CHAPTER 9

181 28 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 9

"Please Cheese, sumama ka." Napakagat labi ako sa invitation ni Juniper. "Uuwi naman tayo before sunrise, eh." Kanina pa talaga niya ako kinukulit na sumama mag night out sa Constellation; isang kilalang high end bar dito sa city.

Kaso baka nandun si Hyden. Ayoko na muna sana siyang makita. Pero impossible naman yata yun dahil dalawang araw nalang, pasukan na rin naman.

"Alright, pupunta ako. Let's meet there, okay?" Tumili pa talaga si Juni.

"Oh my God! I'm so excited. Pupunta ka talaga ha?" Naninigurado pa talaga ang loka.

"Oo na," Natatawang sabi ko saka pinutol na ang tawag.

"Leandro," Tawag ko sa kanya. Napansin ko lang na laging nasa unit namin tong damuhong to.

"What?" Nakatuon pa rin ang pansin niya sa pinanood sa tv habang kumakain ng popcorn.

"Uh," Tama bang ipaalam ko sa kanya na aalis ako mamaya? Ano namang pake niya? Hay. Bahala na nga. "Aalis kasi ako mamayang gabi."

Saka lang siya tumingin sa gawi ko. "Then?" Sabi na nga ba e. Magsusuplado siya.

"Wala lang naman. Pinaalam ko lang sayo," Nagkibit balikat ako.

"Your coming with?"

"Friends,"

"Aryt." Binalik niya na ulit ang atensyon sa tv kaya bumalik na rin ako sa kwarto at naghanda para mamaya.

Nung nasa Pinas pa si Mama, hindi niya naman ako pinayagang magbar. As if na papasukin ako dahil minor pa naman ako noon. Bago pa lang ako nag 18 last month.

May mga kaklase naman ako noon na mahilig magbar kahit minor pero ni minsan ay hindi ako sumama. Wala naman kasi akong close friend nung high school. Hindi kasi ako ang friendly type at di rin sociable. Juniper and Irina were good friends naman siguro at baka nandun rin si Mac. Pinsan zone ang atraksyon ko sa kanya.

Pinili kong suotin ang isang black tube dress na nabili ko recently. Hindi ako mahilig magdress nung high school but I guess, kailangan ko ng mag blend in sa trend ngayon. I'm a college student kaya dapat hindi na pants at tshirt ang susuotin ko.

Hapit ang tube dress na yun sa katawan ko at medyo maikli pero okay lang naman. Pinarisan ko rin iyon ng pumps. Naglagay rin ako ng make up para hindi ako magmukhang bata. Bahagya kong kinulot ang dulo ng mahaba kong buhok para magkaroon rin ito ng kaunting buhay. Then, I'm all done!

Nang sipatin ko ang wall clock, 8 pm na pala. I should better get going. Nag text na rin si Juniper na papunta na sila sa Constellation.

"What the--" Natawa ako sa reaksyon ni Leandro nang lumabas na ako sa kwarto. Nasa sala pa rin siya, nanonood na naman ng tv. Nabitiwan niya ang coke in can na dala kaya nabuhos iyon sa carpeted floor.

"Are you seriously judging me, right now?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Nagsalubong na naman ang kilay ni angry bird. "Why do you dress like that?"

"Hindi naman panget tong damit ko, ah? This is brand new." Pagmamayabang ko sa kanya.

"You should find something decent," Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Decent? Bagay naman tong suot ko sa pupuntahan ko, Leandro. Sa bar ako pupunta, hindi sa simbahan."

"That doesn't mean that you will dress off like that," Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "You look ugly."

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon