The more I feel happy, The more I feel scared to lose this. Nasa opisina na ako, trying to focus on what we're trying to do ayon sa gusto ng kliyente namin.
Ang bahay ay nasa Cavite, ang nag papagawa ay si Engr. Kaspian. The design is very classic, that Spanish era theme. Ang ganda.
"Bakit ganito ang gusto niya? There could be better designs naman, yung more modern." Tanong ko.
Tumigil si Katrina sa pag d-drawing ng posible designs at tumingin sa akin, "Hindi naman kasi siya ang nag isip niyan," panimula niya, "Gustong ipagawa ni Kaspian yung dream house ng dating girlfriend na balita ay sumakabilang buhay na. Ang sweet at the same time nakakalungkot, ngayon lang din namin nalaman na may totga pala siya" aniya.
Ngumiti na lamang ako, hindi ko rin talaga iyon naisip. Ang akala lang namin ay wala siyang interes sa pakikipag-date dahil sa trabaho niya, o baka meron na talaga pero lowkey lang.
Mas malalim pa pala don, pinag patuloy namin pag de-design ng bahay.
Natigil kami ng makarinig ng ingay sa labas, mukhang may nag aaway. Tatayo na sana ako para sumilip nagulat ako ng bulabugin ni Eren ang opisina.
Sinipa pa niya ang pinto na kinagulat namin, "Ano bang ginagawa mo?!" Tanong ko inis ngunit may pag aalala.
"What do you think your doing?!" May halos galit ang atungal niya.
Kunot ang noo ko, "Ano bang sinabi mo Eren?!" Ani ko at akmang lalapit ngunit tinignan niya ako ng masama. Halos mapaatras ako ng dahil sa reaksyon niya.
"Bakit?! Nakuha ka na naman ng lalaking yon! Wala ka bang utak?! Di mo na ba ginagamit ang utak mo?!" Galit niyang ani, napaatras ako ng tuluyan ng hilahin niya ako papalabas.
Paulit-ulit ko siyang pinipigilan, may mga tao na ring nakikiusyoso at pinag sa sabihin siya at nag tatanong kung okay lang ako. His this mad. Kaya hindi ko alam kung anong gagawin niya dahil noon pa man ay tahimik lamang siya o mahinahon sa harapan ko.
Nasa parking na kami ng bitawan niya ang kamay ko at masama akong tinignan, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Ano tong nalaman kong nauwi ka sa bahay ni Ichiro? Ano?!" Aniya galit na galit.
"I-I'm...well. Hindi ko na itutuloy yung divo—"
"Argh!" Siyaw niya at nag aamok.
Naistatwa ako sa aking posisyon, Ichiro...please come, natatakot ako...natatakot na ko sa kanya.
"Bakit? Pinilit ka niya?" Tanong niya.
Umiling ako, umigting ng lalo ang panga niya. "H-hindi na naman namin kaylangan mag hiwalay, k-kaya akong suportahan n-ni Ichiro, d-di ko siya hihiwalayan" ani ko kahit mautal-utal.
"Kaya? Minamaliit mo na ba ang pamilya ko?" Sasagot pa lamang ako ng mag salita siya, "I let you talk to him dahil akala ko naman ay matuto ka na! I want to save you pero kung ano-ano ang ginagawa mo!" Sermon niya.
Nag simula na akong umiyak, ng makita niya iyon ay agad niya akong nilapitan. Sinubukang patahanin ako, para siyang maamong tupa ngayon.
"Shh, wag ka ng umiyak..." bulong niya, "Just do want I say okay?" Tinignan ko siya at ngumiti siya ng kaunti.
"Continue the divorce, I'll find a new lawyer for you. Leave your house, leave him, Tifanny. Live with me for now, just do it, Tif" ani Eren.
I'm sorry.
"I can't do that, I can't leave Ichiro. No." Ani ko at nakita ko kung papaano namuong mula ang galit sa mga mata niya.
"Your not the one whose gonna decide that" kunot ang noo kong tinignan siya.
Anong sinasabi niya? What is he trying to say? "Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya, tinignan niya ako.
"If you stay with him, I'll make sure you'll regret it. If your not in my house in midnight, I'll make sure Ichiro will fall in the ground." Aniya at tinalikuran ako.
Umiyak ako ng umiyak ng dahil don, I don't know, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga sinabi niyang iyon. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya yun sakin, to threat me.
Ngayong maaring tanggapin ni Ichiro ang kaso nina Sequoia, hindi ko alam kung kakayanin niya kung sabay non ay kakalabanin niya rin ang pamilya nina Eren. Hindi ko na alam.
At ang opisibilidad na masaktan siya ay di mawala sa isip ko.
.
.
.
.Pagka-uwi ko ay ang bigat sa aking pakiramdam, kinamusta ko muna si Zeke bago mag luto para sa kanya. Kahit ngayon lang, makabawi lang ako sa lahat ng sakripisyo at pag mamahal na ibinigay niya sa akin.
Adobo. Yun ang paborito ni Ichiro, yung matamis tamis at maraming patatas, ganon ang gusto niya.
Nang makarating siya ay natigilan ako ng makarinig din ng ibang boses mula sa pintuan, sino kaya ang mga kasama niya? Mga kaibigan kaya?
"Goodluck for taking that case, Atty. Coquangco! I think you'll do it great"
"Tama na sa kakaganyan! Ynah! May asawa na si Ichiro"
"Huh? Akala ko—"
Pinag buksan ko siya ng pinto, sinalubong ko ng ngiti si Ichiro at agad niya akong niyakap na kinabigla ko. Napangiwi na lamang ako ng makita ang mga kasama niya, mga abogado rin siguro, tatlo na lalaki at isang babae.
Kumiwalay siya ngunit hinalikan niya muna ang pisngi ko, "I miss you, dapat di na ako umalis ng bahay. Mag order na lang tayo ng food?" Tanong niya.
Umiling ako, at sinenyasan siya at mga kasama niyang pumasok. Papasok na kami ng kitchen ng sabihin kong nakapagluto na ako, namumula man ang pisngi niya ay di siya nahihiyang inanyayahan ang mga katrabaho niya sa kusina para kumain na rin.
Mag katabi kami habang yung apat ay nasa harap namin, tahimik kaming kumakain ng biglang mag salita si Ichiro.
"Huh, tahimik niyo ah. Bakit?" Tanong niya sa kanila, napatingin naman ako sa kanila at nakita kong napalunok pa ang iba.
Umiling yung isa na nakasalamin, "Nothing, Ichiro. Nabigla lang kami, akala kasi namin..."
"Akala niyo?"
"We thought you already seperated with her, we're just surprised, we're happy for you" ani noong isang lalaki at ngumiti sa akin.
"At bakit niyo naman naisip na hiwalay na kami? I've said it multiply times right? I have a wife." Ani Ichiro, halos patanong na sa kanyang tono.
Tinignan ko ang babae, dahil kanina niya pa sinisipat ang itsyura ko.
"Why? Something wrong with my face? Prehaps, do I have a dirt in my face?" Tanong ko di naiwasan ang pag mamaldita dahil sa narinig ko sa kanya kanina.
"No, there's not dirt or something wrong with your face" aniya, tapang mo ah.
Ngumiti ako, "Then why are looking at me?" Tanong ko.
Hindi na siya makasalita, tinignan ko si Ichiro at umiling lang siya. Tinignan ko ang lalaking prangka akong sinagot kanina, sumagot naman siya.
"She likes Ichiro, I wanted to say this in another term but oo, nilalandi niya ang asawa mo. Don't worry, Ichiro never flirt back, pero pinag kakamalan pa rin silang mag asawa or something." Humigpit ang hawak ko sa kutsyarang hawak ko.
Nawala ang init ng ulo ko ng maramdaman ang pag hawak ni Ichiro sa beywang ko, at lumapit para bumulong.
"Let's eat first, wag mo munang patulan. Ayaw rin patalo niyan, but don't worry, whatever damage you will give her I'm on your side" natawa ako sa bulong na iyon.
"Oh! Gabing-gabi na pala, we can't stay here until midnight. Uuwi na kami," ani noong isang lalaki na ngayon lang nag salita. Siguro ay naramdaman niya ang tensyon sa'min ng babaeng nasa harap ko ngayon.
But I stopped, I realized it...I have to, leave him before midnight. So he won't be in danger, so the dream hr build won't crash into ashes.
...
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba?
Romancesynopsis At the engagement party, Tifanny Maxine Coquangco is invited by the celebrant, his friend. But she doesn't expect to see her ex-husband, Ichiro, at the party, which triggered her so much. Because of that, she ran away from the party and de...