon, napuno ng katahimikan ang paligid namin. Tahimik na hindi ko maintindihan, naririnig ko na ang tibok ng puso ko, ganito katahimik.
Hanggang sa mag salita siya, "Natapos mo ba yung pinagagawa ko?" Tanong niya, tumingin ako at agad tumango.
"Tapos ko na, tinapos ko bago tayo umalis" sagot ko.
Hanggang sa may pumasok sa utak ko, "I'm sorry." Ani ko, tumingin siya, "I'm so sorry for leaving back then, It's never my intention to leave you. I don't have a choice but to leave, because I love, I love that's why I left. But looking at you now with all that success, I can say na worth it lahat ng ginawa kong sakripisyo." Kita ko kung paano siya napalunok, "I understand how you find someone after me, gusto ko ring may kasama ka pag tanda—"
"W-wait, well okay, I already know everything—"
"Everything?!" Tanong ko, pati si Elli?!
"I mean, what I mean is, find what?"
"Someone, Inah?"
"I'm not with Inah, I'm never with anyone after you" sagot niya na kinalaki ng mata ko.
"Really?" Tanong ko.
Umirap siya, "I told, ikaw lang ang papakasalan ko, ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko. What you heard about me and Inah is fake news, she's dating Ian, yung sumagot sa'yo nung huling dinner mo sa bahay." Sagot niya.
"I-I well..."
"Bakit, ikaw ba may pinalit na sa'kin?" Tanong niya agad akong umiling, ngunit tinignan niya lamang ako.
"Wala! Wala akong naging lalaki, noon pa man ikaw lang," ani ko, tinignan niya ako, umuulan na kasi sa labas at napatingin din ako sa bintana dahil sa tindi ng tingin niya.
"Kung wala kang lalaki, ibig bang sabihin ako ang ama ng batang 'yon?" Sa mga mata niya halatang nakikiusap.
"O-oo..."
"Ugh! Sabi ko na! Sabi ko na e!" Aniya na kinagulat ko, para bang hinihintay niya lang na aminin ko, "Pag kakita ko pa lang ng mukha ni Elli alam ko na sa'kin siya! 8 months huh, bilang 'ko 'yon! Tifanny! Alam kong 'di ka mag c-cheat sa akin!" Aniya pa.
"Ano naman ngayon kung ikaw..."
"Ako! Ako at sabi ko na ako nga! Nasaan siya? Gusto ko siyang makita! Please, please Tifanny. Let me see our child," aniya na kinangiwi ko.
Umiling ako, "Si Summer muna ang puntahan natin, nasa pasyalan pa siguro si Elli kaya mamaya na" ani ko, tumango-tango siya. 'Di maalis ang ngiti sa mga labi niya na kinangiti ko na rin.
Dumating kami doon, pinayungan niya ako kaya natigilan ako ng mag kalapit kaming dalawa.
Nasa harap na kami ng puntod ni Summer, napangiti ako ng tumatakbong lumapit sa amin si Zeke na nasa loob para ng guard house. Lumapit siya kay Ichiro, pati na rin sa lapida ni Summer.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba?
Romancesynopsis At the engagement party, Tifanny Maxine Coquangco is invited by the celebrant, his friend. But she doesn't expect to see her ex-husband, Ichiro, at the party, which triggered her so much. Because of that, she ran away from the party and de...