CHAPTER 18

129 27 0
                                    

Mistakes We Can't Undo

Chapter 18


"Leandro kasi... kaya ko naman kumain mag-isa," Grabe naman 'tong angry bird na 'to. "Nilagnat lang ako hindi ako naputolan ng kamay."

Na a-awkward kasi ako dito kay Leandro na pilit akong sinusubuan kahit kaya ko naman kumain mag-isa.

"Just let me do this for once, hm?" Diko alam pero nag-iba na nga yata ang hangin dito sa loob ng condo.

"Kasi naman--" Wala na akong nagawa nang sinubuan niya ako habang nagsasalita. "Walangya ka talagang ibon ka."

"How does it taste?" Parang tumigil yata ang paghinga ko nang tumitig siya sa mga mata ko. Ano ba, Leandro mamamatay ako ng wala sa lugar kung ganyan ka makatitig. Kinabahan ako bigla...ano ba 'tong nararamdaman ko.

"Masarap naman, ano pa bang bago?" Magaling naman talaga magluto ang isang 'to. Parang tumaba nga ako simula nung nagkasama kami dito sa condo.

"Do you still feel hot or something?" Nilagay niya sa noo ko ang palad niya.

"Uhm, normal na lagnat lang naman 'to. Mawawala din to mamaya," Mabilis na kinuha ko naman ang kutsara sa kamay niya para hindi na niya ako subuan. Di ako sanay sa ganito.

"Why are you so awkward towards me?" Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Napalunok naman ako nang wala sa oras. Bwesit na Leandrong 'to, parang di na mawawala ang lagnat ko kung ganito siya palagi.

Hinila ko naman ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. "A-Ano ba... ba't naman kasi bigla kang nagkakaganyan."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "You still don't get it, do you? I like you, Moreda. Didn't you feel it? Will I kiss you for no reason? Won't I be jealous if you're talking to that asshole? I like you and I want you to give me a chance to prove myself worthy of you, will you let me?"

Hindi ko siya matingnan sa mata.

"Gusto mo ako? Pero---"

"I will give you time to think about what I said to you. Hindi ako nagmamadali, Moreda." Binitawan na niya ang kamay ko at lumabas na sa kwarto.

Di ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Oo, hinalikan niya ako once pero hindi naging big deal sa akin yun. Gusto niya ako pero kakakilala lang namin. Hindi ko pa siya lubusang kilala at hindi niya rin ako kilala. We're living on the same roof pero parang masyadong mabilis yung mga pangyayari.

Gaya nung nangyari sa'min ni Hyden. He liked me the very first day we met. I gave my body to him to that very first day. Parang ang bilis lang ng lahat tapos nalaman ko na may girlfriend pala siya. Paano na ako?

And now, Leandro said he likes me too pero ang bilis naman. Maybe he'll just like me for a short period of time tapos gagamitin and iiwan niya rin sa huli. Hah, grabe naman.

Gusto ko pa naman sanang mag focus muna sa pag-aaral at umiwas sa mga ganitong bagay pero di ko rin naman maiiwasan si Hyden at may nangyari nga ulit sa amin... pero may girlfriend naman yun.

Pero kasi, marupok ba ako?

***

"WHAT THE FUCK ARE YOU DOING HERE?!"

"YOU'RE SUPPOSE TO ANSWER THAT QUESTION! WHERE'S CHISA?"

"Dude, leave her alone."

"You leave her alone. Where the hell is she?"

Napalabas ako sa kwarto ng wala sa oras dahil sa ingay na narinig ko. Hala, ba't andito si Hyden sa condo? Naabutan ko silang dalawa ni Leandro sa sala.

"Bakit ka nandito?"

Mabilis na nakalapit sa tabi ko si Hyden. "Okay ka lang ba? Sabi ni Juniper, may lagnat ka raw kaya dika pumasok." Hinawakan niya ang noo ko.

Agad ko namang inalis ang kamay niya. "Uh, medyo okay na ako. No need to worry."

"I don't have to worry because you have that guy to take care of you? C'mon, Chisa!" Hinawakan niya ang pulsohan ko. "Ba't andito yan? Anong ginawa niya sayo?"

Tumawa si Leandro. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa. Baliw ba 'to?

"Pfft...You tell him, Moreda." Umupo si Leandro si couch. Naghintay naman si Hyden sa sasabihin ko.

"Uh kasi,"

"Kasi ano? Chisa,"

"Uh, he--- well, bakit ko naman ipapaliwanag sayo Hyden." Kumawalas ako sa pagkakahawak niya. Bakit ba ang hilig manghawak ng mga lalaking 'to ngayong araw.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "C'mon, tell me what is he doing here in your unit?" Sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Wala ka na dun. You shouldn't be here in the first place."

"Just tell me why is he here, huh? Mahirap bang sagutin yun?"

"Dude, I live here." Nilakihan ko ng mata si Leandro pero magpatuloy pa rin siya sa pagsasalita. "We've been living together for months, I guess. It doesn't concern you, so back off."

"Chisa, what is he talking about?" Mariin akong napapikit sa tanong niya. "It doesn't make sense!"

"Oo, dito siya nakatira--"

"Ano? bakit? Sabihin mo sa akin ang totoo." Napabuga ako ng hangin. I can't explain to him everything and why would I explain it to him? Sumasakit ang ulo ko.

"Her father let me live with her. You're out our life. Stop asking her stupid questions and get lost." Bumaling si Leandro sa akin. "Go to your room, you need to rest."

Yun nga. Yun nga ang dapat kong gawin. Hindi ko tiningnan si Hyden at tumungo na sa kwarto ko.

"You can leave now." Rinig kong pinapaalis na ni Leandro si Hyden. Bago ko isara ang pinto ng kwarto, narinig ko ang sagot niya.

"I'm not leaving."

[unedited]

Votes and comments are appreciated!

Mistakes We Can't UndoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon