Kabanata 15

60 23 0
                                    

"Pero...pwede ba kitang ligawan?" Tanong niya, napatingin ako ng maayos sa kanya, "Seryoso ako, I don't think I can be happy without you" aniya.

"Well, maybe I got the dream I wanted...I maybe make it true but, but without you I can't think of being happy. Ang pangarap ko ay maging abogado, kasama ka, pangarap kong mag kapamilya, at ikaw ang asawa, pangarap kong maging matagumpay sa pag nenegosyo at pagiging lawyer, para sa'yo"

"My dream may look achieve but it's not, I don't have you, that made my dream impossible for 8 years. But you're here now, so can I have my dream? Tifanny?" Tanong niya.

Napalunok ako, hearing all of these from him is really good. Noon ay nag seselos lang ako kay Inah, noon ay pinapangarap ko lamang na masayaw niyang muli o makasama man lang, ngayon ay maari na.

"Sige, pero sa isang kondisyon..." ngumiti siya, "Let's keep it a secret. Ikaw ang boss ko, ako ang empleyado mo, una sa lahat hindi ito magandang tignan, pangalawa, gusto kong maayos ang sa atin nina Elli." Ani ko.

Noong una ay nawala ang ngiti dito pero umayap siya sa akin, "If you promise to stay now, but this time you can't break it. No matter what, okay?" Tanong niya, tumango naman ako.

Nag trabaho na kami kahit na palingat-lingat siya sa puwesto ko pag may nag ri-ring sa phone ko, kinu-kwento ko na kasi kay Katrina ang nangyari. Noong una ay hindi pa nga siya makapaniwala.

Tahimik kaming gumagawa ng mga papeles ng may kumatok sa pinto, tumayo ako para buksan iyon at may makitang babae. Nakalugay ang buhok at naka-red suit, red lipstick, gold na hikaw, maganda ang kurba ng katawan.

"Is Attorney Coquangco inside?" Tanong niya.

Tumango naman ako, "Yes, what do you need? Ms?"

"Roxanne, Atty. Roxanne Himenez. I'm his client, and bussiness partner, I just really need to talk to him" aniya, lumingon ako kay Ichiro at pinapasok na lang ito. Nang makita siya ni Ichiro ay kita na napangiti ito, tumayo pa siya para yakapin ito.

Who's this woman?

Pinaupo niya iyon sa sofa habang bumalik naman ako sa table ko, mag kaharap sila ngayon na para bang ang saya-saya nila.

"I miss you! Buti na lang at hindi ako nag tagal sa Sorsogon," ani Roxanne. Ngumiti si Ichiro.

Nakatitig na ako sa kanila, "Well, that's great! Mabuti na lang at natapos mo agad ang kaso! Good job, Atty. Himenez!" Aniya.

Namula-mula ang pisngi nito, "I did it because you asked me to," aniya, "By the way you didn't reply to my text!" Sumulyap siya sa akin, "And you also said we will have a dinner later hindi ba?"

Dinner. Huh. "Yeah, later. Also I want you to know my w-Tifanny. Engr. Tifanny Mariano," aniya. "She's my secretary," dagdag niya na kinakunot ng noo ni Roxanne. "I know, I know, pero iba siya Roxanne! At hindi ka maaring maging kasama ko dito dahil lahat na lamang ay tayo ang partner, I want her also to be personally." Ani Ichiro.

"Yeah, but-"

"Let's talk about this some other time, Roxanne." Ani Ichiro, dahilan para bigla akong lapitan ni Roxanne at mag salita.

Tumingin ako sa kanya, "Can we talk?" Tanong niya.

Tumango ako, napasampal si Ichiro sa noo niya. Lumabas kami at doon niya ako hinarap, "Are you Tifanny Mariano?" Tanong niya.

Tumango ako, "Yes. Why?" Tanong ko.

"Huh, so he really ran back to you." Kunot ang noo ko, "You know what? Hindi ako makikipag plastikan sa'yo, I don't like you. Hindi ko maisip na ikaw ang naging unang asawa ni Ichiro at sinaktan mo lang siya! I've been with him for the past 8 years! 8 years since, Tifanny! Wala akong pake kong anong meron kayo at kung balak mo siyang balikan," galit niyang ani.

"I don't want Ichiro crying because of you! Nakaya niyang wala ka, Kaya huwag ka ng bumalik!" Halos pa sigaw na aniya.

"Gusto mo ba si Ichiro?" Tanong ko, nag pipigil na rin ng galit dahil sa wala pa akong karapatan.

"Oo, hindi niya man ako mahal ngayon pero mamahalin niya rin naman ako kaya umalis ka na. Ako ang makakatulong sa kanya, Tifanny! Ako ang kaylangan niya! I'm the one whose with him building this company! At ikaw? May asawa ka ng iba!"

"I don't marry anyone other than him! You don't know the pain and all the things that happened to me to say that! Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala. Huwag ko akong pag salitaan na para bang nakakataas ka sa akin dahil nariyan ka noong wala ako, dahil umipisa pa lang ako na ang nandoon."

"Niloloko mo ang sarili mo ngayon, Tifanny. Sinasabi niyang mahal ka niya dahil nandyan ka ngayon. Leave. And I'll make sure to make him love me more than you."

"I won't leave. May anak kami. May anak kami kaya hindi aalis, but go, get him. Try. Go. Hindi kita pipigilan at papadaanin pa kita," sagot ko.

Ngumisi siya, "Babalik ka at papaasahin mo lang pala si Ichiro?" Natatawa niyang ani.

Hindi ako sumagot. I want her to realize it by her self. Dahil kung mahal talaga ako ni Ichiro, kahit sino pang babae ang lumapit sa kanya ay hindi niya papansinin. Kahit sino pa ang mang-akit sa kanya ay hindi niya pag bibigyan, dahil una sa lahat kung mahal niya ako hindi na siya titingin sa iba. At kung sakaling mag tagumpay ito, papakawalan ko na lamang siya.

Galit itong pumasok ulit sa opisina namin ni Ichiro, naiwan akong medyo tulala sa labas. Nang buksan ni Inah ang pinto at pinapasok ako sa loob ng opisina niya, pinaupo niya ako sa sofa at hinimas-himas ang likod ko.

"See? Hindi ako ang kalaban mo dito, Tifanny. I know my limits," aniya, "Roxanne is with Ichiro for years now, mayaman si Roxanne at siya ang tumulong kay Ichiro na itaguyod itong kompanya." Dagdag niya.

Tumingin ako sa kanya, umupo siya sa tabi ko, "Matagal na ba niyang gusto si Ichiro?" Tanong ko.

Umiling si Inah, "Nag kagusto siya kay Ichiro ng malaman niya na matalino at may kaya na si Ichiro, I can say she likes Ichiro for 8 years. Pero matagal na siyang mag kakilala, noong umalis ka lang siya nalapit ng talaga kay Ichiro. Akala kasi namin noon ay hiwalay na kayong dalawa," aniya.

"Bakit mo sinasabi 'to sa akin?" Tanong ko ulit.

Ngumiti siya, "Because I believe that Ichiro is happy with you, na masaya talaga siya pag kasama ka niya. Masaya na ako ngayon, Tifanny. Pero mas magiging masaya ako kung ikaw ang babaeng makakatuluyan niya, congrats by the way, Elli ang pangalan niya 'di ba?" Tanong niya.

Tumango ako, we talked a lot. Mabait pala siya, mukhang suplada lang. Pag balik ko ay wala na si Roxanne at nakahawak na sa sintido niya si Ichiro.

Nang makita ako ay napatayos iya agad, umayap siya sa akin. "I'm sorry, hindi ko alam na sasabihin niya iyon. Hindi, hindi ako maagaw ni Roxanne sa'yo, Tifanny. Sabihin mo lang tatanggalin ko lahat ng koneksyon ko sa kanya," aniya.

Umiling ako, hinalikan ang noo niya. "No need, Ichiro. But thank you for saying that, thank you" ani ko. Umaykap naman ako sa kanya, binalik niya nito at hinalikan naman ang ulo.

"I love you, Tifanny. You're the only Mrs. Coquangco for me," aniya.

And that means a lot, ngayong may anak na kami kahit hindi pa namin ito ipag sabi sa lahat dahil kung malalaman naman nilang may anak kami ay automatiko ng maiisip na mag kakabalikan kami. Mahal na mahal kita Ichiro, kaya huwag mong bibitawan ang mga sinabi mo.

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon