A ring is not just a thing to put on your finger when getting married, it's the memories with it. Nakayakap pa siya sa akin nag lalambing ang lalaking ito dahil nalate kaming dalawa at hindi na nakapasok dahil hindi siya nag alarm.
Pilipit siyang kumakapit sa braso ko pag inaalis ko ang kamay niya, "Sorry na, nawala din sa isip ko e!" Aniya at nag pa-cute pa.
"Sige na, sige na. May magagawa pa ba ako?" Tanong ko sa kanya namimilosopo dahilan para yumakap siyang muli, "Tama na Ichiro, kulit mo ah," ani ko sa kanya.
Hinarap niya ako sa kanya, "Galit ka po ba?" Tanong niya ang mga mata ay nakikiusap.
Umiling ako, "Bakit naman ako magagalit?"
"Kasi hindi na tayo nakapasok," sagot niya.
Tumango ako, "Pero hindi na ako galit," ani ko.
"Totoo?" Tanong niya.
Tumango ako at umayakap siya, "Totoo nga," ani ko.
Napalunok na lamang ako, hindi ko talaga kinakaya pag siya yung nag lalambing ng ganito. Para kasi siyang tuta at hindi ko talaga siya matiis, hinatid na ni mama si Elli at kami na lang ang susundo dahil umuwi na sila ni Tita Liz.
May date kasi si Tita Liz sa ldr boyfriend niya kaya maiiwan naman si mama, ayaw naman daw niyang maiwan kasama kami at ayaw niya raw langgamin.
Nasa text ang plano ng department namin para sa event, sumisilip nga si Ichiro na parang espiya kaya niyakap ko ang leeg niya dahilan para matawa siya pag katapos ko siyang pakawalan. Tumabi siya sa akin at niyakap ako sa beywang, "Uhm, it looks good pero halos lahat sa board members gusto ng navy blue at gold type," aniya.
"Huh? May theme bang sinabi?" Tanong ko.
Umiling siya, "Walang binigay na theme pero ang gusto niya ay ganon para elegante at simpleng tignan, but I they'll like that, red it looks good!" Aniya.
Napanguso ako, "Okay," malungkot kong saad, "Pero ilalaban ko ang food namin!" Ani ko. Pinakita ko ito sa kanya at kita kong nagandahan at namangha siya, tumingin siya sa akin at habang nakangiti ay tumango ng sumasang-ayon.
"Yup! Mukha pa lang masarap na, magugustuhan nila 'yan na kahif ano pang ipakita ng ibang department mas pipiliin nila ang madaling i-take out!" Aniya natawa kaming dalawa, "But jokes aside it looks really good, baby, maganda talaga. May naka-try na ba no'ng food? May nakatikim na ba? Para sure din at hindi sila madismaya," tanong niya at tumango naman ako, ang sabi ni Inah nakatikim na siya ng foods doon dahil regular costumer na⁰ siya. They never fail daw pero papadalhan niya rin kami ng sample.
Tumango ako, "Meron na, pero papadalhan niya na raw kami ng sample bukas. Bibigyan ko si Elli, may donuts kasi sa menu" ani ko.
"Ako 'di mo bibigyan?" Tanong niya nakanguso.
Umiling ako, "Matitikman niyo rin naman pag nag taste testing na kaya huwag na!" Ani ko, ngumuso pa siya, "Kulit much ah, ganyan ba pag hindi nakapag almusal?" Tanong ko natatawa, umiling siya ng paulit-ulit.
"Gusto ko matikman na, mukhang masarap! May cheese pa kaya tingin ko goods talaga siya, kahit patago lang bigyan mo 'ko" aniya.
Muli akong umiling, "Matitikman mo naman kasi! 'Wag na ah," ani ko. Tumango siya kahit halatang labag sa loob niya na sumang-ayon, "Huwag ng makulit, Ichiro," dagdag ko.
Nag bake kami ng brownies dahil na boring kami matapos namin tapusin yong series na pinapanood namin sa netflix, nilagay muna namin sa ref iyon dahil mag uuwian na at susunduin naman namin si Elli sa school niya. Noong unang sinabi ko kay Ichiro kung anong grade na si Elli ay nagulat pa siya, pero kalaunan ay natuwa dahil ang talino daw ni Elli. She's still a kid tho, I'm treating her as her age, I don't want her to grow up that fast. I also wanted her to experience those things like being a kid, play in the rain, had her first crush but an a actor, play volleyball and other.
BINABASA MO ANG
Maibabalik Pa Ba?
Romancesynopsis At the engagement party, Tifanny Maxine Coquangco is invited by the celebrant, his friend. But she doesn't expect to see her ex-husband, Ichiro, at the party, which triggered her so much. Because of that, she ran away from the party and de...