PROLOGUE

899 30 1
                                    

Mistakes We Can't Undo

Prologue

"Mac, baka ma-out of place lang ako dun. Wala akong kakilala sa mga kaibigan mo."

Kanina pa ako todo tanggi sa paanyaya ng pinsan ko. Kasi naman, isasama niya ako sa hiking nilang magbabarkada. E, ni isa wala akong kilala dun.

"C'mon Cheese, loosen up. Kaya nga isasama kita para makilala mo sila." Ngumuso ako sa sinabi niya.

Kung hindi ko lang talaga crush tong pinsan kong si Mac Geran, hinding-hindi ako sasama. I know its kind of incest pero wala e, crush ko na talaga siya simula pa nung mga bata pa kami.

"E, hindi pa ako nakapagpaalam kay Mama." Ngumisi naman siya sa sagot ko.

"Got you," Kindatan niya ako. "Nakapagpaalam na ako kay Tita Miran. She even said to force you to go dahil puro libro at wattpad lang ang inaatupag mo."

"What? Si Mama talaga,"

Mac smirked. "Kaya mag empaki ka na Chisa," Ginulo niya ang buhok ko. "I'll pick you up at 5 a.m."

"Ugh, may mga babae rin ba kayong kasama?" My, baka ako lang ang babae dun. Hindi talaga ako sasama.

Pinalabas na naman niya ang kanyang killer smile na kinahuhumalingan ko. "Of course, nandun rin ang girlfriend ko. You gotta met her."

"Yeah, whatever." Inirapan ko siya. As if?! As if naman na masisiyahan akong makilala ang girlfriend niya! I freakin' hate her.

Ako kasi dapat yung girlfriend niya e. Kaso, magpinsan kami! Bakit ba kasi pinsan ko pa siya? Pwede mag pa-adopt nalang?

Nung hapon ring iyon, natapos na ako sa pag pack ng mga gamit ko. It's a weeklong hiking kaya marami-raming damit ang inimpake ko.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko dahil first time kong mag hiking. At isa pa, si Mac lang ang kilala kong kasama.

Paano pag hindi ako magustuhan ng mga kaibigan niya? Paano kung iiwan nalang nila ako bigla sa bundok na akyatin namin? My God. Halos mag hysterical ako sa mga naisip.

"Are you ready?" Agad na napawi ang kaba ko nang sunduin ako ni Mac kinaumagahan. Isang ngiti lang yata ni Mac buo na ang araw ko.

"Ready as I'll ever be," I beamed. Lumabas siya sa kotse niya at ipinasok sa sasakyan niya ang dala kong bag.

"Babe, yan na ba si Cheese?" Agad na napawi ang ngiti ko nang may nagsalita sa front seat. Binaba ng isang babae ang bintana niyon at tumingin sa gawi ko.

"Yes." Inakbayan ako ni Mac. "Babe, this is Cheese, my cousin. Cheese, this is Irina, my girlfriend." Tumango lang ako kay Irina habang nangingiti siya akin.

Pumasok na agad ako sa backseat habang naririnig kong tumatawa si Mac. "Hayaan mo na ang pinsan kong yan. Hindi kasi yan masyadong lumalabas ng bahay kaya medyo mahiyain." Ani Mac kay Irina na tumawa lang.

I admit it. Irina is pretty. Hugis puso ang kanyang mukha. Matangos ang ilong. Mahaba ang straight na buhok. Maganda ang mga mata at maputi. Bagay nga talaga sila ni Mac.

Kumpara sa akin na medyo wavy ang buhok. 5'4 lang ang height at Morena. Hah! Inaatake na naman ako sa pesteng insecurities ko.

"And Cheese, this is Cade." Turo ni Mac sa lalaking katabi ko sa backseat. Medyo magulo ang buhok niya. Maputi rin at gwapo. "Cade, thats my couz Chisa."

Ngumisi si Cade. "Di mo sinabing may maganda ka palang pinsan, Mac." Kinindatan niya ako.

Nakita kong napangiwi si Mac sa sinabi ni Cade. "Cheese is off limits, Cade."

Tumawa naman si Irina. "Ano ka ba babe, ang protective mo masyado. Hindi naman papatol yang si Cheese kay Cade. Right Cheese-girl?" Kinidatan ako ni Irina.

"Right,"

Akala ko mahirap makasundo si Irina but I've been wrong. Panay ang salita niya niya sa akin na wag daw magpadala sa babaerong si Cade.

Kitang-kita rin naman sa mukha ni Cade ang pagka-playboy. Ngumingiwi lang siya sa tuwing ibinubuking ni Irina ang kabalastugang nalalaman niya.

"Ano ba, Mac. Sawayin mo nga yang bungangerang girlfriend mo." Ngumuso si Cade. "Sirang-sira na ang pagkatao ko sa crush ko oh," Sabay tingin sa akin.

"Ew," Tatawa-tawa lang kaming apat hanggang sa huminto na kami sa Hiking site. Una kaming dumating doon at kasunod na dumating ang isang itim na Van.

Bago kami pumasok sa site, pinakilala ako ni Mac sa iba pang kaibigan niya. Sina Merc, James, Agustin, Matt, Morie, Juniper, Luca at Hyden.

Pagkatapos naming fill-upan ang forms, nagtipon-tipon kami para groupings. Panay ang salita ni Mac harap pero hindi ako nakinig ni isa sa mga sinabi niya.

Pareho kami ni Juniper na picture ng picture kahit saang anggulo sa site.

"Anong year ka na ngayong pasukan?"

"First year pa," Ngumiti ako kay Juni. "Kayo ba, Second year college na lahat?"

Tumango naman siya. "So, anong course ang kukunin mo? If you mind me asking?"

"Secondary Education," Nag-uusap lang kami ni Juni sa tabi.

"Ugh, allergic ako diyan," Tumawa siya. "Feeling ko mababato ko ng kung ano-anong bagay ang magiging estudyante ko. Matawag pa akong bayolenteng teacher,"

"Uh-uh, ano palang course mo?"

"BS Marketing, gusto ni Dad e. But I'd really want to be an enterior designer." Lumungkot ang boses niya.

"Oh, mag shift ka na kaya," Biro ko sa kanya. "Wag mong ipaalam sa Dad mo,"

"Uh, bad influence ka rin ano?" Hinampas niya ako ng pabiro. "Pero, pwede rin," Tumawa siya. "Pag-iisipan ko yang idea mo,"

"Uh-uh, sineryoso mo talaga huh?"

"Sabi kasi nila, mas maganda yung ideas na sinasabi ng tao na hindi mo pa masyadong kilala. I mean, no offense meant ha. Pero, pag-iisipan ko yan," Kumindat siya sa akin.

"Girls, tama na ang chit-chat! Pumunta na kayo sa grupo niyo." Nagkatinginan kaming dalawa dahil pawa kaming hindi nakinig sa groupings.

"Saan ba group namin? Hihi," Nag peace sign pa si Juni nang tiningnan kami pareho ni Mac ng masama.

Ang ending, inulit ulit ni Mac ang sinabi niya kanina. Ang lead group sina Mac, Irina, Morie at Matt. Sila ang unang papasok sa gubat at mag-iiwan ng trails.

Ang susunod naman sa kanila ay sina Luca, James, Merc, at Juniper.

At ang last group ay Ako, si Cade, Hyden, at Agustin. Bawat grupo ay may Mapa tsaka Compass.

Bago pa pumasok sila Mac sa loob, hinila ko muna siya. "Mac, are you sure about the groupings? Ako lang ang babae dun e." Reklamo ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala pinsan, sila nga ang nag volunteer na sa group ka nila. They're good." Ginulo niya ang buhok ko.

Sinimangutan ko naman siya. "My God. Baka iiwan nila ako sa gitna ng kung saan. I didn't know them." Palatak ko sa kanya.

"Kung anu-ano kasi ang pinapanood mo o binabasa mo sa wattpad kaya ganyan ka mag-isip." Tumawa si Mac. "Trust me with this one Cheese. They got you,"

"C'mon Mac! Let's get going na." Napalingon kaming dalawa sa conyong si Luca. I really don't like that girl. Maarte.

Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa grupo ko. Praying silently na wag sana akong iwan o pagtripan ng mga lalaking kasama ko.

Lord, help me.

~~~
UPDATES WILL BE POSTED EVERYDAY. 💌

If you like this story please do support me by voting. Thanks!

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon