CHAPTER 5

236 28 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 5

Mataas na ang sikat ng araw pero nasa loob pa rin kami ng tent. I didn't know that cuddling in the morning would feel this great.

"Hyden," Tawag ko sa kanya nang maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa likod ko.

"Wag na muna tayong bumangon." He whispered huskily on my ears. "Another round?"

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "I'm still sore, Geez." Feeling ko isang oras lang kaming natulog dahil paulit-ulit namin yung ginagawa.

He playfully pinched my nose. "Alright, baby." Tumawa siya. "Let's bath together?"

"Bath? Yan lang talaga ang gagawin natin?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"Hmm," Hinapit niya ang katawan ko sa kanya.

"Saan naman tayo maliligo, hmm?" Hindi ko maiwasang mapaungol dahil nasa leeg ko ang tungki ng ilong niya.

"May ilog malapit dito,"

"Ba't mo alam?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Narinig ko ang agos kagabi."

Pagkatapos ko siyang piliting tumayo nang halos kalahating oras, bumangon na rin siya at agad naming tinungo ang ilog.

"C'mon, Chisa. Akala ko ba gusto mo nang maligo?" Tumatawa siya habang sinasabuyan ako ng tubig.

"Stop it, Hyden. Ang lamig pa ng tubig!" Umiwas ako sa kanya at naupo sa bato na malayo sa kanya.

"The water is cold and I'm hot. Equality tawag dun, kaya halika na." Humahalakhak siya ng niyakap niya ako at hinila papunta sa tubig.

"Oh geez," Nanginginig ako sa ginaw habang sinasabuyan niya pa rin ako ng tubig.

"I like you," Hinarap niya ako sa kanya at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko.

"I like you too, Hyden." Hinalikan ko siya. "This is new to me," Pag-amin ko sa kanya. Lahat ng ginagawa ko kasama si Hyden ay hindi ko pa nagagawa noon.

"Are you happy with me?" Masuyo niyang hinaplos ang buhok ko. Tumitig ako sa kanya. He felt surreal. Everything that happened between us went so fast.

Kakilala ko pa lang sa kanya at may nangyari na agad sa amin! I gave my virginity to him pero wala akong pinanghahawakan.

Hindi ko nga siya boyfriend! My God. Ano bang inisip ko nung may nangyari sa amin?

"Hey, anong iniisip mo?" Untag niya nang mapansing hindi ako nagsalita.

"May girlfriend ka ba, Hyden?" Tumitig ako sa mga mata niya. Please say no. Please...

"Chisa," Sumikip ang dibdib ko nang biglag sumeryoso ang tono ng boses niya. No! Sana hindi. Sana wala!

"Please tell me," I know I sounded desperate pero gusto kong malaman e. "It's just between Yes or No, Hyden."

Hindi siya tumingin sa akin. "Yes."

"Oh my God," Agad akong kumawala sa kanya at mabilis na naligo na. I can't believe it! Binigay ko sa isang lalaki na may girlfriend ang virginity ko? Nang ganun nalang kadali? Gusto kong sabunutan ag sarili sa inis.

Shit. Ang tanga ko.

"Chisa,"

"Stop." Nauna na akong umalis sa ilog at nagmamadaling pumunta sa tent namin. Nagulat ako nang mapansing may ibang tao doon.

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon