Kabanata 14

56 22 0
                                    

"Baby... let's talk" aniya. Napalunok ako, hindi ako makahinga ng dahil sa ginawa niyang iyon.

Sinubukan kong kumalas pero humigpit pa ang yakap niya, "W-what do you want to talk?" Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit?!

Kinalabutan ako ng maramdaman ang hininga niya sa leeg ko, "Hindi mo na ba 'ko mahal?" Bulong niya.

"Mabilis ito, Ichiro..." ani ko at tuluyang nakakalas sa yakap niya at kumuha ng isang unan kama ko para ibigay sa kanya ng iharap niya ako sa kanya at itulak ako doon.

Napahinga na lang ako doon, tinignan siya habang pumatong siya sa akin. Inalis niya ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko, sabay hinalikan ang noo ko, ilong at labi.

"Ngayon mo sabihing hindi mo 'ko mahal," aniya.

"Hindi kita mahal— uhm! Ichiro!" Ani ko dahil sa bigla niyang pag halik sa akin, pilit kong iniiwas ang mukha ko sa kanya.

Napalunok ako matapos no'n, "Nag mamadali ka ba at hindi mo mapagilan ang sarili mo?" Tanong ko sa kanya, tumabi na lamang siya sa akin pero ang kamay niya ay nakapolupot pa rin sa akin.

"Hindi ako nag mamadali, pero sabik na sabik na 'ko. I never been like this for 8 years,"  aniya. "I miss you so much," dagdag niya.

"At paano mo nasabing mahal mo pa ako?"

"Dahil hindi ka mawala sa isip ko, bawat galaw ko naalala kita, at kahit ilang beses kong subukan na kalimutan ka mas hinahanap ko lang ang prisensya mo...at pag tumatangi ka sa'kin mas nagiging determinado lang ako" aniya.

"Hindi tayo pwedeng mag madali, ang pinag usapan lang natin ay co-parenting,"

"Bakit? Pag nag balikan ba tayo masasagabal no'n ang pag aalaga natin kay Elli?"

"H-hindi, pero maapektuhan nito ang trabaho natin! Ang trabaho ko!" Ani ko.

"Ako ang boss mo!"

"Kaya hindi pwede!"

"Lahat naman hindi pwede sa'yo."

"Hindi totoo yan!"

Tinignan niya ako sa mata, "Sige nga! Kung hindi, halikan mo nga ko!"

"Hin— tinigilan mo nga 'to Ichiro!" Ani ko.

Nilapit niya ang mukha sa akin, "Let me kiss you atleast." Aniya.

Umiling ako, "Ayokong paasahin ka," ani ko.

"Hindi ako aasa, sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak mo" aniya at ngumisi.

Ninakawan niya ako ng halik at ganon na lang ang gulat ko ng gawin niya iyon sabay ng pag yakap sa akin, nakapikit na ang mga mata niya. Kaya niyakap ko siyang pabalik.

"Mahal mo talaga ako," aniya kaya sinubukan kong alisin ang pag kakayakap sa kanya pero hindi niya naman ako hinayaan na gawin iyon.

Niyakap ko na lang siya habang nakakumot na kaming dalawa. Nakatulog ako ng maayos ng dahil sa mag katabi kami, 'di na alintana ang lamig ng ulan, lalo na kung katabi ko siya.

.

.

"Tifanny," rinig kong pag gising, inulit pa ito, pero naramdaman ko ang pag halik sa aking leeg kaya ako nagising.

Ngumiti siya habang nainaantok pa ang mga mata ko, "Good morning, you might forget it, we have a meeting later. We can go together," aniya.

Tumango ako at tumayo na, pinuntahan ko si Elli na natutulog pa. "Hm, tulog pa siya. Hinatayin ba nating magising?" Tanong ni Ichiro, umiling ako, "Mag breakfast muna tayo kung ganon" aniya.

Nag luto siya para sa amin, tulog pa rin si mama pero gising na si Tita Liz na tumulong sa kanya sa pag luluto ng almusal namin.

"Ayos ka lang ba, Tifanny?" Tanong ni tita.

Tumango ako, "Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Tumingin siya kay Ichiro na nag p-prito ng bacon, "Nag kabalikan na ba kayong dalawa?" Dagdag niyang tanong.

Agaran akong umiling, "Hindi pa po, Tita" ani ko.

Lumabas na ng kuwarto niya si Elli, tumatakbo siyang lumapit sa akin at nag kiss. Binati niya rin ng good morning sina Ichiro at Tita Liz. Hanggang sa may mapansin siya sa akin habang nakain kami ng almusal, tinuro niya ang labi ko.

"Ma, why did wear lipstick?" Tanong niya, "Look oh! Your lips look so juicy and red. Para po kayong kinagat ng bee! But not that plump,"

Napatingin ako kay Ichiro, ngumisi lang siya.

"Uhm, well..."

"Dad did it to her," ani Ichiro, binalaan ko siya gamit ang mga mata ko, "I give her sweets that's why her lips are red," palusot niya.

"Can I have some?" Tanong niya.

"Oh no, darling, it's not for kids." Aniya, ngumuso si Elli kaya inabutan niya na ito ng pancakes.

Nag palit lang ako ng damit at nakapag palit na siya bago pa ako gisingin, pumunta na kami opisina at pag dating doon ay napaupo ako agad sa sofa.

"Are you tired?" Tanong niya, bahagya akong tumango sa gulat ko na lang ng umupo siya sa tabi ko.

Tinignan ko siya nag tataka, "Hihilutin kita," aniya.

Uhm, "Huwag na, ayos lang ako" ani ko, tumango siya at ng may maalala ako ay hindi ko na pinalampas pa, "Ang tungkol doon sa pinag usapan natin kahapon..."

"Sa'n doon?" Tanong ko.

Napayuko ako, "A-alam mo naman na h-hindi pa ako handa p-para sa hinihingi mo hindi ba?" Tanong ko at tumango naman siya, "Dahan-dahanin muna natin ang mga bagay, pwede ka pa rin namang maging ama kay Elli," ani ko.

Tumingin siya, "Ayos lang sa'kin." Sagot niya.

"Pero...pwede ba kitang ligawan?"

Maibabalik Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon