CHAPTER 33

276 28 7
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 33

Oh God. I lost the baby.

Ilang oras na akong umiiyak simula nang magising ako sa hospital. Alam kong naguguluhan pa rin talaga ako sa dapat kong maramdaman na magkakaanak na kami ni Hyden.

Hindi pa kami nag-uusap. Hindi niya narinig mismo sa akin na magkakaanak na kami. Alam kong mali ang pinaggagawa ko dahil una pa lang, alam kong may Sam na talaga sa buhay niya pero hindi ako umiwas kay Hyden.

I love him. At pinag-iisipan ko na kahit magpapakasal siya sa iba, aalagaan ko pa rin ang magiging anak namin. Kahit hindi niya kayang panindigan ang bata, kakayanin ko.

Pero... wala na akong magagawa. I lost the baby. Namatay ang bata na hindi ko man lang nalaman kong babae ba siya o lalaki. Namatay siya na at hindi ko man lang siya na protektahan.

Ito ba ang parusa sa hindi ko pag-iwas kay Hyden? Oh God! Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko matatanggap ang lahat ng ito. Hindi!

"The investigation was ongoing but I will assure you tita that I will get to the bottom of this." Hawak-hawak ni Leandro ang kamay ko.

"Dapat na managot kung sino man ang may kasalanan sa pagkamatay ng apo ko! Oh, Cheese. I was relieved when I knew that you were safe. Hindi ko mapapatawad kung sino man ang may gawa sayo nun." Hindi rin ako iniwan ni mama simula nang nagkamalay ako sa hospital.

"Hindi ko matatanggap, Ma. Masakit. Hindi ko kakayanin." Niyakap ako ni mama.

"Hush, makakaya mo 'to, Cheese. Kakayanin mo. Bata ka pa. Gawin mong motibasyon na mabuhay ang anghel na nasa langit na ngayon. Magpakatatag ka." Humahagulhol ako ng iyak at hinahayaan lang nila ako. Gusto kong ubusin ang lahat ng luha ko pero hindi na mababalik nun ang namatay kong anak.

"You'll be fine. I'm not gonna leave you." Kami nalang dalawa ni Leandro ang nasa loob ng kwarto sa hospital dahil umuwi saglit sa bahay si mama.

"But you l--left..." Nabasag ang boses ko nang sabihin ko yun. Alam ko naman na wala akong karapatang sabihin yun sa kaniya pero magkaibigan pa rin naman kami at basta basta nalang niya akong iniwan at hindi man lang siya tumawag sa akin ni minsan.

"Yeah, I'm sorry." Hinagod niya ang likod ko. "I'm not gonna leave you this time, I promise."

"Promise?" Tumingin ako sa mga mata niya.

Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko. "I promise." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan niya naman akong magpahinga sa yakap niya.

* * *

"I knew it! That girl is evil!" Dalawang araw na ang nakalipas at lumabas na ang resulta sa imbestigasyon.

Huminga ako ng malalim. May pagdududa na ako simula palang nung pagkikita namin sa lobby ng condo. I knew something was off and I can't believe she did it.

Wala na akong luha na maiiyak pa. Hindi na talaga maipagkakait pa ni Samantha ang lahat dahil siya talaga ang mastermind sa nangyari sa kotse ko. Hindi gumana ang brake.

"Chisa,"

Ang masakit lang para sa akin ay ang pagkampi ni papa sa kaniya. Naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Kahit anong mangyayari, mas pipiliin niya pa rin si Sam at tita Milagros.

"I hope you'll understand me this time." Tumingin lang ako kay papa. Ni hindi ko kayang magsabi ng isang salita man lang. He broke me. The truth broke me.

"She loved him earlier than you did. She met him way back when they were still young. She's obsessed with him. All I want to ask you is to understand her. She's still your sister, Cheese."

Ipinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. I lost my baby. Hindi ko matatanggap at unawain siya ng ganoon lang kadali. Anak ko yun. Anak rin ako ni papa at alam kong alam niya na hindi madali ang mawalan ng anak.

Hinding-hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Sam kahit na si Sam na mismo ang gumagawa ng masama. Ironic diba?

"Siguro matatanggap ko rin ang lahat sa tamang panahon." Pinilit kong magiging matatag para sa sarili ko.

"Don't worry. I will never let her harm you again. I promise." Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Matagal kong hinintay ang panahon kung kailan niya ako yayakapin ng ganito. Pero hindi ko magawang maging masaya ngayon. Nawalan ako. Nahihirapan ako.

"I have to go. We need to go." Sinipat niya ang relos niya.

"Can I, atleast talk to her before you go?" Tumitig si papa sa akin saka tumango.

Iniwan ko na sila mama at pinuntahan si Samantha. Naabutan ko siyang nakayakap kay Hyden. Si Hyden. Nakita ko na rin siya sa wakas. Masakit nga lang 'to ngayon. Masyadong masakit 'to para sa akin.

"Hindi mo... makukuha si Hyden... mula sa akin." Gusto kong magalit sa kaniya pero nang makita ko ang sitwasyon niya, nananaig ang awa sa kalooban ko.

"She lost it." Umiling ako kay Hyden.

"I lost my baby too." Mahinang sambit ko at muling pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.

"She needs me." Nangungusap ang mga mata niya. Pilit niyang pinapakalma si Samantha. Hindi ko alam kong bakit nagkakaganyan si Samantha.

She lost her mind. She have it all but she still lost herself. Tumakas lang pala siya mula sa medication niya sa Australia at pinilit na pumunta sa Pilipinas.

Naalala ko rin ang pagdudugo ng ulo niya nang magsabunutan kami sa coffee shop noon. Na trigger pala ang lumang sugat niya sa ulo nun.

May kasalanan rin ako sa nangyari sa kaniya pero hindi rin naman mabuti ang ginawa niya sa akin. Sa anak ko. Sa anak namin ni Hyden.

Hindi na ako lumapit pa sa kanila dahil nagsimula nang magwala si Samantha.

"The baby." Pilit kong pinapakalma ang sarili nang sambitin yun ni Hyden. Umiling ako sa kaniya.

Gusto ko pa naman sanang makita siya para makapag-usap kami tungkol sa amin. Pero parang ito na ang huling pagkikita namin. Masakit pero kailangan kong tanggapin.

"We have to go." Nakahawak pa rin sa kaniya si Samantha. Nakakaawa rin ang kalagayan niya dahil parang bumabalik siya pagkaisip bata at bigla bigla nalang rin nagwawala kapag hindi niya makikita si Hyden.

Ako dapat ang nagwawala dahil nawalan ako ng anak dahil kay Sam. Ako dapat ang kasama ni Hyden ngayon. Pero hindi. Hindi na maaari.

"Let's go." Lumapit sa tabi ko si Leandro. Hinakawakan niya ang kamay ko.

"Alagaan mo si Chisa." Tumalikod na si Hyden pagkatapos niyang sabihin yun.

Ikaw dapat yung nag-aalaga sa akin, Hyden. Ikaw ang kailangan ko. Hinintay ko na tuluyan na silang makapasok sa van na sasakyan nila patungo sa airport.

Aalis na sila. Aalis na siya papuntang Australia. Iiwan na niya ako ng tuluyan. Wala man lang kaming maayos na pag-uusap kahit sa huling pagkakataon.

Paalam, Hyden. 


Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon